Darling by Belle Feliz (PHR/Wattpad)

168 1 0
                                    

Title: Darling

Author: Belle Feliz

Genre: Romance

Status: Completed, Published under PHR

Wattpad link: https://www.wattpad.com/story/143806256-darling-complete

Story Description:

"Gagawin ko pa rin ang lahat para maangkin ka at mahalin mo rin ako. I just know I can't be happy without you."

Masyadong komplikado at magulo ang buhay ni Nicole nang makilala niya si Dr. Keith Darlington. Nakadama agad siya ng matinding atraksiyon dito. Hinayaan niya ang kanyang sarili na maakit sa lalaki. She thought he was a good distraction from everything that was happening in her life.

They kissed and flirted. Sumama siya rito hanggang sa hotel room. He sweated bullets when his condom shredded on him. Lalong hindi napakali ito nang malaman nitong fertile siya. Tinawanan lang niya ito at sinabing wala itong dapat na ipag-alala dahil wala siyang kakayahang magbuntis. Iyon ang dahilan kung bakit iniwan siya ng kanyang asawa.

Anong gulat na lang nila nang malaman nilang buntis siya sa muli nilang pagkikita.


Preview:

Pinagmasdan niya si Keith Darlington. Bakit ba siya labis na naaakit dito? Oo at guwapo ito ngunit marami rin namang guwapo na lumapit sa kanya. Siguro ay dahil sa mga mata nito, sa paraan ng patingin nito sa kanya. The admiration in his eyes was so intense. It was genuine. Hindi katulad ng ibang mga lalaki na trophy ang tingin sa kanya. Nais siyang makuha upang masabi ng mga ito sa ibang lalaki na kaya ng mga ito.

"You're so beautiful."

Nahigit niya ang kanyang hininga. Her heart was pounding so hard against her chest. Maraming beses na niyang narinig ang papuring iyon mula nang magdalaga siya. Maraming lalaki na ang nagsabi niyon sa kanya at maituturing nang lame ang linyang iyon. But Keith delivered it so suavely. Kahit na lame at clich� na ang linya, the intensity of his eyes made up for it. Keith knew how to use his weapons the right way.

"Thank you. You're not so bad yourself."

Hindi niya sigurado kung hanggang saan mapupunta ang pag-uusap nila. Halatang-halata na eksperto ito sa flirting. Ipupusta niya ang kinita niya sa huling pelikulang ginawa niya na madalas nitong ginagawa sa ibang babae ang ginagawa nito ngayon sa kanya. Malamang na madalas din nitong dalhin sa isang hotel room ang babaeng pinagsabihan nito ng

"You're beautiful."

The guy was, no doubt, sensuality incarnate.

Kung nasa ibang lebel na ang interes nito sa kanya, ano ang gagawin niya? Na-imagine niya ang kanyang sarili na kasama ito sa isang silid. Napatingin siya sa mga labi nitong tila kay sarap hagkan. She wanted to kiss him, taste him. Ngunit handa na ba siya sa ganoong uri ng intimacy? Jerome had been her only lover. Ilan na ang nahagkan niyang lalaki sa harap ng camera ngunit si Jerome lang talaga ang lalaki sa buhay niya.

Ngunit kailangan ba talagang manatiling ganoon? Kailangan ba talagang ito lang?

She felt like she was rebelling against her own heart. Kailangan niya marahil na kalimutan muna si Jerome ngayong gabi.

Kahit na ngayong gabi lang, ibang lalaki naman ang iisipin niya, ang paglalaan niya ng buong atensiyon niya. Hindi naman iyon mahirap gawin kay Keith. Kapag kaharap ito ay tila wala nang ibang choice ang isang babae kundi ang ibigay ang lahat ng atensiyon at focus dito. Napakahirap mag-isip ng ibang bagay.

Tatanungin sana niya ito kung madalas nitong sabihin iyon sa ibang babae at kung epektibo ba nang may mahagip na pamilyar na bulto ang mga mata niya. Naningkit ang kanyang mga mata. Siniguro muna niya na hindi lang siya namamalikmata sa nakikita niya.

"You've got to be kidding me. How dare they!" she hissed. Ang sabi sa kanya ay hindi dadalo ang mga taksil! Dapat ay patungo na ang mga ito sa Singapore. Ano ang ginagawa nina Jerome at Jessie sa party na iyon?

Tila hindi rin inaasahan ng mag-asawang Joshua at Pia ang pagdalo ng mga ito dahil sa ekspresyon ng mukha ng mga ito.

Hindi kaila sa mga bisita na mas kakampi niya ang mag-asawa kahit na endorser si Jessie ng clinic ng mga ito. Nag-uumpisa pa lang siya sa show business ay kaibigan na niya ang mag-asawa. Marami ang nagsasabi na sumigla lang ang clinic ng mga ito nang maging endorser siya.

"Problem?"

Napatingin uli siya kay Keith. Magkasalubong ang mga kilay nito. Tumikhim siya. "No. There's no problem." Pinilit niyang ngumiti kahit na nanggigigil na siya sa inis. Napatingin uli siya kina Jerome at Jessie. Hindi niya sigurado kung nananadya ang mga ito o ano.

Why couldn't they give her a break? Kahit na ngayong gabi lang sana ay makalimutan niya ang lahat ng ginawa ng mga ito sa kanya, ang galit na nararamdaman niya. Bakit kailangang lumitaw ang mga ito kung kailan sinusubukan niyang makipag-interact sa ibang lalaki? Keith was an interesting man. He made her feel so beautiful, so wanted. Nais niyang enjoy-in ang atensiyong ibinibigay nito sa kanya. Nais niyang ito lamang ang laman ng kanyang isip.

Hinawakan ni Keith ang baba niya at ibinalik ang kanyang tingin dito. "Dance with me," yaya nito.

"Sure," pagpayag agad niya. Nagpaakay siya rito patungo sa dance floor. Nang ipaikot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito ay nagdesisyon siya na huwag nang gaanong pakaisipin sina Jerome at Jessie. She would enjoy being so close to another man.

Hinapit siya nang husto ni Keith. Napasinghap siya sa paglalapit ng mga katawan nila. His arms curled possessively around her waist. Matangkad siya sa karaniwang Pilipina at three and a half inches ang taas ng heels ng sapatos na suot niya, ngunit kinailangan pa rin niya itong tingalain. He dipped his head lower then brushed a light kiss on her lips.

Nahigit na naman niya ang kanyang hininga. Halos hindi naglapat ang kanilang mga labi ngunit nanulay ang koryente sa katawan niya. Naramdaman niya ang pagtaas ng temperatura ng katawan niya. Nais niyang pagapangin ang mga daliri niya sa buhok nito at hilahin pababa ang ulo nito upang mahagkan siya nito nang tama.

"You will not look at any other man but me," he said in a very husky and sexy voice. "You'll think of no one but me. You understand, baby?"

Wala sa loob na tumango siya. Ito lang talaga ang nakikita at naiisip niya sa kasalukuyan. Hindi mahalaga ang ibang tao at ang lugar na kinaroroonan nila. She wanted him to kiss her.

"Kiss me," hiling niya. Hindi naman marami ang nainom niya ngunit pakiramdam niya ay lasing na lasing na siya. Wala siya sa kanyang sarili. Bakit ganito ang epekto sa kanya ng lalaking ito?

Nginitian siya nito. She noticed that his eyes had turned a shade darker. He wanted her. Naligayahan siya sa nabasa niya sa mga mata nito.

"Where?" tanong nito.

"Where what?" kunot-noong tanong niya. Bakit napakarami pa nitong tanong? Bakit hindi na lang siya nito hagkan?

"Where do you want me to kiss you, my sweet?"

Everywhere. "You can start with my lips. Wipe my lipstick off."

Nabura ang ngiti sa mga labi nito. His eyes grew darker. "Gladly." Hindi na siya nabigyan ng pagkakataong makapag-react. Mabilis na bumaba ang ulo nito at inangkin ng mga labi nito ang mga labi niya. It was a smoldering hot open-mouthed kiss.

Hindi kaagad siya nakaganti ng halik dahil hindi niya alam kung paano pakikibagayan ang sensasyong lumukob sa buong pagkatao niya.

Unti-unti gumapang ang mga daliri niya at pumaloob sa buhok nito. Ginantihan niya ang halik nito. He wanted him to feel pleasure from her kiss, too. Dahil sa paglalapit ng mga katawan nila ay kaagad niyang naramdaman sa tiyan niya ang epekto ng halik na pinagsasaluhan nila. She sighed in satisfaction.

They kissed a long time. Kung hindi pa nila kailangang sumagap ng hangin ay hindi pa sila maghihiwalay. Pareho silang naghahabol ng hininga habang magkahinang ang kanilang mga mata. He smiled. She smiled back.

Recommended Stories to Read ☪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon