A Love Like This (FFTB #2) by elisestrella (Wattpad)

578 2 0
                                    

Title: A Love Like This (FFTB #2)

Author: elisestrella

Genre: Romance, Comedy, Guy POV, Office Romance, Drama

Wattpad link:

Story Description:

Falling for the Billionairess Book 2.

---Siya si Meredith Balajadia, ang executive vice president ng Balajadia Industries, my boss, my fiancée and the love of my life. Ako si Ash Montesines, reformed basagulero at tomador, amazing assistant, awesome fiancé at guwapong-guwapong future COO at milyonaryo. The moment I asked her to marry me, alam ko nang hindi na ako puwedeng bumalik sa dati kong buhay, 'yung pa-easy-easy lang na happy-go-lucky na may "bahala na si Batman" attitude. At ayoko na rin namang bumalik d'un. Hindi na ako 'yun eh. Pinili kong magbago para kay Meredith at masaya naman ako sa sarili ko. Sa katunayan, ngayon lang ako naging ganito kasaya sa sarili ko.Gayunpaman, kailangan ko pa ring patunayang karapat-dapat ako sa pagmamahal ni Mere. First time kong magmahal nang ganito kaya sigurado kong magkakamali ako. Basta ayoko siyang bigyan ng dahilang pagdudahan ang naging desisyon niyang piliin ako o na magbago ang isip niya tungkol sa 'min. Sabi niya sa 'kin na siya. Wala nang bawian. Forever na 'to.

--- Rated SPG. Reader discretion is advised.


Prologue:

  KADALASAN, kapag gumising ka ng January 1, pakiramdam mo bagong buhay 'yun, bagong simula, bagong pagkakataon. Hindi man January 1 ngayon, gan'un pa rin ang pakiramdam ko nang dumilat ako sa unang araw ko bilang engaged guy. At tama lang na ang una kong makita ay ang magandang mukha ng fiancée ko na naiilawan ng sinag ng buwan mula sa labas ng floor-to-ceiling windows ng bago naming tahanan.
Automatic akong napangiti, automatic na tumungo para halikan siya sa noo at automatic na hinila siya palapit kahit pa nakasiksik na siya sa tagiliran ko.
Pinanood ko lang siyang matulog, nakangisi habang tahimik ang isip, tahimik ang puso. Mukha siyang anghel. Kulang na lang halo at mga pakpak. Pero gan'un din naman kasi regalo talaga siya ng langit sa 'kin.
Sino ba naman ang mag-aakalang magkakaroon ako ng Meredith sa buhay ko di ba?
Pero habang nag-iisip, siguro naman I deserved someone like her. Mabait naman ako ah! Tatay ko lang naman ang hindi naniniwalang good boy ako. Mabait naman daw ako sabi ng nanay ko, ng kuya ko at ng ninong ko. Naniniwala din si Mere na mabait ako.
Gan'un din ang parents niya dahil papayagan ba nila akong lumapit sa anak nila kung sa tingin nila eh tarantado ako? Di ba hindi? Kaya oo, mabait ako. Nananalig ako.
May kaya na rin ako sa buhay. Mayaman nga ako eh. Mas mayaman pa sa inakala ko, at may potential pang mas yumaman dahil marunong na akong magtrabaho ngayon, naks! Dahil itong pinapanood mo ay isang guwapong-guwapong future COO.
And last but not the least, mas lalo akong gumuwapo ngayon kasi nakakadagdag pala sa kagandahang lalaki kapag masaya siya. Eh ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo ngayon.
Ganito talaga kapag natutupad ang lahat ng mga pangarap. Ang nakakatawa pa d'un, ni hindi ko alam na ito pala ang pangarap ko, ang makahanap ng babaeng mamahalin at magmamahal din sa 'kin nang higit pa sa inakala ko.
At dahil nasa akin na si Meredith (at nasa kanya na rin ako), sa tingin ko pwede na 'kong gumawa ulit ng mga bagong pangarap na tutuparin naming isa-isa ni Miss Billionairess nang magkasama.  

Recommended Stories to Read ☪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon