Chapter 14: The Chameleon Armour Suit War (part 1)
PARANG may kung anong sumabog nang salagin ni Don Jaime Forteza ang suntok na pinawalan ni Agent Bexxx 69. Hindi rin inasahan ng kalaban ang biglaang paglakas ng secret agent. Ang kanina'ng unkabogable mestizo ay tumalsik ng ilang metro at sa wakas ay nakaramdam din ng sakit ng katawan.
"Agent Bexxx 69!" Bulyaw ni Don Jaime habang dahan-dahang bumabangon, "Perry Haschwald! Bakit hindi ko naisip na ikaw yan?"
"Don't worry, Don Jaime. It's a tie: hindi ko rin naman inakala na magagawa mong ipapatay ang mga magulang ko!"
"Hmp! Siguro naman ngayon ay naisip mo na na kaya rin kitang iligpit?"
"Feel free to try! Tingnan natin kung may laban ka pa sa Ultimate Form ko!"
Ang Chameleon Armour Suit Ultimate Form ay ang powered-up level ng normal na suit na ginagamit ni Agent Bexxx 69. Taliwas sa mga flambouyant at posh designs ng mga regular forms nito, ang Ultimate Form ay simple lang: black coat, black shorts, boots, and battle gauntlets, wala ng maskara!
Sa Ultimate Form, wala nang itinatago ang ating bida. At sa kabila ng pagiging simple, ang speed at attack level ng nagsusuot nito ay exponentially amplified! (oh my god, that English is so deep I cannot swim!)
Let me explain Exponential Amplification in simple terms: it means na ang increase ay higit pa sa doble! Kung dati, ang power level ng Chameleon Armour Suit ay 100%, hindi ito nag 200% sa Ultimate Form; bagkus ay nag 10,000% ito. In short, exponential increase means 100% x 100%! PAK NA PAK!!!
"Magaling, magaling, magaling!" Pang-aasar ni Don Jaime. "Akala mo siguro ay mananalo ka na dahil nag-upgrade ka ng suit mo? Hindi mo ba naisip na baka kaya ko ring mag level up?"
"Alam kong wala na'ng ilalakas pa ang Dragon Suit mo. Prototype lang yan ng Chameleon Armour Suit kaya lahat ng upgrades nasa akin na. Kumbaga sa cellphone, Nokia 50/50 ka lang, iPhone plus plus plus ako!"
"E di wow!" 0_o
Iyon lang at may pinindot na buton si Don Jaime sa kaniyang Dragon Suit, at ang Maleficent costume ay unti-unting nagpalit anyo: ang mga sungay at buntot ay lalong humaba, at lumapad pa ang kaniyang mga pakpak!
"CHAOS DRAGON!"
Si Don Jaime Forteza ay nawala na sa eksena dahil siya ay nasa loob na ng suit na ngayon ay nasa anyong dragon! Kinokontrol niya ito mula sa loob ng suit.
"BWAHAHAHAHA!" Mala-demonyo ang halakhak ng don mula sa loob ng Chaos Dragon. "Ngayon mo ipakita ang lakas ng Ultimate Form mo laban sa atake ko: CHAOS DRAGON'S FLAMES!"
Mula sa bibig ng Chaos Dragon ay bumuga ang mala-impyernong apoy at derecho ito kay Agent Bexxx 69. Mabuti na lamang at mabilis ding nakailag ang secret agent. Lamang ay hindi siya nakalayo ng husto dahil hindi niya napansin ang hagupit ng buntot ng dragon. Siya naman ngayon ang talsik sa di kalayuan at tila nawalan ng malay.
"Awww, nasaktan ka ba, Perry?" Mapang-asar ang tono ng don. "Nakapag decide na kasi ako na killing me softly ang magiging drama mo. Magmamakaawa ka pero hindi kita agad tatapusin!"
Lumapit ang Chaos Dragon at dinampot ng buntot si Agent Bexxx 69 upang itapat sa mukha nito. Muling bumuka ang bibig ng dragon upang muling magbuga ng apoy pero saka biglang dumilat ang secret agent at mabilis na hinablot ang tubo sa lalamunan ng dragon na siyang daanan ng gasolina at apoy.
Dahil sa slight malfunction ay nadistract si Don Jaime at nawalan siya ng control sa buntot ng dragon kaya nakawala si Agent Bexxx 69. Sinubukan pang tumakas ng Chaos Dragon: ibinuka nito ang kaniyang malalapad na pakpak at nagsimula itong lumipad palayo sa secret agent.
BINABASA MO ANG
Agent Bexxx 69 and the Missing Varsities
AdventureChampionship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan ay bumibiyahe patungo sa sports venue, misteryosong nawala ang mga ito, sakay ang kanilang mga manlalaro. Sa mga ganitong uri ng kaso ay hu...