CHAPTER 4 \\\
[KRISSA’S POV]
Pagbukas ko ng pinto.
KABOOM!
Tumambad agad sakin ang damit ng isang babae, Pinulot ko.
“Kanino naman kaya toh?” Tanong ko sa sarili ko.
Pagkatapos ko namang pulutin yun, nakita ko naman ang damit ni Mico sa sahig din. K inabahan na ako nung nakita ko yun lalo pa nung Makita ko ang short ni Mico na nasa pintuan ng Kuwarto ni Monique. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin.
Pero parang napapaluha na ako, Ito na ba? Ito na ba yung napapanuod ko sa t.v.? Yung napapanuod ko dati sa temptation of wife? Ito na ba yung part na malalaman kong niloloko na ako ng asawa ko. Pinigil ko ang mga luha ko, pero traydor sila dahil lumalabas parin ang mga luha ko. Pinigil ko lang ang paghagulgol ko at aktong bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang bumukas yung pintuaqn mula sa labas.
Pumunta agad ako sa pintuan at nakita ko ang anak ko na kasama si Nicko.
“Hinatid ko na siya. Nasanay na kai akong Ihatid siya dito after ng school nya eh.” Sabi niya.
Pinunasan ko ang luha ko dahil ayokong nakikita ako ng ibang tao na umiiyak. Ayokong masabihan ng mahina pero napansin parin ni Nicko na umiiyak ako.
“Issa, Are you crying?” Tanong niya.
“No. Napuwing lang ako.” Sagot ko.
“Anong hindi! Ako pa niloko mo! Kilala kita! Alam ko ang pinagkaiba ng iyak sa puwing. Now tell me, what is it!” Tanong niya.
“W-wala!” Sagot ko.
“Issa!” Dagdag pa niya.
“Nicko, pwede mo ba akong samahan?” Tanong ko.
“Oo naman! Saan ba?” Sagot niya.
“Kahit saan, basta wag dito!” Dagdag ko.
“Ok, tara!” Pagyaya niya sakin.
Umalis na kami kasama ang anak ko.
[END OF KRISSA’S POV]
[NICKO’S POV]
Nandito ako ngayon sa Playground sa school ng anak nila Krissa. Well .. nakasanayan ko na kasi na sa tuwing lunch break, ako ang magsusundo sa anak nila ince malayo ang trabaho ni Krissa sa school at mas malapit ang trabaho ko.
Maya-maya, Sinalubong na ako ng pamangkin ko at niyakap ako.
“Tito!” Bungad niya sakin.
“Oh, naging good boy ba ang pamangkin ko?” Tanong ko habang nakangiti.
“Opo! Ang dami ko pong stars oh.” Sagot niya habang pinapakita sakin ang braso niya na puno ng tatak ng stars.
“Wow! Ang galing naman ng pamangkin o, very good! Apir tayo jan!” Sabi ko at nag-apir na kami.
Tumingin-tingin siya sa paligid ko na parang may hinahanap then sumimangot siya nung parang hindi niya nakita yung hinahanap niya.
“Oh, bakit ka sad? What’s the problem?” Tanong ko.
“Sabi niya susunduin niya ko ngayon eh.” Sagot niya.
“Ayts, sorry, hindi daw makakapunta ngayon ang daddy mo, may importante siyang ginagawa eh.” Sabi ko nalang. Malay ko ba na susunduin pala siya dito ng daddy niya.
Ti-nry kong tawagan si kuya.
“THE NUMBER YOU’VE DIALED IS NOT YET IN SERVICE! PLEASE TRY YOUR CALL LATER”
Sabi nung nagsasalita sa Cell phone taz bigla kong naalala, ayts wala nga palang cell phone si kuya. Bopols!
Niyaya ko nalang si Chris na umuwi at sinabing ibibili ko nalang siya ng ice cream para di na siya sumimangot kasi pumapangit siya. Dapat lagging Masaya. Mahirap kayang pumangit.
Hahaha XD Ano daw?
Umalis na kami at binili ko siya ng ice cream pag daan namin sa 7/11. Inubos muna namin yung ice cream sa 7/11 bago kami umalis. Mahirap na, madumihan pa yung sasakyan ko eh, ang kalat pa naman nitong kumain.
Pagkatapos namin kumain, umuwi na kami. Pag dating namin sa bahay nila, binuksan ko na yung pinto at pag-bukas ko ng pinto bumungad sakin ang mukha ni Krissa na luhaan.
Pinunasan niya agad yung mga mata niya na may luha. Ganito talaga si Krissa, ayaw niya kasing may ibang taong nakikita na umiiyak sya dahil ayaw niyang masabihang mahina siya.
“Issa, Are you crying?” Tanong ko.
“No, Napuwing lang ako.” Sagot niya habang pinupunasan ang mukha mata niyang nagluluha.
wow! Ang gandang palusot? Ako pa bang lolokohin niya? Eh kilalang kilala ko na toh mula pagkabat kaya alam ko kung may problema siya o wala.
“Anong hindi! Ako pa niloko mo! Kilala kita! Alam ko ang pinagkaiba ng iyak sa puwing. Now tell me, what is it!” Tanong ko.
“W-wala!” Sagot naman niya.
“Issa!” Dagdag ko pa.
“Nicko, pwede mo ba akong samahan?” Tanong niya.
“Oo naman! Saan ba?” Sagot ko.
“Kahit saan, basta wag dito!” Dagdag niya pa.
“Ok, tara!” Pagyayaya ko sa kanya.
Umalis na kami kasama ang pamangkin ko.
[END OF NICKO’S POV]
A/N: Hanggang dito nalang po. Sana po magustuhan niyo! Please read, like, vote, comment and don’t forget to follow me para bati tayo, ok?
Hola?! Tama kaya ang kutob ni Krissa? Totoo kayang niloloko na siya ng asawa niya? Kung kayo nasa position o kalagayan ni Krissa, anong gagawin nyo? Hihiwalayan nyo baq ang asawa niyo dahil sa ginawa niya o magsasawalang kibo na lang kayo para masave ang pamilya niyo? Ano? Isip-isip!
Isip-isip din pag may time!
Saranghae <3