How To Kiss A Guy by Elise Estrella (Wattpad/Bookware)

1.2K 8 1
                                    

Title: How To Kiss A Guy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Title: How To Kiss A Guy

Author: elisestrella

Genre: Teen Fiction, Romance, Chicklit

Wattpad link: https://www.wattpad.com/story/16672195-how-to-kiss-a-guy-published-by-bookware

Story Description:

Bagong buhay. Bagong bansa. Bagong mga kaibigan. Bagong mga problema. Kinailangan kong harapin ang lahat ng mga iyon nang mag-migrate kami ng parents ko sa London para matupad ang lifelong dream ng daddy ko. 

Hindi naman ako nahirapang mag-adjust kasi maganda ang school ko, mabilis kong nakasundo ang bago kong roommate, and, finally, may nakilala akong interesting na guy. Si Renner Christensen, varsity football team captain, Head Boy sa school, über-guwapo, sweet and he also happens to be the Earl of Sanford. 

Of course marami akong kaagaw sa kanya. Una na sa listahan ang ex nitong number one bully ng bago kong buhay. Ang problema ko ngayon, ano'ng panama ko sa mayaman at model-gorgeous na si Fiona, eh I'm more brains than beauty at wala pa akong alam sa boys. I don't even know how to kiss a guy. Wala namang subject na nagtuturo niyon and I really want to kiss--and keep--Renner, ang first and forever kong Prince--er, Earl--Charming.

I guess, I just have to learn.


Preview:

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya kaya hindi ko nakita kung paano nangyari ang mga sumunod na nangyari.


Sinundan ng tingin ni Kuya Gwapo ang bola habang papalipad ito palayo sa kanya patungo sa isang teammate. Umarko ang paningin niya nang sipain ng teammate na iyon ang bola bago nagtama ang mga paningin namin.

Nabigla ako. Nakatingin siya sa 'kin! Oh, my God, tiningnan niya ako!

Hindi ko alam kung iiipit ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko o magmamadali pasunod sa mga magulang ko dahil wala talaga akong ideya kung paano mag-re-react hanggang sa makita ko na para bang nabigla siya at napa-awang ang bibig.

Nabigla ba siya sa kagandahan ko? Ha! Wish ko lang. Sigurado kong nagsisimula na akong mamula at nagsimula siyang tumakbo. Papalapit sa 'kin.

"Watch out!" sigaw niya.

Pagkatapos niyon, isang lumilipad na black-and-white blur na lang ang pumuno sa paningin ko at tumama iyon sa noo ko.

Narinig kong tumili ang mommy ko. Narinig ko ang daddy ko at ang galit na singhal ni Professor Morgan pero wala akong naintindihan sa mga sinabi nila. Naging doble ang lahat ng nasa paningin ko, lumipad ang mga twinkling, twinkling little stars palibot sa ulo ko at napa-upo na ako.

May sumalo sa 'kin. Si Daddy siguro. Lumingon ako, kumukurap para alisin ang mga stars para lang makakita ng dalawang maliwanag na bituin na kulay blue. Nag-focus doon ang mga mata ko, matagal na tumitig doon hanggang sa maging malinaw sa akin na mga mata sila at hindi bahagi ng constellations.

"Are you alright?" tanong ng isang malalim na tinig na may napaka-hot na British accent.

Agad na nag-clear ang utak ko. Si Kuya. Hindi siya chinito pero super blue ng mga mata niya. And he was even more gorgeous up close kaysa sa malayo.

Gawd. I was going to be in trouble.  

  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


P.S. Hindi ako fan ng Teen Fiction. Mahirap din ang maghanap nang matinong story na nasa category nito.

Pero grabe, iba kasi talaga ang impact kapag published na writer yung gumawa nang binabasa mong story, hindi ba?

Sa story na 'to una kong nakilala si Elise Estrella, na-inlove ako sa first chapter. Na-excite ako sa chapter 2, at kinilig ako sa buong story. What I like the most? 'yung feeling ko tunay na tao sila. 'Yung setting, mga characters, kahit cliche na yung story na boy meet girl na ordinary, okay lang kasi maayos na na-aaranged yung plot.

Kahit ulit-ulitin mong basahin, hindi ka mananawa. Actually, parang gugustuhin mo pa nang mas marami pang chapters. Hay ...

By the way, published na ang story na to (yey! suportahan po natin silang mga writers). So, iilan na lang ang chapters na available for preview.

Recommended Stories to Read ☪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon