Mahal mo na ba ang isang tao kapag napapangiti ka niya sa ginagawa niya?
**
"Hoy! Tingting." Ayan nanaman siya, inaasar ako na tingting. Bakit ba? Hindi naman ako sobrang payat para asarin niya ng ganun ha? Sa dami daming tao dito sa eskwelahang ito, bakit naging kaklase ko pa itong bugok na 'to?
"Tss." Sabi ko, bakit? Pag pumatol pa ako sa mamaw na yan, mas lalo niya pang paiinitin ulo ko. Sarap kaltukan eh! Masyadong papansin!
"Aba? Anong tss? Tunog ahas yun ha! Classmates! May Galema dito oh! Siya." Tinuro niya ako dahilan para pagtinginan ako ng mga kaklase namin, pinipigilan nilang lahat tumawa. Grr. Nakakapuno na!
Tumayo ako mula sa pagkaupo ko at hinarap siya. "Hoy ikaw Chao ka ha! Manahimik ka nga! Ako lagi trip mo! Ano bang kasalanan ng ninuno ko sayo ha?!" Pasigaw kong sabi, himala natahimik siya ha? Tapos nakatingin lang sa may kaliwa at nanlalaki ang mata. Ako 'tong si tanga na curious kaya nakitingin ako.
"WHY ARE YOU SHOUTING MISS HERNANDEZ?! GO TO THE FACULTY ROOM! N.O.W.!" Sigaw ng adviser namin! Huhuhuhu. Bakit pa kasi kailangan niyang marinig yun? At bakit napaka wrong timing niya pumasok? Impyerno ata napasukan ko ha?
*****
"Miss Hernandez, promise us that you will never do that AGAIN." Inemphasize ni miss Forever alone adviser ang "Again" Eh hindi ko naman talaga gagawin yun kung hindi dahil sa Aldrin na yun eh!
"Yes ma'am. I'm sorry po." Nakayukong sabi ko, hanggang ngayon nagtitimpi pa rin ako kay Aldrin! Easy Chelsea girl, kakafaculty mo lang. Buti nga hindi ka pinaoffice ng adviser mo eh. Be a good girl muna. Tiis tiis din.
"You may now go miss Hernandez." Sabi ni miss forever alone adviser at inasikaso na yung mga dapat asikasuhin.
Yung moment na paglabas ko ng faculty room para akong bulkan na sasabog. Dahil sa punyetang Aldrin mamaw na yan eh! Tang ina niya!
"Uy. Chelsea! Sorry." Sabi ng boses sa likod ko na kinataas ng lahat ng dugo sa ulo ko. Si Aldrin Chao, yung lalaking lagi akong inaasar since grade 6, yung lalaking naging dahilan kung bakit pinatawag ako ng forever alone na adviser ko. yung lalaking bwisit! Lamunin siya ng sand!
Hindi ko na lang siya pinansin, baka makagawa nanaman ako ng eksena nito. Pero talagang makulit ang nerve ng lalaking 'to at ramdam kong sinusundan niya ako. Aish! Ang kulit talaga!
"Uy Chelsea! Sorry na!" Pangungulit pa ng hudas. Sus, sorry daw. Alam ko naman na FAKE lang yung sorry niya! Made in China. Pakain ko pa sakanya sorry niya eh.
Nakahabol na si Aldrin panget sa akin, nasa harapan ko na siya at suot suot niya yung paawa niyang mukha. "Pansinin mo naman ako Chelsea oh?"
Bakit ba ang gwapo gwapo niya pag ganyan siya? Teka? NO. This man doesn't deserve a compliment! Kahit isa!
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "K." Nilagpasan ko na siya, and thanks God! Hindi na niya ako sinundan. Malas lang dala sa akin ng hayop na yan eh!
"Class! What is our national anthem?" Tanong ng Filipino teacher namin, yung totoo? Filipino teacher pero nag-eenglish!?
"Ma'am! Ma'am!" Taas kamay naman 'tong mokong na ito. "Lupang hinirang ma'am." Sabi niya at ngumiti ng pagkalawak lawak.
"Very good! Take a seat Chao." Sabi ni Filipino teacher. Sino ba naman kasi ang hindi makaka-alam non, 4th year na po kami Hello?
Natapos na ni ma'am ang discussion niya. Ang ending? Nganga daig pa ang ferrari sa bilis mag turo! Nakakasuya.
Anyway, nandito kami ng bestie kong si Sasha sa canteen, kumakain kasi kami dito eh slash cutting. Bad girl? Hahaha no. Ayaw lang talaga namin ng sunod na subject, guess what?
BINABASA MO ANG
Could This be Love?
Novela Juvenil"Hindi pwede! Hindi pwede akong mainlove sa Aldrin na yun! Hindi pweeede!" - Chelsea Hernandez