Title: My Possessive Adoptive-BIGBrother
Author: LucettaGreen
Genre: Romance, Drama, Mature
Wattpad link: https://www.wattpad.com/story/4003185-my-possessive-adoptive-bigbrother
Story Description:
"Jiliane! Buksan mo 'tong pinto!" malakas nitong binayo ang pintuan niya. Alam niyang tuluyan ng naputol ang pasensya nito sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-iwas sa binata. She didn't care actually, kung ayaw nitong marinig ang rason niya ay wala rin siyang balak makinig sa sermon nito.
"I said open the goddamn door or I swear I will break this thing! Jiliane!" sigaw nito mula sa labas.
Bahagya siyang kinabahan sa karahasang ibinabadya ng boses ng binata. Wrong timing naman ang pag-alis ng mag-asawa at tiyak na walang makakaawat sa pagwawala ng binata.
Reed, asan ka na ba? Awatin mo ang kuya mo, parang awa mo na.
Kahit kinakabahan ay pinilit niya ang mga paa na humakbang patungo sa pinto. She decided to let him in. Bago pa nga nito tuluyang masira ang pintuan niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang dahon ng pintuan. Kita niya ang pamumula ng mukha nito sa labis na galit. Inisang hakbang nito ang pagitan nila at marahas siyang pinangko at inupo sa kama.
"Why?... bakit napakatigas ng ulo mo?" nanggigigil na hinawakan nito ang mukha niya sa dalawang palad nito. Tinabig niya ang mga kamay nito at hinarap ang nagbabagang mata ng binata.
"Tao ako, Alejandro, hindi hayop o bagay na walang sariling utak para um-oo palagi sa gusto. So what kung hindi ko natupad ang pangako ko? Tao lang naman ako, diba? Kung pagmomodelo man ang gusto kong gawin karera ay wala ka ng pakialam doon! Gagawin ko ang gusto ko at kahit ikaw ay hindi mo ako pwedeng pigilan!" she said defiantly.
What she just said fueled his anger. Naniningkit ang mga matang tinitigan nito ng binata ang kabuuan ng mukha niya bago marahas na bumaba ang mukha nito sa kanya upang angkinin ng pangahas nitong labi ang labi niya. Naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa malambot niyang kama.
No!
BINABASA MO ANG
Recommended Stories to Read ☪
RomantikI really love reading romance novels. Kaya hindi nakapagtataka na I have more than 600 pocketbooks (mostly PHR) sa shelf. Mapili din ako, kaya kapag yung story nasa Reading lists ko, that only means na maganda talaga yung novel. Hindi naman nawawala...