Villa Cattleya Series by Belle Feliz (PHR/Wattpad)

157 0 0
                                    

Title: Villa Cattleya 1: Mad Love 

Author: Belle Feliz

Genre: Romance

Status: Completed, Published under PHR

Wattpad link: https://www.wattpad.com/story/128044365-villa-cattleya-1-mad-love-completed

Story Description:

Isang matinding writer's block ang dinaranas ng romance novelist na si Anne. Para makapagpahinga at para na rin makahanap ng inspirasyon, sumama siya kay Nigel nang umuwi ito sa probinsiya nito sa Mahiwaga. Doon ay naramdaman niya ang pagmamahal at pagtanggap ng isang pamilya-bagay na hinahanap-hanap niya. At dahil na rin puno ng pag-ibig ang magandang lugar na iyon, nanumbalik ang drive niya sa pagsusulat. Naging masaya ang pananatili niya roon, lalo na't kasama niya si Nigel. Ngunit isang halik ang nagpabago sa kanilang relasyon. Nais man niyang mahalin ito nang buong-buo ay sarisaring negatibong damdamin ang pumipigil sa kanya. Magagawa ba niyang palisin ang mga iyon upang makapiling ang binata?


Preview:

"IS THAT your waterproof camera?" tanong ni Anne kay Nigel nang makita niyang may inilabas ang binata na camera mula sa dala nitong backpack.

Nasa tubig na siya at naglulunoy. Inilatag naman ni Nigel ang blanket na dala rin nila at inihanda ang mga pagkain at inumin nila sa ibabaw niyon.

"Yup, we're taking pictures underwater."

Bigla siyang tumingin sa ibang direksiyon nang hubarin na ni Nigel ang pang-itaas nito. "B-baka puwedeng 'wag na lang? Let's just enjoy the water." Tapos na siya sa pagpapakuha ng larawan. Masyado na siyang maraming shots. Sapat-sapat na iyong remembrance sa magandang lugar na iyon. Lalo rin siyang maiilang dahil walang suot na pang-itaas si Nigel.

"You're going to love getting your picture taken underwater, trust me," anito bago siya sinamahan sa tubig.

Pilit ni Anne na kinalimutan ang pagkailang na nararamdaman. Pinagbigyan niya na kunan siya ng larawan ni Nigel. Kahit naman paano siya tumanggi ay ipipilit pa rin nito ang gusto. Pilit niyang itinuon ang pansin sa paglangoy upang hindi siya gaanong mapatingin sa matipunong katawan ng binata. Hindi na ito modelo, ngunit daig pa nito ang ilang mga modelo sa kakisigan.

Mayamaya ay inilagay ni Nigel ang camera sa ibabaw ng bato. Sa wakas ay tinigilan nito ang pagkuha ng kanyang mga larawan at naglunoy na sa tubig. He was a great swimmer. Fluid at graceful ang bawat galaw nito.

Hindi nagtagal ay naghaharutan na sila. Naghabulan sila sa ilalim ng tubig. Sinisikap ni Anne na huwag magpahuli ngunit magaling talagang lumangoy ang binata. Hinapit nito ang kanyang baywang at sabay nilang iniahon ang mga ulo nila sa tubig upang sumagap ng hangin.

"Gutom ka na?" masuyong tanong ni Nigel habang nasa baywang pa rin niya ang isang braso ng binata. Hinawi ng isang kamay nito ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa kanyang mukha.

Umiling si Anne. Nakaramdam uli siya ng pagkailang. Magkalapat ang mga katawan nila. Hubad si Nigel at manipis lang ang suot niyang T-shirt. Hindi na naman niya mapigilan ang kanyang mga mata na mapatingin sa mapulang mga labi ng binata. Maliit lang ang distansiya nila. Madali lang abutin ang mga iyon. She wanted to taste them, feel them. Nais niyang malaman kung ano ang pakiramdam na mahagkan ni Nigel.

"Don't look at me like that, babe," anas ng binata.

Napatingin si Anne sa mga mata nito. Iba na ang nababasa niya roon. Nakatingin din ang mga mata ni Nigel sa kanyang mga labi. "L-like what?" nagawa niyang itanong sa kabila ng pagkailang at kakaibang kaba na nadarama.

Her heart was racing. She couldn't think straight. The urge was getting stronger. Unti-unting nilulukob ng kakaibang damdamin ang buong pagkatao ni Anne.

"Like you want a kiss."

She gave in. Pumaikot ang kanyang mga braso sa leeg ni Nigel. Bago pa man nito mahulaan kung ano ang gagawin niya, at bago pa man magbago ang kanyang isip, dinampian na ni Anne ng masuyong halik ang mga labi ng binata.

His lips were the softest lips. Sandali lang nagtagpo ang mga labi nila ngunit sapat na iyon upang mayanig ang buong mundo ni Anne. The electric feeling was overwhelming. Hindi niya gaanong maipaliwanag ang nararamdaman. She felt more than good. Pakiramdam niya, lalong gumanda ang kapaligiran. Pakiramdam niya ay tama ang ikot ng mundo, tama ang linya ng mga planeta. Tila nasa tama ang lahat sa kanyang buhay.

She was more than happy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Recommended Stories to Read ☪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon