Chapter 2

99 5 4
                                    

Mahal mo na ba ang isang tao kung masaya ka kapag kasama mo siya?

**

"Chelsea babe! Punta na ako sa cafeteria, sama ka?" Patuloy pa rin ang pagkalabit sa akin ni Aldrin. 'tamo 'tong monggoloid na 'to, hindi niya ba nakikita na busy ako sa pagawa ng group project namin?

Yeah. Alam ko pong may NAMIN pero AKO ang gumagawa. Masyadong mababait mga kagrupo ko eh! T___T

"Magtigil ka nga" Iritang sabi ko sa kanya, bahagya naman itong tumigil

Take note BAHAGYA LANG.

"Sige na kasi Chelsea babe!" Pagpupumilit ng tukmol, mga nakaraang araw nasasanay na siyang tinatawag akong chelsea babe.

As in nakakadiri kaya!

Babe daw?

Sus! (-.-")

"Chelsea."

Tawag sa akin ng mala anghel ang boses, oh no. Hindi mala anghel! Kasi anghel talaga!  si Dave *O* Crush ko! Agad naman akong napatingin sa kanya at ngumingiti-ngiti siya sa akin. Ang haba ng hair ng lola mo!

"Psh. Mas gwapo pa ako diyan!" Bulong ng demonyo sa likod ko. Sus.

"Che!" Pabulong ko rin na sabi. "Ah anong kailangan mo Dave?" Tila nagssparkle na mata na sabi ko.

"Wala lang. Nagagandahan kasi ako sayo eh." Sabi nito at kumindat pa.

Resulta.

Tameme ang lola mo.

Bigla ko na lang napansin na tumalsik yung paste sa kamay ko natalsikan din ata si Dave? Umuulan ba ng paste?

"Pasensya na ha. Ang tanga kasi ng paste." Sabi ng boses sa likuran ko nilingon ko yun at kita ko si Aldrin na mahigpit ang pagkakahawak sa paste. "Naistorbo ko ba kayo?" Madiin na pagkakasabi nito. "Sige alis na ako." Walang ano ano'y umalis na si Aldrin sa likod ko.

Problema ng gagong yun?

"Is he jealous?" Untag sa akin ni Dave.

I shook my head "Ano naman karapatan niya diba? Hindi naman kami? Mood swings lang yun! PMS ata eh."

He chuckled. Gaawd! Bakit ang hot po ng nilalang sa harap ko?  "Ang daming sinabi ha? Yes or no lang naman ang hinihingi kong sagot." Napahawak siya sa chin niya.

Napayuko naman ako at tumawa siya.

May nakakatawa po ba sa ginawa ko? Bakit hindi ako na inform ng makatawa rin ako?

"You know what? He's lucky." Ramdam ko ang init ng hininga niya sa batok ko. "You're so damn pretty Chelsea." Goosebumps naman ang lola mo. "I have to go now, see you later my dear Chelsea."

Nakatulala akong nakatingin sa kanya habang paalis na si Dave wearing that naughty grin on his face. Mas lalo siyang gumagwapo pag naka ganun siya! Kyaaaah!

"Uy Chelsea? Hanu ka diyan? Statwa?" Untag sa akin ni Sasha.

"Ay naku. Sorry! -_____-"

"Elib ka nanaman sa crushybells mong si Dave?" May halong pangagantyaw na sabi nito sa akin.

"Masisisi mo ba ako?" Pinandilatan ko siya at nangulumbaba. "He is sooo purfect!"

"Ay naku! Mas perfect pa si To-pe ko diyan!" Binatukan niya ako ng bahagya. "Halika na nga!"

"Aray ko naman!" Agad naman akong na pahawak sa batok ko, alangan naman sa ulo? Binatukan nga diba? Hindi inuLUHAN.

Okay. Ang corny ko. Tawa naman kayo unti para di malugi! -____-

Could This be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon