CHAPTER 8 \\\
~~*
MICO’S BIRTHDAY: PART 1 ///
Nandito kami ngayon sa isang hotel dito sa Manila. Dito kasi ginanap yung birthday ni Mico. Ako ang nag-ayos nito at sinadya ko ito para maraming makakita sa pasabog ko ngayong gabi, At syempre, inimbitahan ko ang malalapit naming kaibigan at ang mga pamilya namin. Inimbitahan ko rin ang mga kaibigan ko sa media. Scoop rin toh nuh.
Bale, ang itsura ng kwartong ito sa hotel ay parang ballroom o disco room na parang sinehan. Nagegets nyo ba? Bale meron siyang 20 tables and kada table, may tig-aanim na upuan. Sa gawing part namin ng room ay mayroong malaking screen. Ang alam ng lahat, ipapakita ko sa kanila ang slide show na ginawa ko na ipinapakita ang mga masasayang pictures namin ni Mico.
Pero, ang hindi nila alam, Mapapanuod nila ngayong gabi ang kahalayang ginawa nila Mico at Monique at syempre ang star of the night ay Sina Mico at Monique mismo. Wahahahaha ! *evil laugh*
Nagsimula na ang party, dumating na lahat, ready na lahat. Kumpleto na lahat ng bisita at ready na rin ang video. Ang inaantay nalang ay ang stars of the night.
Nakaupo na ako sa table namin katabi si Nicko. Ang anak ko naman ay hiniram saglit nila mama. Maya-maya dumating narin sila Mico at umupo sa table namin.
Nagsimula ng magsalita ang MC “Good Evening ladies and gentlemen! Tonight, we will be having a birthday celebration from our birthday celebrant Mr. Mico, he will be having a speech in this stage later but before that, we shall sing first a birthday song for the birthday celebrant.” Sabi nung MC.
After nun, kumanta na ang mga bisita, at kitang kita ko mula sa mukha niya na ang saya saya niya. Ito na siguro ang huling pagkakataon na makikita ko siyang Masaya dahil mamaya, magka-away na kami.
Tumingin siya sakin at ngumiti at hinawakan ang kamay ko. Nakita ko naman na tumingin sa kamay namin si Monique at parang nainis.
Para siyang nagseselos, well .. dapat naman talaga siyang magselos dahil may relasyon sila! But don’t worry Monique, I’ll assure you, mamaya after ng pasabog ko, sayong sayo na si Mico! Isaksak mo sa baga mo!
After ng kantahan tinawag na ng MC si Mico sa stage para sa Kanyang speech.
“And now, for the speech of the birthday celebrant, here’s Mr. Mico, let’s give him a round of applause!”Sigaw nung MC.
*CLAPING HANDS*
Pumunta na si Mico sa stage at nag-speech.
“Good evening! Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa diyos at binigyan niya pa ako ng pagkakataong magkapag-celebrate ng birthday, hehe J” Sabi niya.
Sige, magsaya kalang dahil last mo na yan, “ Ikalawa, nagpapasalamat ako sa mga magulang ko, dahil kung wala sila, malamang wala ring Mico na ubod ng gwapo ang nasa harapan nyo ngayon.” Sabi niya.
Infairness natawa ako dun ah? Nagtawanan din ang mga bisita.
“Ikatlo, nagpapasalamat ako sa mabait, maalaga, at napaka-ganda kong asawa dahil kahit wala ako sa tabi niya, Nandiyan parin siya para sakin at inaalagaan ang anak namin. Hon! Mahal na mahal kita! Maraming salamat sa birthday party na ginawa mo sakin ah? Ito ang pinaka-memorable na birthday party ko” Dagdag niya pa.
Tama! Ito naman talaga ang pinaka-memorable na birthday party mo eh, dahil malalaman na ng madla ang kawalang hiyaan nyo!
“At siyempre nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan namin na dumalo ngayong araw na ito! Mahal na mahal ko kayong lahat! Hinding-hindi ko makakalimutan toh! Salamat sa inyong lahat.” Dagdag niya.
Nagpalakpakan naman ang mga tao at bumaba na siya sa stage.
“And now, pakinggan naman natin ang speech ng asawa ng ating birthday celebrant na si Mrs. Krissa.” Sabi nung MC.
Ako, na pala! Inaamin ko medyo kinakabahan ako pero ito na! Kailangan kong gawin toh! Umakyat na ako sa stage at nagsimula na..
“Good evening Ladies & Gentlemen! Una sa lahat, Nais kong magpasalamat sa mga tumulong sakin para maihanda tong birthday party na toh! Ang aking mga katrabaho, kaibigan at syempre, ang aking nag-iisang best friend, si Nicko ang kapatid ni Mico.” Sabi ko.
Talagang may ganun? yempre kailangang may intro muna para maganda ang pasabog ko!
“Nagpapasalamat din ako sa pamilya namin at mga kaibigan na dumalo dito sa pagdiriwang na toh at syempre sa diyos na lagging nandyan para sakin.” Dagdag ko pa.
Tumingin ako sa direksyon ni Mico at ngumisi, Nakita ko namang ngumiti siya sakin. Sige, ngiti ka lang, dahil Last mu na yan!
“At, oo nga pala, bago ko makalimutan, Kaya pala may malaking screen dito, Nais kong mapanuod ninyo ang short film na ito! Na pinamagatang .. “THE SECRET AFFAIR”. Roll VTR!” Sabi ko.
Dumilim na sa paligid at bumukas ang maliit na ilaw na nakatutok sakin. Lahat halatang excited sa palabas! Dapat lang, Movie yata ni Mico yan ! Sorry na lang sa mga masasaktan.
Nagsimula na ang Palabas.
TO BE CONTINUED ..
[END OF KRISSA’S POV]
A/N: Hanggang dito nalang po muna! Bitin ba? Hahaha J Ganun talaga! Abangan niyo nalang sa next chapter ! Ang part 2 .. Pls read, like, vote, and comment para mabasa ko mga feedback nyo! Thank you! Don’t forget to follow me .. Thanks J
Ano kaya ang isisiwalat na pasabog di umano ni Krissa? Ano kaya ang mararamdaman ni Mico? Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga nanunuod? Magagalit? Matutuwa? Maiinis o maluluha? Inyong abangan ang kapana-panabik na kuwento ng “MY BROTHER’S GIRLFRIEND 2: MY DESTINY”
(^____________________^)