ILYMA#11

485 12 5
                                    

*Lawrence Pov.*

Paalis na sana ako para pumunta sa office ng maisipan kong tawagan si Audrey.Miss ko na talaga siya.Nag ring ang phone ngunit parang sa malapit ko lang naririnig ang ring ng telepono.Kaya hinanap ko ang pinanggagalingan ng tunog.Pumasok ako sa dating kwartong inakupa ni Audrey at nakita ko duon ang celphone.Iniwan pala niya ang phone na bigay ko sa kanya.Siguro pupuntahan ko na lang siya sa bake shop na pinagtatrabahuhan niya or sa University na pinapasukan niya.Tumuloy na ako sa office para mag trabaho.

"Good morning sir!"  bati ni Gwenneth ang secretary ko.

"Good morning!" sagot ko sa kanya.

"Ah sir, may meatting po kayo kay Mr.Gonzalez 11:00 am, then mamayang 2:00 pm may meatting po ang board sa club house po." sabi ni Gwenneth.

"Okey!" papasok na sana ako sa aking executive room ng tinawag ako ni Gwenneth.

"Ahmm.. Sir Lawrence nasa loob nga po pala si Ma'am Sharmaine, hinihintay kayo."

"Kanina pa ba siya?" tanong ko.

"Ah.. hindi naman po, halos magkasunod lang po kayo."tumango lang ako tapos pumasok na ako sa loob

"Hi...Lawrence." tumayo si Sharmaine tapos humalik siya sa pisngi ko.

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya

"Hindi naman." sagot niya.

Umupo na ako sa aking swivel chair.Si sharmaine naman ay umupo sa upuang nasa harap ng office table ko.

"So anong kelangan mo?"  tanong ko sa kanya.

Nag buntong hininga muna siya bago nagsalita."Mahihirapan yata akong humingi ng tawad sayo." malungkot siyang nakatingin sa akin.

"Ano ka ba wag mo ngang sabihin yan, you don't need to say sorry dahil wala kang kasalanan." nakangiting sagot ko.

"Pwede ba tayong mag lunch mamaya?" tanong niya.

Kinuha ko ang telepono at tinawagan ko si Gwenneth."Gwen, paki cancelled mo ang meatting ko kay Mr.Gonsalez, may pupuntahan ako mamaya."

"Okey Sir, ako na pong bahalang tumawag kay Sir Gonzalez." sagot ni Gwenneth.

Matyagang nag hintay si Sharmaine sa akin, hanggang sa dumating ang lunch time.Pumunta kami sa isang restaurant na malapit lang sa office ko.

"May sasabihin ako sayo?" sabi niya nung maka upo kami.

"Ako rin!" sabi ko.

"So sinong gusto mong mauna?" Sabay na tanong namin sa isa't isa.

"Sige ikaw na." sabi ko.

"Lawrence pwede bang ibalik natin yung dati? Nung tayong dalawa pa.Lawrence mahal pa rin kita, at wala akong ibang minahal kung hindi ikaw lang."

"I'm sorry Sharmaine, pero ayaw kong maging unfair sayo.Ang totoo kase, may iba na akong mahal."

"Alam ko kung bakit mo sinasabi sa akin yan ngayon.Para lumayo ako sayo diba? Pero mahal kita Lawrence at hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.Kaya nga pinilit ko sina mommy na umuwi na kami ng Pilipinas, dahil hindi ko kayang malayo sayo." halos maluha si Sharmaine habang sinasabi niya yun.

"Sharmaine, unawain mo sana ako, bilang kaibigan na lang ang nararamdaman ko para sayo.Iba na ang itinitibok ng puso ko ngayon.Si audrey na ang mahal ko." sagot ko sa kanya.

I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon