CHAPTER 5 \\\
[MICO’S POV]
Nandito ako ngayon sa dining table at hinahanda ang break fast namin ng honey ko. Grabe namis ko tong paghahanda ng breakfast sa kanya ah? Nakita ko ng bumaba ng hagdan ang honey ko suot ang uniform niya sa pagpasok. Halatang excited pumasok ng honey ko ah? Hindi manlang nakapagsuklay ng buhok. Sipag talaga!
Niyaya ko na siyang mag-breakfast.
“Good Morning hon! Breakfast na!” Sabi ko.
“Hindi na, Late na ako! Nasan si Chris?” Tanong niya.
“Hinatid ko na sa school kanina pa.” Sagot ko.
“Sige na! Alis na ako!” Sabi niya then she kiss me.
Grabe namiss ko tong kiss nya na to ah? Gusto ko pa sana siyang halikan ng mas matagal kaso, late na daw siya eh. Mamayang gabi nalang. Wahahaha *evil laugh*
“Sige, ingat ka hon!” Sagot ko.
Tinignan ko siya mula sa pagsakay niya ng kotse niya hanggang sa pag-alis niya. Sinarado ko na yung gate nung nakalayo na siya.
Pagpasok ko ng bahay, pumunta na agad ako sa dining table para mag-breakfast dahil nagugutom na ako. Susubo na san ako ng pagkain ng ..
“Ako, Hindi mo manlang ba yayayaing kumain?” Tanong niya.
Sino pa ba? Edi si Monique. May iba paba akong kasama ngayon sa bahay? Pwera nalang kong may nakikita pa kayong ibang tao.
A/N: Awoooooh !
“Tara! Kain tayo!” Pagyaya ko sa kanya para kumain.
Umupo na siya sa harap ko at nagstart na kaming kumain.
“Nasan si Krissa?” Tanong niya.
“Pumasok na!” Sagot ko.
Susubo na sana ako ng pangatlong subo ng fried rice ng maramdaman kong hinihimas ni Monique yung paa ko gamit ang paa niya.
“Another round?” Sabi niya ng nakangiti.
“Gusto mo ba?” Tanong ko.
“Oo naman! Ikaw? Gusto mo ba?” Tanong niya rin.
Ngumisi ako at tumayo.
“Tara nga dito!” Sabi ko at hinigit ko ang kamay niya.
Nang magkalapit na kami, I kiss her lips na at She kiss me back.
Hinubaran nanaman ang isat-isa at at pumasok na kami sa kuwarto niya. At dun na nga nangyari ang kahalayan.
[END OF MICO’S POV]
(Pasensiya na! Nauumay na ako sa mga scenes ng kahalayan eh. Kada chapter nalang ba? Wag muna ngayon .. Hihih :>>>)
~~*
SA PARK ///
[NICKO’S POV]
Nandito kami ngayon sa park sa may playground. Dito ko naisipang pumunta para makapaglaro muna si Chris habang inaalam ko ang problema ni Krissa. Umupo muna kaming dalawa sa swing habang si Chris ay naglalaro sa Slide.
Pinipigilan ni Krissa’ng umiyak pero kahit anong pigil niya, hindi niya parin mapatigil ang pag-agos ng mga luha niya sa kanyang mga mata.
Ramdam na ramdam ko na may malaking problema si Krissa at hindi ko alam yun. Ang alam ko lang, kailangan kong malaman yun at kailangan ko siyang i-comfort.
“Ano bang problema?” Tanong ko.
Hindi siya umimik at sa halip ay tumingin lang sa malayo. Tinignan ko kung anong tinitignan niya at nakita ko ang isang couple na masayang naghaharutan sa may bench.
“Nanlalamig na ba sayo si Kuya?” Tanong ko.
Tumingin lang siya sakin saglit pero hindi siya umimik at inalis niya agad yung tingin niya at tumingin ulit dun sa couple.
Ramdam kong napakalaki ng problema niya.
Ilang minute kaming tahimik ng bigla siyang magtanong ..
“Anong feeling pag niloko ka ng taong mahal mo?” Tanong niya.
“H-huh?” Iling ko.
Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya dahil biga bigla nalang siyang nagsalita. Ganto lang narinig ko oh à “anhdbfkdbdjbgsjsfhsfdhd taong mahal mo?” Oo, yung lang naintindihan ko kaya pinaulit ko sa kanya yung sinabi niyo.
“Ano ulit yun?” Tanong ko.
“Masakit bang masaktan?” Pag-iiba niya ng tanong.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
Masakit bang masaktan? Oo, Honestly, oo, ang saktan lalo pa nung masaktan ako nung nalaman kong girlfriend kana ni kuya. Ang sakit kaya nun. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay nung ikasal kayo.
“Lalo na kung ang nanakit sayo ay yung taong mahal mo?” Dagdag pa niya.
Nabigla ako sa tanong niya. Nagtatanong siya pero hindi siya nakatingin sakin. Nakatingin lang siya sa malayo dahil ayaw niyang nakikita kong umiiyak siya.
Hinawakan ko ang chin niya at hinarap ang mukha niya sakin. Kitang-kita ko mula sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing tutulo ang luha sa mga mata niya. Halos namamaga na ang mata niya sa kaka-iyak.
“Ano bang problema? Sabihin mo sakin, you can trust me!” Sabi ko.
“Nicko!” Umiyak lang siya at niyakap ako.
Niyakap ko lang siya at pinapatahan.
“Sige iiyak mu lang! Ilabas mo lang yan!” Sabi ko habang hinihimas ang likod niya.
Handa akong maging crying shoulder para sa kanya. Ganito naman talaga ako eh mula nuon hanggang ngayon, crying shoulder lang ako. Ganito talaga ang mga roles ng best friend.
[END OF NICKO’S POV]
A/N: Hanggang dito po muna, ang sakit ng mata ko eh. Nauubusan na ako ng idea. Bukas naman. Ok? Please read, like, vote and comment para mabasa ko mga feedback niyo about sa story. Keep reeding.
@KRISSA: Ayos lang yun?! Natural lang yun pag nagmamahal ka, natural lang masaktan!
@NICKO: Kasalanan mo yan! Ayaw mo umamin eh ..
@MICO & MONIQUE: Maghanda na kayo sa paghihiganti ni Krissa! WAHAHAHA *evil laugh*
Ano kaya ang mga magaganap sa susunod? we will find out when I come back so don’t go away! Get it?
Kamsahamnida!