ILYMA#14

504 21 27
                                    



*Audrey's Pov*

Nasa Quarters kami ni Wendy at naghihintay lang kami ng tawag mula sa mga amo namin.

"Audrey nakita mo na ba yung bagong manager natin?" tanong sa akin ni Wendy.

"Hindi pa! Pero balita ko gwapo daw, totoo ba yun Wendy?" sagot ko.

"Siya na yata ang prince charming ko!" tila kinikilig si Wendy habang sinasabi yun.

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Libre ang mangarap noh! Bakit hindi mo kaya subukan? Sabagay hindi mo na kaylangan mangarap, kase mukhang gustong-gusto ka ni Sir Stanlley, mayaman na gwapo pa,may pagka Badboy nga lang, pero mukha namang mabait na s'ya ngayon.

Kring!!!   kring!!!!  kring!!!

"Teka lang Wendy, tumatawag si Sir Stanlley." binuksan ko ang phone ko at sinagot ang tawag."Hello sir Stanlley!"

"Pumunta ka dito may sasabihin ako sayo." pagtapos nun ay ini off na niya ang phone.Nagpaalam ako kay Wendy at pumunta na sa kwarto ni Sir Stanlley.

" Bakit mo ako pinatawag?" tanong ko sa kanya.

"Buti naman hindi mo na ako tinatawag na Sir." ngumiti ako sa sinabi niya."Mas maganda ka talaga kapag ngumingiti ka."

"Ikaw talaga, sabihin mo na kung ano ang ipag-uutos mo para makapaglinis na ako dito." sagot ko sa mga hirit niyang pambobola.


"Sorry!" sabi niya na nakatitig sa mga mata ko,na concious tuloy ako.

"Marunong ka ng mag sorry ngayon? Nagbago ka na yata." nakangiting biro ko sa kanya.

"Wag mo naman akong purihin ng ganyan, nahihiya na ako."

"Bakit mo nga pala ako pinatawag?" tanong ko uli sa kanya.

"Maupo ka muna!" utos niya sa akin, Kaya pumunta ako sa sofa at umupo, si Stanlley naman ay umupo sa sofang katapat ng inuupuan ko.

"Naalala mo si Miss Kim? Pinabalik ko na siya sa department niya. Hindi ko lang basta pinirmahan ang papeles niya. Pumunta ako sa kanya at humingi ng tawad. Yun ang klase ng lalaki na gusto mo diba?"

bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko."Bigyan mo ako ng pagkakataon Audrey I want you to be my girlfriend, please say yes."

"Teka lang Stanlley...parang ang bilis naman yata, hindi ba pwedeng mag-isip muna?" kinakabahang sagot ko.


"Okey lang sa akin Audrey, ang importante nasabi ko sayo na mahal kita."

"May sasabihin ka pa ba?  Pwede na ba akong mag-umpisa sa trabaho ko?" tanong ko sa kanya.

"Pwede ka bang sumama sa akin tonight?" tumayo na siya.

"Saan naman?"

"Di ba may utang ka pang  date sa akin? So naisip ko ngayon gabi na lang kita sisingilin."

"Ah ganun ba? San naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Ako ng bahala. Kunin mo yung kahon sa ibabaw ng table tingnan mo kung kasya sayo yung laman nun." itinuro niya ang kahong nakapatong sa center table, kinuha ko iyon at tiningnan ang laman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon