CHAPTER 10 \\\

21 0 0
                                    

[KRISSA’S POV]

Nandito ako ngayun sa bahay ng magulang ko. Dito muna ko pansamantala habang hindi pa pinipirmahan ni Mico ang annulment papers namin.

Nandito ako ngayun sa dati kong kwarto na malinis parin hanggang ngayon. siguro, araw-araw tong pinapalinis nila mama. Grabe, namiss ko tong kwartong toh. Ilang taon naba, mula nung hindi na ako natulog dito? Almost 6 years na yata.

Pinapatulog ko na dito ang anak ko ng biglang ..

*BOOOGSH*

(Tunog yan ng bato na tumama sa pinto ng bahay)

“LUMABAS KA JAN!” Sigaw ng lalaki mula sa labas.

Teka, parang kilala ko yung boses na yun ah? Tama! Si Mico yun, kilala ko boses nun, Pro, paano niya nalamang nandito ako?

Sumilip ako sa bintana at nakita kong nagmamakaawa si Mico kila mama na pakausap ako sa kanya.

“Sinabi ng umalis ka dito eh!” Galit na sabi ni Daddy at sinuntok si Mico.

Tama yan dad! He deserved to punch on his face.

“Pls. Dad, Mom, nagmamakaawa ako sayo, pakausap nyo sakin si Krissa. Please.” Pagmamakaawa ni Mico.

“Umalis ka na nga dito! Wala na kayo ni Krissa! Kaya tigilan no na siya.” Sigaw ni Mama.

“Krissa … Lumaqbas ka jan! Kausapin mo ako!” Sigaw ni Mico.

inuntok ulit ni Dad si Mico.

“Ma, Tumawag ka na nga ng pulis para mawala na tong lalaking to dito! Makakapatay ako nito eh.” Sabi ni daddy.

Pumasok si mama sa bahay at maya-maya bumaba na ako para lumabas at ng maharap na rin ang asawa ko.

“Krissa, san ka pupunta?” Tanong ni mama.

“Sa labas po.” Sagot ko.

“Wag ka ng lumabas dun, hayaan mo na ang mga pulis dun. Tumawag na ako ng mga pulis!” Sabi ni mama.

“Kaya ko po. may sasabihin lang po akong importante.” Sagot ko.

“Teka, samahan na kita. At baka kung mapano ka pa!” Sabat ni mama.

Lumabas na kami ni mama. Paglabas ko bumungad agad sakin ang duguang mukha ni Mico at luhaan.

Sa itsura niyang yun, inaamin ko naawa ako pero hindi ibig sabihin nun, mawawala na ang galit ko sa kanya. Hindi ko pa siya kayang patawarin ngayun.

“Anak! Pumasok na kayo dun sa loob at baka kung mapanu pa kayo!” Utos ni papa.

“Pa, ok lang ako! Kaya ko po, may sasabihin lang po ako.” Sagot ko.

“Krissa!” Sabi nung luhaang si Mico.

Niyakap niya ko.

“Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh, diba? Mahal mo ko diba? Nagmamahalan tayo diba?” Sabi niya.

Oo, nagmamahalan tayo dati nung wala pa sa buhay natin yang kabet mo.

“Krissa, mahal na mahal kita! Kalimutan nalang natin yung mga nangyari! Let’s start all over again, yung walang Monique at walang kahit sino. Kalimutan nalang natin yun! Handa akong kalimutan yung mga nangyari ngayun basta bumalik ka lang sakin pls. Mahal na mhal kita krissa. Ikamamatay ko pag nawala ka sakin.” Sabi ni Mico.

After nyang sabihin yun ay hinalikan niya ako. Nabigla ako sa paghalik niya kaya bigla ko siyang nasampal.

*PAK!*

Nabigla siya sa sampal ko kahit ako rin naman eh, nabigla rin ako.

Bigla nalang kasing pumitik yung kamay ko kaya yun nasampal ko siya.

“K-krissa ?” Pautal na nagtatakang tanong ni Mico.

“Sino nagbigay sayo ng karapatan para halikan ako?” Tanong ko.

“D-diba? asawa kita?” Tanong niya.

“Dati yun, hindi na ngayon!” Sagot ko.

“Krissa, mahal kita!” dagdag niya.

“Hindi na kita mahal!” Sabat ko.

“Krissa, nagbibiro ka lang diba? Alam ko mahal mo ako, nagsumpaan pa nga tayo nung kasal natin na magmamahalan tayo habang buhay diba?” Nakangiting tanong niya.

Naaawa na ako kay Mico pero kailanagan kong gawin toh para sa kanya at samin narin.

“Umalis kana!” Sabi ko.

“K-krissa?” Nagtatakanag tanong ni Mico.

“Umalis kana!” Sigaw ko.

“Krissa, naman, diba nagbibiro kalang?” Tanong niya.

“Bingi ka ba? Sabi ko, umalis kana! Ayaw na kitang Makita, Iwanan mo na ko!” Tinulak ko na siya habang sinasabi ko yun.

“Please Krissa, give me another chance alam ko mahal mo ko at alam kong nasaktan ka lang sa mga nangyayari pero promise ko sayo, ibabalik natin sa ayos ang dati bastah bigyan mo lang ako ng another chance, Please Krissa please!” Pagmamakaawa ni Mico.

This time, lumuhod na siya sa harapan ko at nagsimula naring tumulo ang luha ko pero pinunasan ko lang ito at pinigilan ang paglabas daghil ayokong Makita niya ako na umiiyak.

“Umalis ka na nga!” Sigaw ko habang sinisipa sipa siya dahil nakayakap na siya sa legs ko.

Mya-maya, tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.

“Sige, kung hindi mo na talaga ko mahal, sampalin mo ako! Sampalin mo ko!” Sigaw niya.

*PAK!*

Kung ito lang ang makapagpapaalis sayo Mico, gagawin ko.

Sinampal ko siya as he wish! Pagkasampal ko sa kanya tumingin siya sakin ng diretso at pinunasan ang mga luha sa mukha niya.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Tanong niya.

“Oo, siguradong sigurado ako kaya umalis kana!” Sabi ko.

“Aalis ako, Pero lagi mung tatandaan na mahal na mhal kita at mahalaga kayong dalawa sakin ng anak ko. Iingatan mo ang anak natin ah? Babalik nalang siguro ako sa Australia pero promise ko na mgapapadala parin ako ng pero para kahit papaano, masustentuhan ko parin ang anak natin.” Sabi niya.

“Sige, aalis na ako, mag-iingat kayo palagi ah! Iingatan mo ang anak ko!” Dagdag pa niya.

“Umalis kana!” Sabi ko ulit.

“Sige, Krissa paalam! Hinding hindi kita makakalimutan! Mahal na mahal kita.” Ayun ang huli niyang sinabi at sumaludo pa kay papa bilang pamamaalam.

Umalis na siya matapos ng pangyayaring iyon.

After nun, Pumasok na ako sa loob at pumasok sa kuwarto ko, pumunta ako sa CR at dun humagulgol ng iyak para hindi magising ang anak ko.

Ang sakit ng nararamdaman ko na ngayon. Di ko mapigilan ang luha ko dahil ang sakit talaga eh.

AYOKO NG MAGMAHAL . . .

[END OF KRISSA’S POV]

*End of season 2*

A/N:” Hola! Hanggang dito nalang po muna! Sana po nagustuhan niyo. Tama ba ang ginawa ni Krissa? Tama bang ipagtabuyan niya si Mico? Tama ba ang desisyon niya? Malalaman ninyo ang mga kasagutan jan sa susunod na season dahil tapos na ang season 2. Hanggang dito nalang ang season na ito.

Sa season 3 ko na tatapusin ang kuwento, siguro merong 3-4 chapter dun at epilogue. Parang ending nalang kasi ang ilalagay ko dun eh.

Please, like, vote, comment and follow me para bati tayo! Gets mo?

Keep reading guys! Kamsahamnida!

Yes! Taken na rin ako. Hindi na ako NBSB. Kami na ni Crush .. since NOVEMBER 24, 2013! I LOVE YOU JULIUS! ( ^____________________^ ) <3 :***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY BROTHER'S GIRLFRIEND 2: SECRET AFFAIRWhere stories live. Discover now