ILYMA#3

608 14 2
                                    


Pag-uwi ko ng dormitoryo nagulat na lang ako dahil nakakalat ang mga gamit ko sa labas.

"Miss Minchi bakit nasa labas lahat ng gamit ko?"   tanong ko sa landlady namin.

"NAGTATANONG KA PA? EH...ONE WEEK KA NG DELAY SA RENTA." sagot ng masungit na si Miss Minchi na mukhang pera.

"Magbabayad po ako, eto na po ang pera.Kalahati pa lang po yan sa a kinse ko na ibibigay yung balance." inabot ko ang pera sa kamay niya.

"AH! HINDI NA PWEDE!  UMALIS KA NA DAHIL MAY BAGO NG NAKATIRA DUN SA KWARTO MO."

"Mali naman yata yang ginagawa nyo.Hindi nyo dapat ikinalat dito sa labas yung mga gamit ko.Sana man lang hinintay nyo ako bago kayo tumanggap ng ibang boarders."

"HAY! NAKU...AUDREY AKIN ANG DORM NA ITO.KAYA MAY KARAPATAN AKO KUNG SINO ANG GUSTO KONG PATIRAHIN DITO."

Wala na akong nagawa kundi umalis sa lugar na iyon. Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Nakatigil ako sa gilid ng daan ng may biglang tumigil na kotse sa tapat ko.

"San ka pupunta? " tanong ni Lawrence sa akin.Bakit ba lagi na lang sumusulpot ang lalaking ito? 

"Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta, pinalayas na kase ako ng landlady ko."

"Bakit?" tanong niya sa akin.

Dapat ko bang sabihin sa kanya na wala akong pambayad sa renta? Eh yun naman ang totoo bakit ba ako mahihiya."Hindi kase ako nakabayad ng renta ko."

"So, problema mo ngayon ang matutuluyan?"Tumango ako.

"Sumama ka na lang sa akin,Tutal sa akin ka na mag tatrabaho,kaya pwede kang tumira sa bahay ko." Bumaba siya ng kotse at kinuha niya yung mga bag ko na may lamang damit.

"Teka lang.." natatakot akong sumama sa kanya kase mahirap na, baka reypin nya pa ako. Haru..dyossss ko!!! virgin pa po ako.

"Anong iniisip mo? Hoy.. hindi kita re-reypin no? Hindi ko type ang mga cup A na tulad mo." nakatingin siya sa dib-dib ko." Madami akong girlfriend mas magaganda pa sayo." Tumingin ako sa dib-dib ko.Hindi kaya ako cup A, Cup B kaya ako.

"Hoy! hindi ako cup A...no?"

"Sakay na..Wag ka ng mag-inarte dyan. Or else gusto mong matulog sa kalye."

Tumingin ako sa paligid, madilim na nga at  lumalalim na ang gabi.Kaya napilitan akong sumama sa kanya.Nang makarating kami sa bahay niya ay humanga ako sa ganda ng kanyang condo unit.

"Simple lang ang magiging trabaho mo dito sa bahay.Kailangan handa na ang breakfast ko ng seven,maliwanag ba yun?"

"Talaga bang dapat ganun kaaga?"

"Oo" sagot niya.


"Ibig sabihin kailangan 6 am gising na ako, Hindi ko kayang gumising ng ganun kaaga."

"Eh, Ano naman ngayon? Problema mo na yun. Ayokong makakakita ako dito ng kahit anong dumi at kalat kaya pagbutihin mo ang trabaho mo ha." tumango lang ako."At eto ang pinakatandaan mo.Ang importante sa akin ay ang privacy!"

"Pareho pala tayo!" sagot ko.

"Dahil magkakasama tayo sa iisang bahay, siguradong maiilang tayo sa isa't-isa. Kaya kung pwede,wag kang lalabas ng kwarto hanngga't hindi kita tinatawag. At pag lumabag ka sa mga rules ko palalayasin kita dito sa bahay ko. Maliwanag ba yun?"

I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon