Chapter 7

50 3 1
                                    

Confession. - Kung mahal mo nga talaga ang taong yun. Kailan ka magkakaron ng lakas upang masabi ang nararamdaman mo sa kanya?

*************************************

Chelsea's POV

Nagising ako na nasa isang kulay pink na kwarto. Nilibot ko ang paningin ko, kwarto ko 'to.

Naupo ako mula sa pagkakahiga habang sapo-sapo ko ang ulo ko

"Argh. Ano bang nangyari kahapon?" Sabi ko habang dumadaing sa sakit ng ulo ko.

Ipinilig ko ang ulo ko, pilit kong inaalala ang nangyare. Shit, wala talaga.

"Chelsea? Gising ka na ba?" Rinig kong boses galing sa baba.

"Opo ma, teka lang po. Bababa na po." Sigaw ko pabalik.

Tumayo na ako sa kama ko at nagtungo muna sa may banyo. Naghilamos muna ako atsaka naligo, nag uniporme na rin ako at nagsuklay. Pagkalipas ng ilang minuto bumaba na ako.

"Kamusta ka na anak? Maayos na ba pakiramdam mo? Hindi na sana kita gigisingin kaso kasi aalis ako mamaya." Sabi ni mama habang naghahain siya ng almusal.

Kinuha ko ang isang basong Milo at uminom ng kaunti. "Medyo masakit lang po ulo ko mama."

Umupo si mama sa harapan ko at kumuha ng pandesal. "Hinatid ka dito ni Aldrin kagabi, wala kang malay. Sabi niya over fatigue ka daw."

Halos magkandasamidsamid ako sa narinig ko kay mama. Ano? Hinatid ako ni Aldrin?

"Gusto mo *sob* malaman diba? *sob* GUSTO MO DIBA?! Ang kapal naman ng tinga mo para imbitahin ako dito?! Eh lalandi landi ka naman pala sa ibang babae! Nakakainis ka! Naiinis ako sayo! Naiinis ako kung bakit ako ganito!"

"Hi Aldrin! Nice to see you here! Long time no see!"

Shit.

"Anak? Okay ka lang ba? Bakit namutla ka?"

Wala sa sarili akong napatingin kay mama. "O-Okay lang po a-ako."

"Sigurado ka?" Tumingin si mama sa wall clock. "6:45 na, baka malate ka."

"Ah. Sige po. Doon na lang po ako kakain bye po." Pagpapaalam ko.

***

"Hi." Nakangiting sabi sa akin ni Brent.

Ngumiti rin naman ako pabalik sa kanya. "Hi rin." Tapos dumiretsyo na ng lakad.

Ewan ko ba, wala lang talaga akong ganang makipag-usap kung kanino ngayon. Feeling ko kasi hindi pa rin ako maka move-on sa nangyari kagabi. Nakakahiya kaya! Lalo na kay Aldrin.

Hindi ko nga siya pinansin kanina eh, he tried to make a conversation with me pero iniiwasan ko siya, ang awkward lang kasi. First time nga lang magkaroon ng awkward atmosphere sa amin ni Aldrin.

Pagkatapos namin examine ang dalawang subject namin lumabas na ako agad. Halata naman kasi na gusto niya kami mag-usap. For what pa diba? May baby na siya! Ano pa dapat pag-usapan diba?

"Hey? Are you okay?"

Hindi ko na napansin na kasabay ko pala si Brent sa paglalakad. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko! Ka stress!

"I think so?" Sabi ko at ngumiti ng bahagya.

Napatawa rin naman siya saglit. "Sabay tayo kain?"

Nag nod naman ako at dumiretsyo kami sa canteen. Umupo na kami malapit sa table nila Aldrin.

"Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Brent habang nilalagay ang bag sa upuan.

Could This be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon