Title: Crescent Moon
Author: walangmagawa1210
Genre: Fantasy, Time Travel, Short Story, Romance
Wattpad link: https://www.wattpad.com/story/8125506-crescent-moon
Story Description:
Magpapakasal na sana si Kat sa boyfriend nya ng hindi inaasahang bawian ng buhay ang kasintahan sa isang trahedya. Dahil sa lubos na pagdamdam sa pagkawala ng boyfriend nya ay nagbakasyon sya sa hacienda na pinamamahalaan ng mga lolo at lola nya. Minsan, sa kanyang pag-iisa sa paborito nyang lugar sa tabi ng maliit na waterfalls ay nakabasa sya ng isang article sa IPAD tungkol sa kapangyarihan ng crescent moon, na may kakayanan itong ibalik sa nakaraan ang isang tao kung ma-me-meet ang requirements nito. Hindi sana nya ito paniniwalaan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuan na lang nya ang sarili na sa nakaraan at nakilala nya ang isang lalaki na nagpatibok muli ng kanyang puso, si Juaquin. Ngunit magkaiba ang panahon nila. Paano kung ibalik na sya ng buwan sa sarili nyang panahon, kakayanin ba nyang mapahiwalay kay Juaquin? O baka mapakiusapan nyang wag na lang syang ibalik ng buwan sa kasalukuyan.
Title: Crescent Moon
Author: walangmagawa1210
Genre: Fantasy, Time Travel, Short Story, Romance
Wattpad link: https://www.wattpad.com/story/45683667-full-moon
Story Preview:
Crescent moon part 2
NAKABALIK AKO SA NAKARAAN!Pero ang tanong ko ngayon at pilit kong inaalam ay kung paano akong muling makakabalik!
Ang buhay talaga parang life... haaaay! nakakasira ng ulo! Nakakabaliw! Sinumpa-sumpa ko ang panahon ng mga kastila dahil napaka-primitive! Walang computer, walang wifi, walang aircon, microwave, taxi, tricicle at kung ano ano pang pampadali ng buhay. Pero ngayon, I will trade anything just to go back again in time. I will trade all the comfort in life just to be with the man I love.
Pinagmasdan kong muli ang malaking portrait ni Juaquin sa gitna ng salas. Madaling araw na at ako na lang ang natitirang gising sa bahay. Maraming tao ngayon sa mansyon. Himalang nandito ang buong angkan ng mga Mendez na matagal ng hindi napapasyal sa lugar na ito.May family meeting daw sila at sa dinami-dami ng properties nila, ito pang lugar na ito ang napagtripan nilang idaos ang mahalang meeting na 'yon. Kung kelan naman nagsesenti ako ng bonggang bongga ngayon pa sila nagdatingan. Ang galing ng timing nila! Ang dinig ko sa lola ko ay may babasahin daw silang lumang dokumento at naka-specify na bukas ito bubuksan. Ang galing naman ng gumawa nung dokumentong iyon, itinaon pa ngayon. Hindi ko din alam kung bakit pa nila kailangang basahin iyon. Wala namang ibang mapupuntahan ang kayaman nila dahil si Rafael lang naman ang nag-iisang tagapagmana. Ewan ko lang kung babahagian nila ang mga maldito at malditang mga pinsan. Iniisip ko pa lang ay kumukulo na ang dugo ko sa mya 'yon. Kung makatingin sa amin ay para kang isang basahang naligaw. Porket katiwala lang ang mga lolo't lola ko? Para silang mga kastila kung maka-mata sa mga indyo!
At ito namang si Rafael, ewan ko ba kung bakit hindi nagmana kay Juaquin. Kung gaanon kabait sa Juaquin, ganon naman ang pagkamayabang at suplado nito! Namana lang nya ang itsura ni Juaquin pero ang layo ng ugali! Pero in fairness naman sa kanya, hindi naman sya mapang-mata. Ganon din ang mga magulang nya. Maayos nilang pinakikitunguhan ang mga lolo at lola kahit na katuwala lang sila ng hacienda.
But just the same, suplado pa din ang tagapagmana ng mga Mendez. At hindi lang doon natatapos ang istorya. Dumating din ang girlfriend nya at kasundong-kasundo ang mga pinsang maldita. Totoo nga ang kasabihan na birds of the same feather flock together! Hay nako Juaquin! Kung alam mo lang ang kahihinatnan ng lahi mo!
BINABASA MO ANG
Recommended Stories to Read ☪
RomanceI really love reading romance novels. Kaya hindi nakapagtataka na I have more than 600 pocketbooks (mostly PHR) sa shelf. Mapili din ako, kaya kapag yung story nasa Reading lists ko, that only means na maganda talaga yung novel. Hindi naman nawawala...