Chapter 4

79 7 3
                                    

Mahal mo na ba ang isang tao kapag napapatawa ka niya sa corny jokes niya?

***

Chelsea's POV

Kyaaah. Another day nanaman na masaya! Hulaan niyo kung bakit?

Secret syempre!

De joke lang! -_____-

Bati na kasi kami ni mamaw. At nagsisimula na niya po akong asarin. Pero okay lang yun! Ateast diba? Hindi na nag-iinarte ang gago!

Bumaba na ako para makapag-paalam kay mama. "Alis na po ako." Hinalikan ko si mama sa pisngi at binuksan ang gate.

"Ingat ka nak." Rinig kong sabi ni mama.

"Opo." Tugon ko sa kanya.

Pagkabukas ng pagkabukas ko ng gate mukha agad ng pangit na si Aldrin ang nakita ko.

"Ang tagal mo." Reklamo ng gago.

"Aba? Sinabi ko bang maghintay ka?"

"Sinabi ko bang may sinabi ka?" Pambabara ng monggoloid sa akin.

"Wala. Pero uso magtext diba? Try mo minsan." Nakairap na sabi ko sa kanya.

"Baka kasi may number mo ako." Depensa niya sa akin.

Nagpakawala na lang ako ng isang malalim pa sa pacific ocean na buntong hininga at dumiretsyo na sa paglalakad. Wala rin naman mangyayare, lalo pang lalala ang sagutan namin at baka malate pa kame! Kasalanan niya pag ganun.

Naramdaman ko naman na naka sunod siya sa akin.

"Psh. Bakit mo ako sinusunduan?!"

Napahinto naman siya sa paglalakad at kumunot ang noo niya.

"Bakit? Saan ka ba pupunta? Sa school diba? Feeling mo naman sinusunduan kita? Parehas lang po ang pupuntahan natin at sa tingin mo may ibang daan papuntang school?" Nakataas kilay na sabi nito hindi pa nakuntento ang gago at pinitik pa ang noo ko.

"Aray naman!" Agad akong napahawak sa noo ko. Gagong 'to nasasanay na siya na pinipitik ako!

"Ma-isip ka kasi! Tingting ka pa nga pati utak mo ting ting din." Dinuro-duro pa talaga ni Mamaw ang noo ko.

Napairap na lang ako. "Mag-isa ka nga!"

Sinubukan kong bilisan ang lakad pero talagang kamag-anak ni Flash ang lalaking 'to at nahabol niya pa ako

.

"Akala mo maiisahan mo ako ha?" Pang-aasar niya pa sa akin.

Pinawalang bahala ko na lang ang pang-bubuska ng stupido kong kasama hanggang sa makarating kami ng school. Agad naman kaming sinalubong ng mga ka frat niya.

Teka? Parang may kulang?

"Nasaan si To-pe?" Tanong ko kay Daryll.

Napatingin naman si Daryll kay Aldrin tapos bumaling ulit ng tingin sa akin.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Wala siya dito, nagkakamalabuan kasi sila ni Sasha. Hindi tanggap ng magulang ni To-pe si Sasha."

Napanganga naman ako. Parang kailan lang hindi ko mabilang kung ilang beses sila nag tawagan ng 'bebe' ha? tapos ngayon malabo? Eh ano naman kung ayaw diba? Hindi ba kayang ipaglaban ni To-pe si Sasha?

"Oh ano? Mapasukan ng langaw yang bunganga mo" Singit ng demonyo sa tabi ko.

"Hindi ka man lang nag-aalala sa tropa mo?" Tanong ko sa kanya.

Could This be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon