ILYMA#7

574 19 6
                                    



Nasa school ako ngayon.Medyo maingay ang mga klassmate ko, wala pa kase ang prof namin.Kaya nung biglang dumating eh nag sibalikan na sa kanya kanyang upuan.

"Okey Class seat down.malapit na ang finals.Kaya kaylangan nyo ng mag pasa ng inyong mga term papper.Mag-aral kayong mabuti, yung mga projects nyo ipasa nyo ng maaga para hindi kayo magka problema ha.." sabi ng prof. namin.

"Yes sir." sabay sabay na sagot namin.

Nag lecture na siya sa amin.Last subject ko na ito at makaka uwi na rin ako.Pagkatapos mag paalam ng profesor namin ay nag kanya kanya na kami ng labas.Mag isa lang ako lagi. Kase naman mga sosyal ang mga klassmate ko at mayayaman.Kaya siguro wala akong ka close kase hindi naman ako mayaman.Kaya lang ako nakapasok sa University na ito ay dahil scholar ako.Nasa gate na ako ng University ng may babaeng humarang sa akin.Mga kaseng idad ko lang siguro siya.

"Miss ikaw ba si Audrey?" Tanong niya sa akin.

"Oo..ako nga..bakit?" tanong ko sa kanya.

"Pinapasundo ka ni Lawrence.Naaksidente kase siya." sagot nung girl.

"Ha?  Asan siya?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Nasa Hospital siya! halika sumama ka sa akin." hinila na nya ako sa kamay at isinama sa kotse niya.Dahil sa labis na pag-aalala kay Lawrence ay agad akong sumama sa kanya.Abot-abot ang kabang nadarama ko.Napansin kong ngumingiti ang babae.

Huminto ang sasakyan sa isang lumang buillding.Tiningnan ko ang paligid mukhang hindi naman hospital iyong kinaroroonan namin.

"Baba! utos sa akin ng babae.

"Asan si Lawrence? Sabi mo nasa Hospital siya?"Tanong ko sa babae.

"Naghihintay siya sayo sa loob, halika na." kinakabahan man ay napilitan akong sumama sa kanya sa loob ng lumang gusali.

"Ang dali mo naman palang utuin." sabi ng babaeng nadatnan namin sa loob ng lumang gusali.

"Scarllet?" nagulat ako dahil sa halip na si Lawrence ay si Scarllet ang nadatngan namin.

"Ako nga...At hindi ko akalain na ganyan ka pala katanga." naka ngiti siya habang sinasabi iyon."Sige itali ninyo yang babaeng yan." utos niya sa dalawang lalaking kasama niya.Hinila nila ako at pinaupo sa silyang nandon.Itinali nila ang dalawang kamay ko sa likod ng upuan.

"Scarllet maawa ka! wag mong gawin sa akin ito.Ano bang kasalanan ko sayo?" kinakabahan na talaga ako sa nangyayari.

"Tinatanong mo pa kung anong kasalanan mo sa akin? Malaki! at gaya ng sinabi ko pagbabayaran nyong dalawa ito ni Lawrence." galit na sabi ni Scarllet.

"Wala naman kaming relasyon ni Lawrence eh!"

"Wag mo akong lokohin sinasabi mo lang yan para pakawalan kita."

"Hindi ko nga siya boyfriend, bakit ba ayaw mong maniwala?  bakit ba ayaw niyang maniwala sa akin eh nagsasabi naman ako ng totoo.

"Sinungaling!  manahimik ka d'yan." utos niya sa akin.

"Wag nyo nga ako idamay sa problema nyo ni Lawrence. Hindi ko nga siya boyfriend, maniwala ka sa akin." halos naluluha na ako.


"Masyado kang maingay. Takpan mo ng panyo ang bibig niya." Inutusan niya yung kasama niyang lalaki para takpan yung bibig ko.Kaya ayun hindi na ako makapag salita.


I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon