ILYMA#13

443 18 18
                                    


*Lawrence Pov*


"Parang awa mo na Lawrence, nakiki-usap ako sayo bilang isang ina." kausap ko ngayon ang mommy ni Sharmaine.


"Tita sorry po, hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari." nakatungo ako habang sinasabi yun.

Nasa ospital ngayon si Sharmaine at nagkaroon ng mild heart attack. Masyado pala niyang dinamdam ang mga sinabi ko sa kanya the last time we talk. At hinihiling sa akin ngayon ng mommy niya na makipag balikan ako kay Sharmaine, alang-alang sa ikabubuti ng kalagayan ng anak niya.


"May taning na ang buhay ng anak ko, at gusto kong makitang maging maligaya si Sharmaine bago man lang siya mawala sa mundo." halos humagulhol na ang mommy ni Sharmaine, salo ng dalawang kamay niya ang kanyang mukha." Ikaw lang ang makapagpapasaya kay Sharmaine, Lawrence. Kahit lumuhod pa ako sa harap mo gagawin ko, para sa ikaliligaya lang kaisa-isa kong anak."


"Hindi nyo naman po kailangang gawin yun tita."


Masyadong mahirap ang hinihiling niya.Pero hindi naman maaatim ng kalooban ko na ako ang maging dahilan ng maagang pagkamatay ni Sharmaine.Kaya labag man sa kalooban ko gagawin ko yun para lang hindi sumama ang loob niya.


"Sino po ang kamag-anak ng pasyente? Gising na po siya" Sabi ng isang nurse na nag babantay kay Sharmaine. Nasa lobby kase kami ng hospital at duon nag uusap ng mommy ni Sharmaine.


"Ako po ang mommy niya!" sabi ni tita at dali-dali kaming pumasok sa loob ng private room kung saan naka confine si Sharmaine.


"Anak kumusta ka na?" agad na tanong ni tita kay Sharmaine.


"Medyo okey na po ako mommy." mahina ang boses ni Sharmaine."Lawrence nandito ka?" halos maluha-luhang sabi niya.


Lumapit ako kay Sharmaine at hinawakan ang kamay niya.Hinaplos haplos ko iyon."Sharmaine, sorry sa mga nasabi ko sayo noon."


Gumuhit ang payak na ngiti sa maputla niyang labi. At nag-uunahang nalaglag ang luha  sa kanyang mga mata. Ibinigay ko sa kanya ang panyo ko.


"Wag ka ng umiyak, makakasama lalo sayo yan eh. Mas mabuti pa mag pagaling ka.Pag magaling ka na papasyal tayo babawiin natin yung mga panahon na magkalayo tayo." sabi ko sa kanya.Nakita kong tumalikod ang mommy ni Sharmaine, at kitang kita ko ang pag yugyog ng balikat niya.Kahit ayaw niyang ipahalata, alam ko na umiiyak siya.



"Maiwan ko muna kayo Lawrence." medyo paos na ang boses ni tita, dala marahil ng labis na pag-iyak.Pinihit niya ang pinto at tuluyan siyang lumabas.Kaya naiwan kaming dalawa ni Sharmaine sa loob ng kwarto.


"Gusto mo ba ng prutas? Ipag babalat kita." tumango si Sharmaine,kaya kinuha ko ang isang orange at binalatan ko iyon.Isinubo ko kay Sharmaine ang bawat piraso niyon.



Naging masigla si Sharmaine kaya nakalabas din agad siya ng hospital. Mula noon ay lagi ko na siyang dinadalaw sa bahay nila.At paminsan minsan ay dinadala ko sa farm namin sa Tagaytay para maka langhap siya ng sariwang hangin.






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



*Audrey's Pov*


Nakabalik na ako sa trabaho ko, at masayang masaya ako.


"Good morning!" bati ko sa isang empleyado ng hotel. Sa soot niyang uniform ay isa din siya sa mga personal maid doon.



"Hmmp!" ayyy.... ang suplada naman niya, siya na nga yung binati ko, inirapan lang ako.May nasalubong uli ako kaya binati ko uli.


I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon