Chapter 3

77 4 2
                                    

Mahal mo na ba ang isang tao kapag hinahanap hanap mo siya pag wala siya sa tabi mo?

**

Aldrin's Pov

"Ano bang problema mo?" Sabi ni Daryll habang drinidribble ang hawak na bola. "Gago mo kasi!" Malakas na pinasa sa akin ni Daryll ang bola ng ikinabigla ko.

"Ako pa gago? Tang ina! Nagsese--" Agad lumaki ang mata ko ng nabanggit ko ang salitang yun. Nagseselos? Ako? Kailan pa?

Nagkunwari namang naubo ang kasama kong monggoloid sa court. "Sabi ko na nga ba eh. Bakit ba kasi hindi mo pa aminin sa kanya?" Kinuha ng gago ang Gatorade sa backpack niya.

Napatawa naman ako ng bahagya. "Why do i have to? She doesn't have to know, besides meron naman siyang Dave." Nag panipi hand style pa ako ng banggitin ang pangalan ni Dave.

Yung totoo kasi? Ano ba ang nakita niya sa gagong yun, matagal ng balita na crush talaga netong si Chelsea si Dave pero bakit diba? Nandito naman ako eh kailangan pang humanap ng engkanto!

Napa smirk naman ako. "Alam kong pagsisisihan niya na mawala ako sa tabi niya."

Pumunta sa direksyon ko si Daryll at kinuha ang towel na kanina lang ay nasa balikat ko. "Binabalaan kita, pag ikaw hindi gumawa ng paraan aagawan kita." Half serious half joke na sabi nito.

"Kung ma-agaw mo siya" I said amused.

"Alam kong maaagaw ko siya. Ilang araw na siyang walang kaibigan na matino, si Sasha laging na kay To-pe." Tumingala ito at pumikit ng mariin. "Hindi mahirap mahalin si Chelsea pre. Sana nagbibiro ka lang na nagseselos ka, kasi akin si Chelsea."

Napangiti naman ako sa sinabi ni gago alam ko, hindi mahirap mahalin si Chelsea kaya hindi nakakapagtaka na mahulog si Daryll sa kanya. "Alam mo? Tama ka. Baka sabihin ko na kay Chelsea." Taas kilay na tumingin ako sa kaibigan ko.

"Ano pang hinihintay mo? Alis na."

Tinapik ni Daryll ang balikat ko. "Go on."

Lumabas ako ng court at agad pumunta sa room namin ni Chelsea hindi naman ako nabigo nandun siya at nakaupo sa sulok nakapasak ang earphones sa tenga niya she is humming tunes, halata naman mukha kaya siyang engot dun.

Lalapitan ko na sana siya kaso may umepal.

Putanestea!

Si Dave yung baklang dinosaur na yun! Lalapit na eh! Ayun na eh! Kaso umepal pa eh.

Nakita kong tinakpan ni Dave mata ni Chelsea, pbb teens? Nang mahuli na ni Chelsea si Dave ay nagharutan ang dalawa. Ito ako, poker faced na nakamasid sa kalandian nila.

Hindi ko namalayan na sa direksyon ko papunta si Chelsea at malamang sa malamang na hindi niya agad ako napansin. Bigla na lang ako nabangga ni Chelsea at humawak sa balikat ko sabay sabi "namo ka dave! Tama na!"

Dahil sa init ng dugo ko ay agad kong inalis ang kamay ni Chelsea sa balikat ko. "Huwag nga kayo maglandian dito, hindi lang kayo mga tao sa eskwelahan." Walang ganang umalis ako at sinuntok ang pader. Alam kong nakita ni Chelsea yun, tang ina ang bulag niya lang kung hindi diba?!

**

Recess nanaman, ni wala akong naintindihan sa diniscuss ng teacher namin, paano kasi? Lutang ako. Daig ko pa ang nakasinghot sa sobrang paglipad ng isip ko daig ko pa ang taong nasa Cloud 9, feeling ko nasa ibang dimension ako ngayon eh.

"Pre okay ka lang?" Saka lang ako nabalik sa katinuan noong tanungin ako ni Daryll.

Tumango na lang ako, because damn! I'm not in a mood to have a conversation, kung may kakausap naman sa akin wala akong sa mood sumagot, nagtaka na nga yung mga teachers at classmates ko eh. Nag-iba na daw ako.

Could This be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon