Chapter 10

52 2 1
                                    

Aldrin's POV

"Naging kayo ba ni Sasha?"

Nahinto ata pagdaloy ng dugo sa katawan ko. Bakit? Paano naman niyang nasabi kung naging kami ba ni Sasha? "B-Bakit mo naman na-natanong yan?"

Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan iyon. "Sa diary niya kasi."

Sasabihin ko na ba lahat? Na hindi ako ang tinutukoy ni Sasha kungdi si Daryll? "H-Hindi."

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. "Eh sino yung tinutukoy niya?"

My lips twitched. "Promise me na hindi mo sasabihin kung kanino."

"Oo! Honesto! Hindi talaga!"

I sigh, sasabihin ko na. "It's Daryll."

Napasinghap siya sa sinabi ko, miski ako mapapasinghap eh. Akalain mo yun? Hindi man lang niya alam na naging boyfriend ng bestfriend niya si Daryll.

"H-How? Paano?"

"Umupo ka nga muna dito." Sabi ko sa kanya. Nang nakaupo na siya sa tabi ko ay inusog ko siya palapit pa sa akin. "Nangyari to nung nasa ospital ka dahil sa katangahan mo."

"Hindi ako tanga noh!" Protesta niya.

"Aish! Manahimik ka nga muna!"

She then, zippered her lips. So i continued. "So yun nga, nangyari 'to nang dahil sa–" Pinandilatan niya ako ng mata. "Sa kapilyahan mo. Happy?"

She nodded. Napairap naman ako. "Nang dahil sa stress si Sasha nung wala ka, si Daryll ang nagcomfort sa kanya. Hindi naman talaga gusto ni Daryll si Sasha, pero umasa si Sash. Akala niya may double meaning ang pinapakita sa kanya ni Daryll. Tapos–"

"Hep! Hep!" She raised her hands to silence me. "Eh ano yung latest na update niya? Na gusto daw ni Boy si Girl?"

My brows met. "Ano?" 

"Kasi–"

"It's you."

We are interrupted by the voice in front of us.. Kristoph? "Anong ginagawa mo dito?"

Imbis na pansinin ako ay umupo siya sa tabi ni Chelsea, aba? Snobber.

"Narinig ni Sasha na gusto ka ni Daryll, it's the day na magkagalit kayo ni Aldrin." Bumaling ng tingin sa akin si Kristoph. "Tama ba ako?"

Naalala ko, umamin sa akin si Daryll na may gusto siya kay Chelsea, pero hindi ko naman alam na seseryosohin niya.

"Pero mali ang pagkakaintindi ni Sasha dun dahil nagbibiro lang si Daryll, then nakita niya si Daryll na hawak hawak ang picture ni Chelsea"

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit naman hawak ni Daryll ang picture ng girlfriend ko?!"

Napamaang si Chelsea. "Girlfriend mo ako!? Kailan pa?!"

"Ngayon lang!"

"Hindi pa nga ako nag oo eh!"

"Ayan nag oo ka na!

"Stop acting like a kid guys!" Saway sa amin ni Kristoph. Naiirita na ata sa amin.

"Ayun nga. Mali ang pagkakahinala niya." Pagpapatuloy nito.

Hinawakan naman ni Chelsea ang balikat ni Kristoph na siyang nagpakulo ng dugo ko. Kalma lang Chao! Mag problemang dinadala tropa mo "Ikaw? Kamusta ka naman ngayon?"

Tumingin sa baba si Kristoph. "Undefined." Sagot nito at ngumiti.

Ngumiti naman ng pilit si Chelsea tapos tumayo. "Tara na sa room." Agad naman sumunod sa kanya si Kristoph

Sige! invisible ako dito!

Agad naman akong sumunod sa kanya, and then we saw Daryll and Sasha.

Kissing.

Bigla akong napatingin kay Kristoph, oh no. Lalong masasaktan kaibigan ko dito. "Kris, gusto ba–"

Lumingon siya sa akin at ngumiti, buti pa itong kaibigan ko nagagawa pang ngumiti kahit na ang bigat bigat ng problema niya. "It's okay."

nagkibit balikat lang ako at dumaan na kami kung saan nandun sina Daryll. Bigla namang natulak ni Daryll si Sasha nung makita kami.

"Why?" Takang tanong ni Sasha. Kung hindi lang babae 'to nasapok lo na eh. How dare she?

Napaangat ang kilay ni Sasha tapos lumingon sa direksyon namin, out of shock. napanganga siya ng literal. I step forward para mapantayan ko sina Chelsea. Nakita ko sa peripheral vision ko na naka smirk lang si Kristoph.

"Can we?" Sabi ng kaibigan ko.

Hindi pa rin nakakasagot si Sasha, ano ka ngayon? Lakas ng loob lokohin kaibigan ko ha? Napatingin naman ako kay Daryll. Wala siyang imik.

Ano na bang nangyayare samin?

Hindi na inantay ni Kristoph na sagutin siya ni Sasha. Dirediretsyo lang itong dumaan. Nagkatinginan naman kami ni Chelsea then sabay na kaming dumiretsyo.

"Bro. Are you oky?" I tapped his shoulder.

He nodded. "Ako pa? Babae lang yun."

"Kristoph! Hey wait!" .

Napahinto kami sa paglalakad nang marinig yung boses na yun. Unang lumingon si Chelsea. "Ako na bahala dito." She whispered. Tumuloy tuloy lang kami sa paglalakad.

"Sa tingin mo kaya ni Chelsea si Daryll?" Nag-aalalang tanong ni Kristoph. Of course! I know her. She's stronger than me! Alam ko yun!

Tumango lang ako sa kanya at nakita si Sasha sa may pintuan ng classroom. Ay tangna! Nakalimutan ko isang malaking bilog pala itong eskwelahang ito kaya makokorner ka. Galing lang ng nag deseñio nito!

"Let me explain." She said in a hoarse voice. Tumingin ako kay Kristoph at nag nod siya so. Sumandal muna ako sa pader.

After a few minutes, nakarating na si Chelsea. "Naligpit ko na." Naka ngiting sabi nito. I patted her head tapos hinalikan ang bumbunan niya.

Ngumisi lang siya maya maya dumating na rin si Kristoph. "Anong nangyari?" Sabay na sabi namin ni Chelsea.

"We're over."

***

"GRADUATE NA KAMI!" Inihagis na namin ang graduation cap sabay-sabay. Tama ba yun? Wala naman kasi akong pakialam sa tawag dun eh.

Si kuya Pinto pina pose kami, mag seselfie daw kami.

"Kuya! Selfie tapos marami?" Reklamo ni Chelsea.

"Edi selfies!" Sagot naman ni kuya Pinto tumawa naman kami doon. Pinuntahan ko naman siya at Inakbayan.

"Ikaw kasi, reklamo reklamo pang nalalaman." Sabi ko nang may halong pang-aasar 

"Tse!" Napalabi siya. Napatawa na lang ako.

"Okay... One two... Perfect.. Smile!"

*Click*

"Guys anong gusto niyong kainin?" Tanong ko sa kanila.

"Libre mo kami?"

"Aba! Ibang usapan na yan!" Sabay sabay kaming nagtawanan. Napansin ko si Chelsea na nakaupo sa sulok kaya dinaluhan ko ito.

"Baby ko." Tawag ko. Alam kong corny pero pag tinatawag ko siya sa endearment namin ay napapagaan ko loob niya. Umangat naman siya ng tingin para makita ako.

"Bakit po? Upo ka muna dito." Umupo ako sa tabi niya. Tahimik sa paligid na 'to. Kahit na maingay sa kabila medyo tahimik dito.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko habang ninanamam ang hampas ng hangin sa mukha ko.

Yumuko siya at tumingin sa akin, hindi naka sayad ang paa niya kaya na swiswing niya ito. "Pag-alis mo."

Ngumiti ako ng mapait sa kanya, aalis kami dahil sa states na ako mag-aaral ng colegio. Nasabi ko na sa kanya ito noon pa. "Kung kailan okay na..... Saka ka pa mawawala."

Kumuha akong ilang hibla ng buhok niya at inipit iyon sa tenga niya. "Hindi ako mawawala babalikan kita.....

.... At sa pag balik ko, I will stay with you.... Forever."

Could This be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon