ILYMA#8

518 16 5
                                    



*Lawrence Pov*

"Ang dami ng pinamili mo." sabi sa akin ni Audrey.Nasa Grocery kase kami ngayon at namimili ng mga dapat lutuin.

"Syempre naman kelangan natin mag celebrate, Kase unang araw ko ngayon sa office." sagot ko sa kanya."Ako ang magluluto ngayon."

"Ows! marunong ka bang mag luto?" tanong ni Audrey.Habang tulak tulak ko ang push cart na puno ng mga pinamili namin.

"Oo naman, Papatikim ko sayo kung gaano ako kasarap magluto." nginitian ko siya tapos kinindatan."Kung may kailangan ka pa pumili ka lang ha, wag kang mahihiya.Lagay mo lang dito sa push cart."

"Wala na, Kompleto naman ng lahat ng kailangan sa kusina eh."sagot ni Audrey.

Pumila na ako sa cashier para bayaran ang pinamili namin.Matapos kong bayaran ay nag pasya na kaming umuwi.Nagulat ako ng pag pasok namin sa bahay ko ay nakita kong naka upo sa sofa si Sharmaine.

"Lawrence nandyan ka na pala." bigla ang kabang bumalot sa katauhan ko.

"Sharmaine.... Kelan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya.

"Kahapon lang, natutuwa naman ako at hindi mo pa rin pala pinapalitan ang password ng  condo  mo. Yun pa rin palang birthday ko ang password nito." nakangiting sabi ni Sharmaine.

"Bakit hindi ka man lang tumawag muna na darating ka pala." tanong ko sa kanya.

"Syempre gusto kitang i surprised.Teka sino siya Lawrence?" nakatingin siya kay Audrey na bitbit ang mga papper bags.

"Siya si Audrey...." lumingon ako kay Audrey.

"Hi.. I'm Audrey, maid niya ako..taga linis ng bahay niya, at taga linis ng kalat niya." inabot niya ang kanang kamay niya kay Sharmaine.

"Hello Audrey! " nakangiting inabot ni Sharmaine ang kamay ni Audrey at nag shakehands sila.

"Audrey!" hinawakan ko si Audrey sa braso.

"Sige po sir pupunta lang po ako sa kitchen, aayusin ko lang ang table para makakain na  kayo

inalis niya ang kamay kong nakahawak sa wrist niya at dumiretso siya sa kusina.

Humarap ako kay Sharmaine at hinila siya sa braso."Halika kailangan natin mag-usap ng masinsinan." inilabas ko si Sharmaine ng condo ko at isinakay sa kotse ko.Wala kaming imikan habang nasa loob ng kotse.

Bumalik sa aking isipan ang mga ala-ala namin ni Sharmaine.Mga masasayang ala-ala namin noong kami pa.Collage ako nuong una ko siyang makita.Mag ka klase kami sa course na Bussiness Management. At seatmate pa kami,matagal ko siyang niligawan bago niya ako sinagot.Masyado siyang tahimik at mahiyain at yun ang nagustuhan ko sa kanya.Masayang-masaya kami noon at nangako kami sa isa't-isa na magpapakasal pag katapos naming mag-aral.Pero bigla na lang siyang pumunta ng America ng hindi man lang nag paalam.Ni hindi ko alam kung anong dahilan at bigla na lang niya akong iniwan.Kaya naman mula noon hindi na ako nag seryoso sa mga nakarelasyon ko.Pero ngayon bigla na lang siyang bumalik.Ngayong handa ko ng mahalin at buksan ang puso ko para kay Audrey.Bakit ngayon pa siya bumalik? Nalilito tuloy ako, kahit kelan ay hindi nawala sa isip ko si Sharmaine.At ngayong bumalik siya, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya.

Dinala ko si Sharmaine sa isang resort kung saan dati naming pinupuntahan noon. "Bakit ka umalis noon?" Tanong ko sa kanya habang nasa loob pa rin kami ng kotse na naka park lang sa tabi ng dagat.

I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon