Title: Awit ng Veakaria Book 1 to 4
Author: Vanessa (PHR)
Genre: Fantasy, Romance
Story Description:
[from http://vanessamanunulat.blogspot.com/2013/09/maligayang-pagdating-sa-veakaria.html]
Ang Kaharian ng Veakaria ang pinagmulan ng unang sibilisasyon ng mundo. Binubuo ito ng limang estado-Zaskidav, ang kabisera kung saan naroon ang palasyo ng hari; ang Lamia, na kilala para sa pisikal na kagandahan ng mga mamamayan at lokasyon din ng pamosong kulungan ng mga nagtaksil o gumawa ng krimen sa mga pinuno ng kaharian-ang Tartaros; Galen, kung saan mayaman ang karagatan; Peri Ev, kung saan naroon ang Kagubatan ng Peri na siyang tahanan ng mga diwata; at Tenon, ang estadong mayroong itim na kagubatang isinumpa ng isang makapangyarihang salamangkerang nagngangalang Aarfina. Sa itim na gubat o "Nit Dreb" ay walang salamangkang maaaring gamitin, walang bungang maaaring kainin, at walang liwanag na matatanaw kahit umaga-iyon ang dahilan sa pagbagsak ng minsan ay maunlad na estado ng Tenon.
Noong unang panahon ay walong uri ang mga nilalang na nakatira sa Veakaria-ang mga salamangkero, elfo, duwende, xo̱tikó, taong-lobo, bampira, diwata, at mga ordinaryong taong walang taglay na salamangka. Nakita ng reyna noon na si Astria ang pagsasamantala ng mga may salamangkang nilalang sa mga ordinaryong tao at dahil sa pagmamahal at awa ay itinaboy niya ang mga ordinaryong tao sa lugar kung saan walang salamangkang maaaring makapanakit sa mga ito. Ang lugar na iyon ay tinawag na "Nador Theal" o "Damned Land" na mas kilala ng mga ordinaryong tao bilang "mundo."
Sinelyuhan ni Reyna Astria ang hangganan ng Veakaria at Nador Theal at magmula noon ay wala nang taga-Veakaria ang maaaring makapunta sa Nador Theal nang hindi nauubos ang salamangka sa katawan, at wala ring taga-Nador Theal ang maaaring makarating ng Veakaria nang walang kasamang taga-Veakaria. Wala ring anumang makabagong instrumento ang mga taga-Nador Theal ang maaaring makakita sa Veakaria mula sa mapa o radar ng mga ito.
Gayunman, paminsan-minsan ay may mga kakatwang pangyayari sa Nador Theal na nagsasabing mayroong lugar at mga pangyayaring sadyang hindi makita at maanalisa ng modernong teknolohiya at hindi rin magawang ipaliwanag-tulad ng paglalaho ng mga barko o anumang sasakyang pandagat nang walang iniiwang bakas, o mga indikasyon ng mas maagang sibilisasyon sa kasaysayan. Walang ideya ang mga ordinaryong tao ng mundo na nagmula ang mga ito sa Veakaria, bagaman makikita sa mito at alamat ng mga ito na buhay pa rin ang alaala ng Veakaria hanggang sa kasalukuyang panahon.Ilang daang taon matapos maselyuhan ang Veakaria ay isinumpa at ipinatapon naman ng isang hari ang mga bampira at taong-lobo patungo sa Nador Theal. Manghihina na ang mga ito kung mananatili ang mga ito sa Veakaria kaya lumisan ang karamihan sa mga ito. At muli, ang mga nilalang ng Veakaria ay nabawasan at ang tanging nanatili ay ang mga salamangkero, diwata, elfo, xo̱tikó at ang pinsan niyong duwende.Ang hari o reyna ng Veakaria ang siyang mayroong pinakamalakas na kapangyarihan sa buong kaharian sapagkat narito ang susi sa baul ng salamangkang walang hanggan. Gayunman ay mayroon pang isang susi para sa baul ng salamangka at iyon ay isang susing mayroong limang bahagi, at bawat bahagi ay ipinagkakatiwala sa pinuno ng bawat estado. Limang bahagi, limang pinuno, limang estado, isang susi.
BINABASA MO ANG
Recommended Stories to Read ☪
RomanceI really love reading romance novels. Kaya hindi nakapagtataka na I have more than 600 pocketbooks (mostly PHR) sa shelf. Mapili din ako, kaya kapag yung story nasa Reading lists ko, that only means na maganda talaga yung novel. Hindi naman nawawala...