Chapter 1: German Cut

9.7K 215 38
                                    

Chapter 1: German Cut

KAPAG SINABING "GERMAN CUT", ano ang unang pumapasok sa isip ninyo?

>_<

Well bahala kayo, pero sa kwentong ito, ang German Cut ay ang kilalang beauty salon chain na pagmamay-ari ng ating bida. Hehehe. Kala nyo kung ano na no? Ito ang front niya para hindi maisip ng mga tao na isa siyang secret agent.

^_^;

Ang hotness fafa na bida natin ay isang half-German, half-Filipino, pero Pinay na Pinay sa puso't diwa. Siya si Perry Haschwald -- anak ng nasirang si Geron Haschwald: ang kilalang one of the best scientists in the whole wide universe. Marami siyang naimbentong mga kakaibang gamit na nakatulong upang pagaangin ang pamumuhay ng mga tao. Karamihan din sa mga imbensiyon ni Geron ay ipinapagamit niya sa pulisya para mapadali ang kanilang mga misyon. Ang ina naman ni Perry ay si Juliana Araneta de Zobel y Rockefeller -- nagmula siya sa napakayamang angkan, at ginagamit nila ang kanilang yaman upang tumulong sa mga nangangailangan.

Kaya lang, sa hindi inaasahang pagkakataon ay maagang nawala ang mga magulang ni Perry. Bata pa noon si Perry, at papauwi na silang galing sa kaniyang ballet recital, nang harangin sila ng mga masasamang loob. Ang sabi ay hold-up lang pero matapos makuha ng mga tulisan ang kailangan nila ay pinagbabaril nila ang mga magulang ni Perry, kaya maagang naulila ang ating bida. Nabuhay lamang si Perry dahil iniharang ng mga parents niya ang kanilang katawan para hindi siya tamaan ng bala. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga pumatay sa mga magulang ni Perry. Napaka-ironic dahil hindi man lang nakatulong ang mga imbensiyon ng ama niya, ni ang yaman ng ina niya upang maresolba ang kaso. T_T

Simula noon ay lumaki si Perry sa pag-aalaga ng kaniyang tiyuhin - slash - tiyahin na si Donovan Haschwald -- isang kilalang hairdresser and at the same time ay world champion UFC figther - Bongga! *\(^o^)/*

Siya ang nagsanay kay Perry upang maging mahusay sa pag-aayos ng buhok, at maging eksperto sa pakikipaglaban. Sinigurado kasi ni Donovan na makakayanang ipagtanggol ng pamangkin niya ang sarili sa sandaling siya ay magipit.

Bukod pa dito ay siya rin ang napagkatiwalaang mangalaga sa kayamanan ni Juliana hanggang sa mailipat ito sa pangalan ni Perry. Ganon din naman ang mga imbensiyon ni Geron -- ibinigay din ito kay Perry pagdating niya sa tamang edad. Kaya naman ng mag-eighteen si Perry ay tuluyan nang nailipat sa kaniya ang kayamanan ng kaniyang ina, at ipinasa na sa kaniya ni Donovan ang mga imbensiyon ng kaniyang ama na sadyang ginawa para sa kaniya:

Una -- ang kaniyang chameleon armour suit: ito ay isang uri ng damit na sumusukat sa kahit sinong magsusuot nito. May kakayahan itong protektahan ang may suot laban sa mga bala ng baril, at kaya rin nitong magpalit ng disenyo, pipili ka lang sa mga available designs na naka-upload dito. Kung naalala nyo, catwoman ang peg na napili ni Perry sa huling mission nya.

Ikalawa -- si G.U.R.L. (Geron's Uber Rescue Lamborghini): Nakilala niyo na si GURL dahil nag first appearance na siya sa prologue. Siya lang naman ang super car ni Perry. Sa dami ng kaya niyang gawin, hindi siya mauubusan ng sampol pag naging hurado siya sa Showtime ^_____^V -piz men! hehe

Agent Bexxx 69 and the Missing VarsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon