I Love You Mr. Arrogant

4.9K 20 12
                                    

Prologue:

Galing ako sa Tagaytay.

Sakay ako ngayon ng bus papuntang Manila.

Nasira kase yung kotse namin sa south super-highway.

Inutusan  ako ni Mommy para dalhin kay Daddy yung mga papeles.Importante daw yun kaya kailangang hindi ako ma late, kaya napilitan akong sumakay ng bus para lang umabot sa presentation ni Daddy.

Firstime ko lang talaga sumakay ng bus, kung hindi lang talaga ako nag mamadali hindi ako sasakay sa bus na ito.Yung driver namin ang nagsabi na sumakay na lang ako ng bus dahil hindi daw ako aabot kung hihintayin ko pa na magawa yung kotse.Siya na lang daw ang magdadala sa talyer.

Luminga-linga ako para humanap ng mauupuan.Isa na lang ang bakanteng upuan sa may bandang dulo.Lumakad ako para pumunta dun sa bakanteng upuan.Isang babaeng mukhang probinsyana ang nakaupo sa katabi ng bakanteng upuan.Umupo na ako dun wala na kaseng choice.Tiningnan ko yung babaeng katabi ko sa upuan.

Mukhang probinsyana.Gulo-gulo ang buhok at may dala pang bayong na may lamang mga gulay.Ang baduy naman niya.Isinoot ko sa tainga ko ang headpone at nakinig ng music sa aking ipod mini.Mahaba-haba na ang natatakbo ng bus ng bigla itong nag preno.

"May aksidente yata" sabi nung isang pasahero.

Nung biglang preno ng bus bigla na lang naglapat yung labi namin ng katabi kong babae.

"Ewww... Bastos"   sigaw nung katabi kong babae.

"Ako? Bastos?"  sabay turo ko sa sarili ko.

"Bastos ka talaga, bastos!" hinampas niya ako ng patolang  laman ng bayong niya.

"Hoy! Ano ba...Ano bang inaarte mo jan? tumigil ka nga."

"Bakit mo ako hinalikan?"  namumula ang pisngi niya habang sinasabi yun.

"Ang arte mo, bakit first time mo?"

"Grrr....First kiss ko yun. At lahat ng first sa buhay ko ay pinapahalagahan ko." habang hinahampas pa rin niya ako ng patola na nagkaputol putol na.

"Ang swerte mo nga eh, dahil isang Valderama ang firstkiss mo." 

Ang arte nito, parang  ako pa nga yata ang lugi dito.Ako si Lawrence Valderama ang sinasamba ng mga kababaihan. Tapos hahampasin niya lang ng patola.

"Mama, para po.. paki tigil dyan sa tabi." sigaw nung babaeng probinsyana.

"Naku miss, hindi po pwedeng bumaba dito.Dun na lang kayo bumaba sa bus stop." sagot nung mamang driver.

Nakasimangot siya ng  tumingin sa akin.Ang malas ko naman first time ko lang sumakay ng bus ganun pa ang nangyari.

====================

A/N:
Ang istoryang ito ay pawang kathang isip ko lamang.Ano man ang pagkakatulad sa mga pangyayari sa totoong buhay.Buhay man o patay ay nag kataon lamang wag nyong seryosohin.Ito ay pawang likha lamang ng malikot na imahinasyon ng inyong Author.Pag pasensyahan nyo na lang kung may maling grammar, wrong typo.Bahala na kayong umintindi i'm not a professional writter.

I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon