ILYMA#12

518 18 11
                                    

*Stanlley's Pov*

"Sino ka? Bakit ikaw ang naglilinis ng kwarto ko? "  tanong ko sa isang maid na naabutan kong naglilinis ng room ko.

"Ako po si Wendy sir,ako po muna ang naka assigned para pansamantalang maging personal maid ninyo." sagot niya.

"Bakit,nasaan ba si Audrey?

"Hindi po pumasok eh, umuwi po siya ng probinsya." sagot niya,habang tuloy, tuloy lang siya sa paglilinis.

"Alam mo ba kung saan ang probinsya niya?"

"Sa Montebella po." sagot ng maid.

"Montebella? malayo ba yon?" parang ngayon ko lang kase narinig ang name ng province na yun. (imbento lang po ni Author ang Montebella )

"Ang alam ko po malayo po yun." sagot niya.

Agad akong nag search sa enternet at hinanap ang lugar na yun.Inalam ko kung papano ang pag-punta don.At sa 18 hours na byahe narating ko din ang probinsya ni Audrey.Natagalan kase ako dahil muntik pa akong maligaw.At dahil sa dala kong mapa at pagtatanong-tanong ay nakarating din ako sa lugar ni Audrey.Napaka ganda ng lugar.Halos kulay green ang nakikita ko sa daan dahil sa dami ng mga puno,may mga burol din akong nakikita.Nag park ako sa tapat ng isang bahay na itinuro sa akin ng pinagtanungan ko kanina.

Pinagmasdan ko ang isang up and down na bahay.Hindi ito kalakihan pero hindi rin naman masayadong maliit.Maayos naman ang pagkakagawa.May mga tanim na halaman sa bakuran.May bakod din itong gawa sa kawayan.Nakita ko ang isang batang babae na naglalaro sa bakuran.Lumapit sa kotse ko ang bata kaya bumaba ako ng sasakyan.

"Sino pong kailangan nyo? parang nagtatakang tanong sa akin ng bata.

"Ah, eh d'yan ba nakatira si Audrey Mendoza?" nakangiting tanong ko sa batang babae.

"Si Ate Audrey po ba? Ah opo dito po siya nakatira, boyfriend ka po ba niya?" namimilog ang matang tanong ng bata.

Natawa ako sa sinabi ng bata, sana nga totoo na lang yung sinabi niya."Ah hindi niya ako boyfriend, kaibigan niya ako."

"Ay! kala ko pa naman may boyfriend na ang ate ko, sayang ang gwapo nyo po kase." nakangusong sabi niya.

"Nakakatuwa ka naman." hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ang kanyang buhok. "Anong pangalan mo?"

"Let-let, sino ba yang kausap mo?" biglang lumabas si Audrey." Sir Stanlley, ano pong ginagawa ninyo dito?" halata ang pagkagulat sa mukha niya.

"Bakit ka umaabsent nang hindi nagpapa-alam?" kunyari galit na tanong ko.

"Let-let pumasok ka muna sa loob."utos ni Audrey sa bata.Pumasok naman ang bata sa loob ng bahay.

Ako naman ay hinila ni Audrey at isinama sa likod bahay nila.Nag lakad lang kami hangang makarating sa ilog.Humanga ako sa ganda ng paligid.Sobra ang tahimik,puro huni lang ng ibon ang naririnig namin.Umupo si Audrey sa isang malaking bato kaya umupo na rin ako malapit sa kanya.

"Pinakinggan ko ang estorya ng buhay mo, kaya ikaw naman ngayon ang makinig sa akin. Mahirap lang kami,at ako lang ang inaasahan ng pamilya ko para makaahon kami sa hirap.Kailangan kong kumayod para makatapos ako ng pag-aaral.Kaya sabihin mo sa akin, papano pa ako makakapag-aral kung masesesante ako?" malungkot ang mukha ni Audrey habang sinasabi yun.

"Audrey may gusto lang akong itanong.Boy friend mo ba si Lawrence?" nag lakas loob na akong itanong iyon sa kanya.

"Hindi!" mabilis na sagot niya.

I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon