Chapter 5

59 3 1
                                    

Mahal mo na ba ang isang tao kapag titigan ka pa lang niya tunaw ka na?

**

Chelsea's POV

Saturday! Goodmorning pelepens! Haaaaay! Ang sarap ng tulog ko kanina! Syempre natulog ako pagkasabi ni mamaw, wala eh. Dapat sundin ang kagustuhan ng mahal na hari at baka mag-away nanaman!

Anyway, nandito ako ngayon sa sala at nanunuod ng pinaka favorite ko na super book! Maka Diyos e! Gustong gusto ko talaga nanunuod ng mga ganto. Kasi lalo akong napapalapit sa puong maykapal.

Lahat ata ng mga 4th year students nanunuod ng Superbook eh! Ang cute lang ni Gizmo! May app nga ako neto sa cell phone eh!

Mamaya-maya manunuod din ako ng Paddle pop at Angry birds!

Kapuso eh!

Humiga na lang ako sa couch namen, at nilantakan ang hinandang pop-corn ni mama. Wala nga dito si mama pagkagising ko, sabi niya kagabi may gagawin daw siya sa school na pinagtratrabahuan niya.

Isa nga pala siyang teacher sa isang pampublikong paaralan. Masyado bang matalinhaga? Yaan niyo na! Kaarawan kasi ni Andres Bonifacio!

Happy birthday po! Mabuhay ang katipunan!

Parang tanga lang noh?

Pinapanuod ko na yung eksenang nagkakaroon ng malalaking alon ang dagat na sinasakyan nila Cris ng biglang may nag doorbell!

"Sino naman kaya ang istorbo?" Bulong ko sa sarili ko.

Inis na tumungo ako sa may pintuan at binuksan yun.

Si Mamaw boy!

"Bakit andito ka? Sa pagkaka-alam ko Saturday ngayon at walang pasok."

"Bakit? Masama bang pumunta sa inyo pag walang pasok?" Sarkastikong sabi ng hudas.

"Oo! Banned ka na dito!" Giit ko.

Inirapan na lang ako ni Aldrin at binuksan ang gate.

"Hoy! Trespassing ka ha? Sinabi ko bang pumasok ka?!" Sigaw ko. Monggoloid na 'to! Lakas ng loob? Ano siya pamilya? Invited siya dito? Makabukas ng gate ganun ganun na lang?

Hindi niya pinansin ang protesta ko sa halip ay nag dirediretsyo aba? Feeling niya welcome siya dito?

"Hoy! Monggoloid ka rin enoh?" Pumunta ako sa harapan niya at inispread ang mga kamay ko "Bawal ka dito! Alis! Chu!"

Napailing na lang siya at binangga ako. Aba!

"Hoy Chao! Ano? Sa singit ba ng mata mo hindi mo ako nakita?!" Patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya habang siya ay nakapasok na sa pamamahay ko! Hindi pwede!

"Aba--"

Papasok na rin sana ako ng pagsaraduhan niya ako ng pinto! Punyeta muntik pang mapipi ang pointy nose ko!

"HOY FEELING MO NAMAN SAYO ITO HA?! BAHAY MO? BAHAY MO? MAY KARAPATAN KANG PAGSARUDUHAN AKO SA MISMONG BAHAY KO! LUMABAS KA DIYAN LABAS!" Wala na akong nagawa kinalampag ko ng kinalampag ang pinto! Walampake kung may makarinig man!

Kakalampag na sana ulit ako ng biglang bumukas yung pinto.

Ayun! Nahulog ako!

"Aray naman." Napahawak ako sa ulo ko at tumingala, ayun ang gago ngumingisi ngisi!

"So feeling mo naman Chinitong chinito ka na?" Inis na tumayo ako sa pagkaka salampak ko sa sahig.

"I guess so?" Pa cute pa ang gago!

Could This be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon