ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES by frappauchino and YGDara

171 0 0
                                    


Title: ZWCS#1: Blame It On Tequila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Title: ZWCS#1: Blame It On Tequila

Author: frappauchino

Genre: Romance, Young Adult, Sisterhood, Sorority

Status: Completed

Wattpad Link: https://www.wattpad.com/story/108921658-zwcs-1-blame-it-on-tequila#

Story Preview:

"Alam mo Kata, okay lang naman kung wala kang salihan na sorority." Dagdag pa ni Mary.
"Hindi okay yun, kailangan kong may mapabilangan na sorority. Kailangan ko ng libreng matutuluyan." She sighed.

"Sayang kasi madami na masyadong members ang sorority nila ate, sabit na nga lang ako dun." Lumabi ito. "Bakit ayaw mo i-try ang Sigma Pink Society!"

Agad siyang napangiwi sa sinabi nito. Nakita na niya ang mga members ng SPS, wala naman sanang problema she just think that she wont fit in. They're the group of socialites with pink glittery nail polish.

"How about the Delta Squad?" Suhestyon nito.

Umiling siya. "Parang magulo yung sorority nila, palaging may pinag-lalaban."

"Oo nga, may point ka. Palagi nalang silang nag-oorganize ng debate at kumokontra sa ibang mga sororities." Muli itong bumaling sa bulletin board. "Kundi lang ako nakwentuhan ng ate ko tungkol diyan sa ZWC, sasabihan sana kita na diyan ka nalang sumali."

"Anong kwento?" Kumunot ang noo niya at binalingan muli ang announcement.
"Sabi ni ate, maraming estudyante ang gustong maging bahagi ng sorority na iyan pero kaunti lang ang pinapalad na maipasa ang initiation." Pagkkwento nito. "Malupit daw kasi si Gift Vito, yung recruitment officer ng society nila. She's a senior architecture student. Ang balita ko pa nga walang bagong members ang sorority na yan at puro officers silang natira."

Agad na natawag noon ang kaniyang atensyon, her eyes dropped on the bottom part of the announcement. Violet Iphigenia. Sa isang buwan na pananatili niya sa Vanderbilt University ay halos araw araw niyang naririnig ang pangalan nito, she's the most popular girl in the university. Hindi rin niya miminsan itong nakita.

"Wag mo sabihing gusto mong sumali sa sorority nila?!" Namamanghang bulalas ni Mary nang mapansin nitong titig na titig siya sa announcement. "Pagpapakamatay yang plano mo girl! Hindi basta basta ang initiation ni Gift, baka hilingin mo nalang na i-hazing ka nila!"

She shrugged. "Wala naman sigurong masama kung susubukan ko."

Nang tumunog ang school bell ay nag-simula na silang mag-lakad. Hindi padin siya tinitigilan ni Mary ng sermon tungkol sa pinaplano niyang gawin, pero isang bagay lang ang tumatakbo sa isip niya. Kailangan niya ng matutuluyan. ..

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Recommended Stories to Read ☪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon