Mahal mo na ba ang isang tao kapag tawagin ka pa lang niya bumibilis na tibok ng puso mo?
**
Chelsea's POV
"Class! Tomorrow is you 3rd periodical exam so be ready okay? Study hard! Wala munang gagala." Paalala ng adviser namin, hindi pa rin pumapasok si Sasha pero si To-pe, Oo. Kaya lang hindi siya masyadong sumasama sa amin kaya ayun! Hinayaan na lang namin.
"Yes ma'am" Sigaw ng mga kaklase ko.
Nag-ayos na kami ng sarili, pulbos dito, pulbos doon, suklay dito, suklay doon, pabango dito, pabango doon. Habang yung mga lalaki naman ay walang tigil ang kwentuhan sa nilalaro nilang online games.
"Chelsea!"
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun na tinawag ang pangalan ko.
Humarap ako para makita siya.
"Aldrin? B-Baket?" Utal-utal na sabi ko.
Hinawakan bigla ni Aldrin ang leeg at noo ko. "Wala ka namang sakit ha? Pero bakit pinagpapawisan ka?"
Agad ko naman tinignan ang mga kamay ko. Tama siya, namamawis na nga ako.
I clearead my throat. "None of your business." At ipinagpatuloy ko na ang pag-ayos ko sa bag ko.
"Chelsea, pupunta nga pala ako sa birthday ni Brent." Sabi niya, tang na juice! Can he stop calling my name? Bumibilis tibok ng puso ko eh. Nakaka-ilang lang! I don't know what's happening to me!
Anways, si Brent ay ang campus heartthrob sa amin. Yes! Siya ang pinaka gwapo at pinaka tinitilian ng mga babae... at binabae...
Naging crush ko rin yun dati eh, kaso kumupas eh. Chickboy pala!
"Ano sasama ka?" He asked as he carried my bag.
Inagaw ko ang bag ko sa kanya. "Akin na yan! Hindi naman mabigat eh."
Sinamaan niya lang ako ng tingin at inagaw ulit ang bag ko. "Ayoko nga. Sama ka nga?"
Nag nod lang ako tapos hinayaan ko ng bitbitin niya bag ko, ako pa ba mag-iinarte? Siya naman 'tong magbibitbit. Oh ha? Feeling amo ang peg ko.
"Kailan ba yun?" Sabi ko habang dumadaan na kami sa corridor.
"Uhmmm. Ngayon."
Napasinghap naman ako sa sinabi niyang yun at agad tumingin patingala sa kanya. Tangkad eh! "Hala?! Anong oras?!"
Napatawa naman siya sa inakto ko. "Ngayon din, hanggang 8. Don't worry. Kinausap ko na si tita, she agreed na hahatid kita sa inyo."
"Ayoko nga! Kaya ko ang sarili ko noh? I don't need you. Tsaka, baka nga pag may nangharang sa atin ikaw pa unang tumakbo eh."
"Really?" He teased.
Napatigil naman ako sa paglalakad. Napanguso tapos humarap sa kanya. "Oo naman noh!" Binilisan ko na ulit ang paglalakad, kurimaw na yun alam ko naman kung anong tinutukoy niya eh!
Flashback
"Uy! Drin drin, ang gabi na oh? Ikaw kasi eh! Sabi ko sayo huwag tayo pagabi eh."
Napangisi naman siya. "What's the matter? Graduation yun Cheche, tsaka nandito naman ako eh." Pagmamayabang na sabi niya.
NANDITO DAW?! As if naman na ipagtatanggol niya ako noh?! Grade 6 pa lang po kami! 1st year to be. At mukhang malabo ng mangyayari.
Kasi hello? 11 pm na po at ito kaming dalawa, naglalakad sa dilim. Paano kaya kung may makasalabong kami? Hindi naman kaya ni Aldrin yun eh!
BINABASA MO ANG
Could This be Love?
Teen Fiction"Hindi pwede! Hindi pwede akong mainlove sa Aldrin na yun! Hindi pweeede!" - Chelsea Hernandez