CHAPTER 6 \\\
[KRISSA’S POV]
Pinanuod lang namin nila Nicko at ng anak ko ang paglubog ng araw nung nasa park kami at pagkatapos nun umuwi na rin kami. Hinatide na ako ni Nicko hanggang sa gate ng house namin.
“Sigurado ka bang ayos kana?” Tanong nya.
Yung totoo? Hindi pa, pero kailangan kong tiisin toh. Kailangang Wag akong umiyak para hindi ako kaawaan ng ibang tao dahil ayokong kinakaawaan ako. Malakas ako. Hindi ako kaawa awa. Tsaka hindi dapat ako mahalata ni Mico para mahuli ko sila.
“O-oo, Sige pasok na kami.” Sagot ko.
“Krissa!” Tawag ni Nicko sakin.
“B-bakit?” Tanong ko.
“Kung may problema ka at kailangan mo ng masasandalan, wag mong kalimutang tumawag sakin ah? Nandito lang ako para sayo!” Sagot niya.
*DUG**DUG*
Teka, ano tong nararamdaman ko? Bat parang ang bilis ng tibok ng puso ko? Para kong kinakabahan na ewan. Pero, kinakabahan nga ba? Tanda ko tong feeling na toh eh. Ganito rin yung naramdaman ko nung sinabi sakin ni Mico dati na mahal niya ko. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Hindi kaya? Nah ah, Hindi pwede.
Ngumiti lang ako as a response then pumasok na sa loob.
Pagpasok ko naman ng gate bumungad agad sakin ang mukha ni Mico na nag-aantay sa pinto.
Lumapit siya sakin at niyakap niya ko. an ko ba, pero nung niyakap niya ko parang nawala yung sakit at galit na nararamdaman ko. Bigla nalang guminhawa yung pakiramdam ko. Pero, hindi pwede toh! Matapos ng ginawa nila sakin? Hindi pwedeng ganun, ganun nalang yun.
“San ba kayo nang-galing? Alam nyo bang kanina pa ko alalang alala sa inyo?” Sabi niya habang nakayakap sakin.
Umalis ako sa pagkakayakap niya at pumasok sa bahay. Pagpasok ko, nakita ko naman na nakaupo si Monique sa sala at nagbabasa ng magazine.
“Good evening!” Nakangiting sabi niya.
Aba’t ngumiti ba ang bruha! Tumingin lang ako sa kanya at umakyat na papasok ng kuwarto ko. Pagpasok ko ng kuwarto, Ni-lock ko agad ang pinto, pumasok sa CR at dun humagulgul ulit! Mas maganda humagulgul dito dahil hindi ako maririnig nung mga nasa labas.
(T_____________T) Mukha ko yan.
Iyak lang ako ng iak dun for how many minutes hanggang sa marinig kong kumakatok si Mico sa pinto ng kuwarto namin.
*Knock**Knock*
“Hon? Nandyan ka ba?” Can we talk?” Tanong niya.
Pinunasan ko agad ang luha ko at naghilamos. Inayos ko ang itsura ko para hindi niya mahalatang umiyak ako.
Binuksan ko ang pintuan at tinignan siya.
“May problema ba? oh, bakit namamaga mata MO? Umiyak ka ba?” Tanong niya.
Shet! Nahalata niya!
“Ah, hindi, sinisipon lang ako!” Sagot ko ng nakangiti.
*fake smile*
“Ah, Kain na tayo, baba kana dun, tara nah!” Sabi niya.
“Sige, una na kayo, maya na ko, medyo busog pa kasi ako eh.” Sagot ko.
Ang totoo gutom na gutom na talaga ako dahil hindi pa pala ako kumakain ng lunch, naalala ko lang, pero, hindi ko kayang sumabay kumain sa dalawang manloloko na yan. Mas nanaisin ko nalang mamatay sa gutom kesa kumain ng kasabay sila.