Title: Teenage Love Story
Author: Belle Feliz
Genre: Romance, Teen fiction
Status: Completed, Published under PHR
Wattpad link: https://www.wattpad.com/story/123766581-teenage-love-story
Story Description:
Jucylle was a nobody. Ayos lang sa kanya iyon. Masaya siyang hindi gaanong napapansin at nakikita. Hanggang sa pumasok sa buhay niya si Arkin. He was sort of the school prince. Narito ang halos lahat-gandang-lalaki, yaman, at kasikatan.
Bigla, naging sentro siya ng usap-usapan sa eskuwelahan. Tila lahat ay nagtatanong kung bakit kasa-kasama siya ni Arkin. Ngunit tila walang kaso iyon sa binata. Kahit anong taboy niya rito, hindi ito lumalayo. Namalayan na lamang niyang palagay na ang loob niya rito. Masaya siyang kasama ito at tila ganoon din ito sa kanya.
Pero ano nga ba ang pakay nito sa kanya? Nakikipagkaibigan lang ba ito o tama ang hinala ng marami? That Arkin Luciano-Mr. Somebody-was falling for Miss Nobody...
Preview:
Tinungo ni Jucylle ang ikasampung palapag kung saan naroon ang main library. Puwede ang kahit na sino sa palapag na iyon.
Nilampasan ni Jucylle ang mga mesa at cubicle sa paligid at tumuloy sa bahaging likod. Nang marating niya ang paboritong lugar sa isang sulok ay umupo siya sa sahig at sumandal sa bookshelf. Binuksan niya ang bag at kinuha mula roon ang isang young adult fiction book.
Hindi pa man nakakadalawang pahina si Jucylle ay may narinig na siyang kaluskos mula sa kung saan. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng mga bulong. She stayed still and tried hard not to listen. Mahirap gawin iyon dahil napakatahimik sa bahaging iyon at kahit na ang napakahinang bulong ay maririnig ng sinumang malapit.
Kaagad na nakilala ni Jucylle ang isang tinig. Si Arkin. May kausap na babae ang binata. Napangiwi siya nang makilala na rin niya ang tinig ng babae. Si Arlene, ang matalik na kaibigan ni Dianne. Kilala niya ang babae dahil naging kaklase niya sa isang minor subject noong nakaraang semestre. Isa ring Miss Famous itong si Arlene.
"I'm not interested, Arlene," ang sabi ni Arkin sa malamig na tinig.
Arlene laughed silently and seductively. "Come on, Ark. Your best friend and girlfriend betrayed you, you should get even. I'm here to help. Willing akong magpagamit."
Jucylle heard kissing sounds after. She was disgusted. What was with Arkin that girls were so ready to throw decency and pride and stoop so low? Gusto na sana niyang umalis doon pero natatakot naman siyang mapansin. Ibinalik niya sa bag ang libro.
"Ang sabi ko, hindi ako interesado, Arlene," ang sabi ni Arkin sa malamig pa ring tinig. Then there was a long pause.
Tatayo na sana si Jucylle pero natigilan siya nang isusukbit na niya ang bag sa balikat. There was a pair of legs in artfully faded jeans in front of her. Her eyes dropped to the pair of black Nike shoes before she looked up to its owner's face. She was mesmerized.
Alam ni Jucylle na magandang lalaki si Arkin pero hindi pa talaga niya natititigan nang malapitan. Hindi naman ang mukha nito ang nagpamangha sa kanya kundi ang magaganda nitong mga mata. They were the most beautiful brown eyes she ever saw. They were light brown, so light they were almost gold. Maganda rin ang hugis ng mga iyon, parang sa babaeng usa. Maraming babae ang maiinggit sa haba ng pilik-mata nito. He was indeed beautiful.
"Who are you?" ang tanong ni Arkin.
Biglang nahimasmasan si Jucylle. Mabilis siyang tumayo at tumakbo palayo. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Nilampasan niya ang elevator at tinungo ang hagdan. Nasa ikasiyam na palapag na siya nang may biglang humawak sa kanyang braso. Muntik na siyang mapatili nang makitang si Arkin iyon.
Ramdam na ramdam ni Jucylle ang pagtakas ng kulay sa kanyang mukha. Ngayon lang nangyari ang bagay na ito sa kanya at hindi niya sigurado kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon. Hindi niya sigurado kung bakit kinakabahan siya at bahagyang natatakot, samantalang alam naman niya na wala siyang ginawang masama. Gusto niyang ipaliwanag na hindi naman niya sinasadyang marinig ang lahat pero parang hindi niya alam kung paano magsisimula.
"I didn't see or hear anything," defensive na sabi ni Jucylle. Hindi na niya gaanong pinag-isipan ang mga nasabi.
"What's your name?" ang tanong ni Arkin, medyo malamig pa rin ang tinig.
"Jucylle. Mary Jucylle Stevens." Sa kaba niya ay nasabi niya ang buong pangalan na para siyang kindergarten pupil.
Ngumiti si Arkin. "I'll see you around, Jucylle." Muli nang umakyat ang binata.
Napaupo siya sa baitang ng hagdan. Unti-unti niyang kinalma ang sarili. She took deep breaths to lower her heart rate. The whole thing was very embarassing!
I'll see you around. Ano ang ibig sabihin niyon? Babantayan ba siya ni Arkin para hindi niya ipagkalat ang mga narinig? Hindi naman nito kailangang gawin iyon. Kahit hindi siya nito nahuli ay hindi pa rin niya sasabihin sa iba na sinubukan itong akitin ni Arlene para "makaganti" kina Dianne at Michael. Unang-una, wala siyang mapapala. Pangalawa, wala siyang pakialam sa trip ng mga ito sa buhay. Maggantihan ang mga ito hanggang sa gusto ng mga ito. Pangatlo, hindi siya tsismosa.
Mas natatakot si Jucylle sa naging reaksiyon nang matitigan niya ang magagandang mata ni Arkin. Hanggang ngayon, hindi niya malimutan ang ganda ng mga iyon. Lagi niyang sinasabi na iba siya sa lahat dahil hindi niya nagustuhan ang gandang lalaki nito. Mali ba siya? Katulad din ba siya ng tipikal na mga teenager na babae na nahuhumaling kay Arkin Jamie Luciano?
Ipinilig ni Jucylle ang ulo. Anong nahuhumaling? Nagandahan lamang siya sa mga mata nito. Ano'ng masama roon? Talaga namang walang kasingganda ang mga mata nito.
Napatingin siya sa kanyang relo. Napatayo siya bigla nang malamang malapit na ang susunod niyang klase. Tinungo niya ang elevator at nagmamadaling bumaba. Pinilit niyang kalimutan ang mga pangyayari.
Iyon na siguro ang masamang pangyayari na naramdaman niyang mangyayari sa kanyang paggising niya. Tapos na. Okay na siya.
Pero maituturing ba talaga iyong masamang pangyayari? Muli niyang ipinilig ang ulo.
BINABASA MO ANG
Recommended Stories to Read ☪
RomanceI really love reading romance novels. Kaya hindi nakapagtataka na I have more than 600 pocketbooks (mostly PHR) sa shelf. Mapili din ako, kaya kapag yung story nasa Reading lists ko, that only means na maganda talaga yung novel. Hindi naman nawawala...