ILYMA#6

559 19 10
                                    

Gabi na ng makarating kami sa Bar kung saan ginanap ang party. Birthday daw nung isang friend ni Lawrence. Kung hindi lang malaki ang utang ko sa lalaking ito hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.Ang ingay-ingay sa bar at ang dilim-dilim pa.Nakakahilo ang iba't ibang kulay ng mga ilaw.May mga sumasayaw sa dance floor.Puro mga sosyal at mayayaman lang yata ang mga tao  dito.

"Pare, ganda ng date mo ah!" narinig kong sabi nung isang guy na bumati kay Lawrence.Ngumiti lang si Lawrence at ininom ang alak na nasa basong hawak niya.

"Gusto mo?" tanong niya sa akin at inabot ang isang wine glass na may lamang alak.

"Naku.. wag na.. hindi ako umiinom ng alak."  sunod-sunod na iling ko.

"Red wine lang ito, hindi ka malalasing dito, tikman mo." sabi ni Lawrence sa akin.Kaya  kinuha ko na  yung baso na may lamang kulay red na inumin.Mukha naman kaseng masarap eh.Kaya ininom ko na, medyo mapait pala.Biglang uminit ang pakiramdam ko.

"Ah Lawrence san ba ang CR? Kaylangan ko lang kase mag banyo." Dahilan ko lang yun para makaalis sa mausok na lugar na yun.Sobra din kaseng ingay parang lalo akong mahihilo pag hindi pa ako umalis dito.


"Samahan na kita."  Sabi ni Lawrence.


"Ah wag na ituro mo na lang sa akin." sagot ko, at itinuro naman niya yung daan papunta sa Cr.Pumunta ako dun at nag pahinga ng konti.


Tapos lumabas na ako ng bar.Hindi naman siguro magagalit si Lawrence kung iwan ko siya sa loob.Dun na lang siguro ako mag hihintay sa parking area.Hinanap ko ang kotse ni Lawrence at madali ko naman iyong nakita.May malapit na bench dun.Tamang tama dun na lang muna ako maghihintay.Pumunta ako sa bench  at umupo, tanaw ko naman ang kotse ni Lawrence kaya sigurado ako na makikita ko siya pag pumunta siya sa kotse.

"Hi! " narinig kong may nagsalita sa harapan ko kaya tumingala ako para tingnan kung sino ang nagsalita.At na humanga  ako sa nakita kong isang gwapong lalaki na nasa harapan ko.Nakatitig lang ako sa kanya.

"I'm Stanlley" nilahad niya ang palad niya sa akin, tanda na gusto niyang makipagkilala.

"I'm Audrey....Audrey Mindoza." sagot ko na parang nahihiya.

"Nice to meet you Audrey." kinuha niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa mga labi niya.He gently kissed the back of my hand.

"Ahh... yung kamay ko." hinila ko yung kamay ko, nakakahiya ngayon lang kase may gumawa sa akin ng ganon parang kinilig ako.

"Bakit nag-iisa ka lang?" tanong niya sa akin.

"Ahmm..may kasama ako, nandun sa loob." sagot ko.

"Pag kasing  ganda mo ang kasama ko hindi ko hahayaang malayo sa tabi ko." nakatingin siya sa mukha ko habang sinasabi yun.

Awkward..filling..  Natahimik ako  hindi ko kase alam ang sasabihin ko.

"So...Audrey, how old are you?" tanong niya.

"Eighteen." sagot ko.

Madami pa kaming napag kwentuhan.Nang bigla na lang kami nakarinig ng isang ingay, parang Lover's Quarell yata.

"Lawrence hindi mo pwedeng gawin sakin ito.!" narinig kong sigaw nung babae."Ano bang problema mo sakin Lawrence?"

"Walang problema sa iyo... Basta isang araw nagising na lang ako na ayoko na Scarllet." So siya pala si Scarllet.Maganda naman siya at ang kinis-kinis ng kutis.Para siyang  artista.Ano pa kayang ini aayaw ni Lawrence sa kanya?

I Love You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon