CHAPTER 7 \\\
~~*
AFTER A WEEK ///
[KRISSA’S POV]
As usual, Ginagawa pa rin nila yung sex thingy sa bahay namin. Ilang beses ko na silang nahuli pero ikinakaila parin nila kaya isang araw, naisipan kong maglagay ng cctv sa kuwarto ni Monique para kung sakaling gawin ulit nila, Wala na silang kawala.
Nandito ako ngayon sa office at naghahanda na para umuwi. Gusto ko sanang sorpresahin ngayong anniversary namin si Mico. Handa kong kalimutan ang mga nangyari kahit ngayong gabi lang para mai-celebrate namin ang anniversary namin.
“Hi, Ma’am! Uuwi kana?” Tanong ni Lily.
“Ah, oo.” Nakangiting sagot ko.
“Ui, may cake! Ano meron?” Tanong niya ulit.
“Ah wala, anniversary lang namin.” Sagot ko.
“Wow! wedding anniversary?” Tanong niya ulit.
“Ah, oo, pero ice-celebrate lang namin dalawa!” Sagot ko.
“Ah, ganun ba?” Nakasimangot na sagot niya.
“Wag ka mag-alala, ililibre kita bukas.” Sabi ko.
Alam ko naman na mukhang pagkain toh eh. Kaya tumataba eh. tsk.
“Sige ah? Sabi mo yan ah?” Tanung niya.
“Oo! Hehe J” Sagot ko.
“O, Sige mauna na ako! Bahala ka na dito ah?” Sabi ko at umalis na.
Umalis na ako at umuwi sa bahay. Pag-uwi ko sa bahay, Bumungad sakin ang nagtatawanang sina Monique at Mico. Nagulat sila nung nakita nila ako at napatigil sa pagtawa.
“Pawis na pawis ah?” Sabi ko habang nakangiti.
*fake smile*
“Ah, eh .. tinulungan ko kasi siyang magayos ng mga damit niya!” Sagot ni Mico.
“Oo, tinulungan niya kasi ako, yun tama, yun nga!” Dagdag ni Monique na parang kinakabahan.
Ang gandang palusot, halatang kinakabahan oh, nanginginig habang pinagpapawisan.
“Ah, ganun ba? Ok.” Sabi ko nalang.
Ayun nalang nasabi ko, Wala na akong nasabi. Ginagawa nalang nilang motel ang bahay ko? Hindi na sila nahiya sakin, mukhang ako pa ang dapat mahiya sa mga pinaggagagawa nila. Sa inis ko, Nilagay ko nalang sa refrigerator yung cake at aktong aakyat na sa kuwarto ko ng biglang hawakan ako ng Mico sa kamay.
“Happy Anniversary!” Bati sakin ni Mico habang nakangiti.
Mabuti naman at naalala niya. Akala ko, hindi na niya maaalala eh. Ngumiti lang ako at niyakap siya. Ewan ko ba, parang nawala yung galit ko nung batiin niya ako ng happy anniversary.
“Ano yung nilagay mo dito sa refrigerator teh?” Tanong ni Monique.
Nagtanong ang plastic, at talagang hindi na nahiya, parang sa kanya lang yung bahay ah? Talagang sya ang kumuha ng cake sa refrigerator at binuksan ang lalagyanan. Ang kapal ng mukha! Nakakagalit! Pero, hindi ako dapat magalit ngayon! Kakalimutan ko muna tong galit ko at magpapakabuti na muna ang aura ko! Ayokong magkaroon ng di maganda ngayong anniversary namin, Lalo pa’t last na toh.
Inutusan ko na muna si Monique para bumili ng soft drinks sa tindahan. Aba’t sumama pa ang magaling kong asawa, Baka daw di mabuhat ang 1 liter na coke at baka daw maligaw. Ang galing magpalusot. Pero, ok na rin! At least masisimulan ko na ang paghihiganti ko.
Nang makaalis sila, dali-dali akong pumasok sa kuwarto ni Monique at kinuha ang cctv at dinala ito sa office room ko, Tinago ko muna siya sa drawer ng office table ko para mapanuod ko bukas. Pagkatapos nun, bumaba na ako.
Sakto namang bumalik na sila.
Kumain na kami ng cake.Sinusubuan ko ang anak ko. Bale, magkatabi kami ng anak ko sa upuan then nasa kabilang side sina Mico at Monique. Di na nahiya! Pinapahalata talaga sakin. Sige, ipagpatuloy niyo lang yan, dahil hindi matatapos ang linggong toh na hindi kayo napapahiya sa madla! Wahahaha ! *evil laugh*
May plano ko sa kanila! Ano ang plano ko? Abangan niyo nalang. Sisiguraduhin kong pagkatapos ng araw na yun, wala ng mukhang maihaharap ang Monique at Mico na yan. Ihahanda ko na rin ang Annulment papers namin sa araw na yun. At ang malaking pasabog na ito ay magaganap sa mismong birthday ni Mico! Tignan lang natin kung may mukha pa kayong maiharap sa madla!
Nagkamali kayo ng kinalaban Mico!
[END OF KRISSA’S POV]
A/N: Sana po nagustuhan niyo! Hanggang dito nalang po muna! Pagod na ako eh. Please read, like, vote and comment para malaman ko po ang mga feedback nyo. Kamsahamnida!
Ano kaya ang malaking pasabog na isisiwalat ni Krissa? Tuluyan na nga bang magkakahiwalay ang Mag-asawang Krissa at Mico? Ano ang mangyayari kay Monique? Inyong malalaman ang mga kasagutan sa mga susunod na chapters kaya keep reeding.
Saranghaeyo <3