ILYMA#2

681 13 5
                                    

*Audrey's Point of view*

Hindi naman ako tanga para ibigay sa kanya ang totoong address ng school na pinapasukan ko. Sinabi ko lang yun para makatakas ako sa kanya. Ang laking halaga ng hinihingi niya sa akin.San naman ako kukuha ng ganon kalaki? Nakarating ako sa dormitoryo na tinutuluyan ko, at sinigurado ko talaga na hindi niya ako nasundan.

"Uy.. Audrey malapit na ang katapusan, siguraduhin mo lang na hindi ka ma le late sa pagbabayad ha ." salubong agad sa akin ng landlady namin.

"Opo!" tumango ako at nagderetso na sa kwarto ko. Bakit ba sunod-sunod ang problemang dumarating sa akin?

Nakita kong nakahiga na si Haydie sa itaas ng double deck sa kwarto namin. Si Haydie ay roommate ko, call center agent siya kaya tulog sa araw at gising sa gabi. Agad kong ihiniga ang pagod kong katawan. Ipinikit ko ang aking mga mata, baka sakali madugtungan yung naudlot kong panaginip kanina.

Naglalakad daw ako sa isang hardin.Ang ganda-ganda ng lugar.Luntian ang mga puno, kulay green ang malawak na damuhan.Iba't-iba ang uri ng mga bulaklak may mga ibon na tila umaawit,ang sarap nilang pakinggan.Lumilipad sa paligid ko ang iba't-ibang kulay ng mga butterfly. Biglang dumating ang aking prinsipe. Ganuon pa rin ang soot niya isang makintab na tela at soot pa rin niya ang kanyang maskara.


Lumapit siya sa akin at kinabig niya ang bewang ko.Habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang kamay ko.Sumayaw kami sa saliw ng isang musika.Ihinilig ko ang mukha ko sa balikat niya ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dib-dib.Tumigil kami sa pagsasayaw at hinawakan niya ang baba ko.

Iniangat niya ang mukha ko at sinalikop ng labi niya ang labi ko.Naglakbay ang dila niya sa loob ng bibig ko.Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pareho kaming humihingal.Hinawakan ko ang maskarang nakatakip sa mukha niya gusto kong tanggalin ang maskara niya.Sigurado ako na gwapo ang mukhang nasa loob ng maskarang iyon.

"kring.....kring......kring....."

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Opo may celphone ako lumang modelo nga lang. Sinabi ko lang dun sa mayabang na yun na wala akong celphone, para hindi niya ako masingil dun sa sira ng kotse niya.

"Ano ba Audrey.. sagutin mo na yung phone, naaabala tulog ko eh." Dumungaw sa akin si Haydie, tapos bumalik na uli siya sa pagkakahiga niya.Kinuha ko ang celphone ko sa bag, ini onn ko ang receiver niyon.

"Hello...Ma.''

"Anak kumusta ka na? Nag-aalala ako para sayo."

"Okey lang ako Ma. kumusta na kayo?"

"Okey lang kami anak, wag mo kaming alalahanin dito.Kami nga ang nag-aalala sayo hindi kami sanay ng malayo ka sa amin.
"

"Ma wag na  po kayong mag-alala sa akin,okey lang talaga ako dito.Konting tiis na lang.Pag nakatapos ako ng pag-aaral makakatulong na rin ako sa inyo."

"Anak pag may problema ka wag kang mahihiyang magsabi sa amin ha." ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni mama.

"Opo ma."   nagpaalam na si mama at ibinaba ko na ang phone ko.Na mimiss ko na sila mama at papa pati ang kapatid ko.Nasa probinsya kase sila at ako lang ang nandito sa Manila.

Kinabukasan inuna ko ang paghahanap ng trabaho.Pumunta ako sa mga fastfood, super market at iba pang stablishment at nagpasa ako ng resume nagbakasakali na baka pwede akong mag part time job sa kanila. Sa isang bake shop swerte akong natanggap.Pwede na daw akong mag umpisa. Pumayag sila na mag tatrabaho lang ako dun ng apat na oras sa isang araw.Dahil nga nag-aaral ako.

I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon