Chapter 12: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 3)
"Lagi mo to'ng tatandaan, Perry," ani Donovan sa kaniyang pamangkin na napaupo sa sahig. "kapag hindi stable and stance mo, madali ka maitutumba ng kalaban mo." Iniabot niya ang kamay kay Perry upang tulungan itong bumangon.
"Uncle Donovan," sagot ni Perry nang makabangon na ito. "malinis yung throw na yun. Gawin mo ulit, this time hindi ka na mananalo sa'kin, haha!"
"Let's see."
Sumugod muli si Perry kay Donovan at isang malakas na kalabog ang minsan pang umalingawngaw sa loob ng training room.
"Bangon!"
Bangon...
Bangon...
Bangon...
Nagmulat ng mata si Agent Bexxx 69 at marahang sinapo ang kaniyang ulo. Malakas ang pagkakahagis sa kaniya ng kalaban na nasa harapan niya ngayon. Nasa ikatlong hangar siya at kasalukuyan nang napapalaban.
"Bakit?" Tanong ni Agent Bexxx sa kalaban. "Bakit ka pumanig sa kanila, XIAN LI?!"
Napangisi si Xian Li. "Ang tanong: bakit hindi mo naisip na isa ako sa kanila?"
Hindi makasagot si Agent Bexxx 69. Dahan-dahan siyang bumangon at pilit pinagtagpi-tagpi ang sitwasyon: sa lahat ng oras na magkasama sila ni Xian Li, wala siyang nakita kung hindi ang pagiging lampain nito (sayang nga eh, cute pa naman kasi). Pero ngayon, ang lampaing binata ay isang master class na Jujitsuu fighter.
"Agent Bexxx 69," pagpapatuloy ni Xian Li "sana'y hindi ka na lang nakialam. Dahil kasi sa'yo ay kinailangan naming madaliin ang pagi-export sa mga varsities. Noong araw na matuklasan mo na may isa pang estudyanteng nakatakas sa kabilang bus, naisip ko na madali mo na'ng matutukoy kung sino ang estudyanteng iyon. At sa oras na malaman mo'ng sugo ito ng kalaban, baka maisip mo na rin na sugo ako ng kalaban. Kinailangang makalayo ako kaya nagkunwari akong nadukot na rin."
"Xian Li," Gustong maluha ni Agent Bexxx 69. "pwede ka'ng tumayo as state witness. Ituro mo kung sino ang mastermind sa kidnapping na'to. Hindi ka madadamay sa kaso."
"Sinusubukan mo ba akong iligtas?" Tanong ni Xian Li. "Bakit? Dahil ba in-love ka na sa'kin, Perry Haschwald alias Agent Bexxx 69!"
[play thunder and lightning effects]
xxxxxx Balik muna tayo sa first meeting nina Xian Li at Agent Bexxx 69 xxxxxx
"Mr. Li, my name is Agent Bexxx 69."
Tumingin si Xian Li sa secret agent pero sinigurado din niyang naka-focus ang hawak niyang pusa sa ating bida. Samantala, sa secret hideout naman ng mga kalaban ay busy rin ang mga lola nyo.
"Yo, momma!" Tinawag ni Atcheng the Assassin ang kanilang pinuno. "I'm gettin' live feed from Xian Li!"
"Good job, Xian Li!" Wika ng boss na anino lang ang image. "Atcheng the Assassin, siguraduhin mo na naka-focus si robocat sa mukha ni Agent Bexxx 69. Kating-kati na kong mabuking ang tunay na identity ng echuserang yan!"
Natapos ang interrogation kay Xian Li na nakatitig lamang ang pusa kay Agent Bexxx 69. Sinimulan na nilang i-upload ang still pictures ng detective para sa face matching nito. Lamang, may isa pang feature ang Chameleon Armour Suit: naka-program ang maskara nito na mag-release ng signals para sa tuwing tatamaan ng camera ang detective ay blurred ang mukha niya. At dahil nga encrypted ang image ni Agent Bexxx 69 ay mahihirapan na may makitang match ang kalaban.
"Pwes, i-hack ninyo ang image ni Agent Bexxx 69 para mawala ang filter, getdemit!" Bulyaw ng boss.
Fast forward to many days later...
"Yo, momma!" Bulalas ni Atcheng the Assassin. "I've finally removed the protection and guess who the baby is?"
"Sino?" Tanong ng boss.
"It's the hairstyle diva: Perry Haschwald!"
"Isipin mo nga naman. Sa dinami-rami ng kakalaban sa akin, ikaw pa talaga, Perry Haschwald! Lahat kayo," utos ng boss kila Atcheng the Assassin, Parodia Gosiengfao, at Xian Li. "proceed with OPLAN LAGLAG BEKI!"
xxxxxx Balik tayo sa present xxxxxx
"Shet, Xian Li!" Bulalas ni Agent Bexxx 69. "Ansaket-saket ng ginawa mo. All along akala ko nagmamahalan tayo! Parang gusto ko tuloy mag-walling dito!"
"Like it's my fault!" Sagot ni Xian Li. "The same, old formula always works: iangat mo muna ang kalaban bago mo ibagsak! Ngayon hindi ka na makakapag-focus sa pakikipaglaban. Kahit ako, kayang-kaya na kitang tapusin sa kalagayan mo'ng iyan. Pero mahigpit ang utos ng boss namin, gusto niya na siya mismo ang tatapos sa'yo."
"Hayup ka, Xian Li! Minahal kita!"
"Whatever, Agent Bexxx 69! Dito ka lang, malapit mo nang makilala ang boss at mastermind sa kasong ito. Iiwan muna kita."
~~~~~~
Samantala, nakarating na sina Solenn H. at Angel L. sa basement ng hangar. Inutusan sila ni Agent Bexxx 69 na mauna na sa paghahanap sa mga varsities nang harangin sila ni Xian Li.
"May gaad, Angel L," bulalas ni Solenn H. "wala na bang ilalakas pa yang ilaw ng flashlight mo?"
"Eh kung kumakain ka kasi ng kalabasa di sana wala kang night blindness!" Sagot ni Angel L.
"Ano'ng magagawa ko eh mas masarap kumain ng talong?"
"Gaga! Haha! Maloloka ako sa'yo!"
"Ssshhhh!!!!" Isinupalpal ni Solenn H. ang kamay nya sa nguso ni Angel L. para tumahimik ito. "Quiet ka teh, may naririnig ako."
"Shet, baka malapit na tayo sa pinagtataguan ng mga varsities."
"Teh, parang hindi varsities ang mahahanap natin, look oh!"
Itinuro nya ang ilaw ng flashlight sa kabilang dulo ng basement. Papalapit ito ng papalapit sa kanila at nang huminto ay nakilala na rin nila sa wakas.
"Ikaw si Xian Li!" Bulalas ni Angel L.
"Wait," si Solenn H. "kung nandito ka, ibig sabihin..."
"Tama kayo." sabat ni Xian Li. "Tapos na'ko kay Agent Bexxx 69, at kayo ang isusunod ko! Sino gusto mauna?"
"BOOM PA-NEXT!"
"Gaga!" Kinutusan ni Angel L si Solenn H.
"Takte, joke lang yun teh!"
"Hoy, chinito!" Bulyaw ni Angel L. "Hindi ang katulad mo ang makakatalo kay Agent Bexxx 69!"
"Tama! Mapapatuwad mo siya pero hindi mo siya mapapataob!"
"Pota ka, Solenn, mag seryoso ka nga!"
"Seryoso naman yun ah."
"Tama na 'yan!" Ani Xian Li. "Pagsasabayin ko na kayo para enjoy!"
At nangyari nga na sa loob ng madilim na basement na kung saan tanging ilaw lang ng mga flashlights ang nakikitang liwanag ay nagsagupaan ang pwersa ng kabutihan at kasamaan!
Malakas at mabilis si Xian Li. Nahihirapang umilag sina Solenn H at Angel L lalo pa nga't madilim. Sabay silang napaatras nang pareho silang tamaan ng tadyak sa sikmura.
"Solenn H," ani Angel L. "kung hindi natin siya makikita ay mahihirapan tayong manalo."
"Ha, eh... Gagamitin ko na ba?"
"Aba'y ano pa nga?"
"Sige..."
Nagsuot ng sunglassess si Angel L kahit na madilim sa basement. Paghahanda pala ito sa gagawin ni Solenn.
"Solenn, are you ready?" Tanong ni Angel L.
"Always!" Sagot ni Solenn H. "KOLGEYT OPTIC WHITE!"
Ngumiti si Solenn ng bonggang-bongga at nakasisilaw na liwanag ang pinawalan ng kaniyang mga ngipin. Sapat ito upang makita ni Angel L ang paligid, at para masilaw si Xian Li.
"Good job, Solenn. Push mo lang yan, ako'ng bahala dito!"
Mabilis na sumugod si Angel L habang hindi pa makakita si Xian Li. "Tikman mo to:" aniya. "The Legal Wife Attack!"
Bugbog sarado si Xian Li sa magkakahalong sampal, tadyak, at sabunot na pinakawalan ni Angel L. Award-winning talaga ang pagkakagulpi nya sa kalaban. Mahilu-mahilo pa ito nang isa pang atake ang pakawalan ni Angel L.
"Hed en Sholder combo!"
Gamit ang mala-Muai Thai na galaw ay solid na siko ang nag landing sa ulo at balikat ni Xian Li. Dahil dito ay nahilo ang kalaban at napaluhod ito sa sahig. Susugod pa sana si Angel L nang muli na namang dumilim.
"Sorry, teh!" Si Solenn H. "Magla-lock jaw na ko kaka full smile eh. Pahinga muna."
"Pambihira ka naman, konti na lang panalo na tayo..." Biglang natigilan si Angel L. "Si Xian Li? Nasaan si Xian Li?"
Hindi na nga nila maaninag sa mahinang ilaw ng flashlight si Xian Li. Walang anu-ano'y may biglang humablot kay Angel L at mabilis siyang nabuwal.
"Ako naman!"
Si Xian Li ang humablot kay Angel L at ngayon ay nasa sahig sila. Sakal-sakal nya si Angel L gamit ang kaniyang mga braso. Naluluha na si Angel L at lumalawit na rin ang dila niya dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kaniya. Walang anu-ano'y may tumadyak sa mukha ni Xian Li. Si Solenn H.
"Langya ka, Xian Li. Kala ko ba pagsasabayin mo kami? Pero dahil one-on-one ang trip mo, tayo ang magtutuos! Tikman mo to: PASHBUK MAKE-OVER ALA MORGUE TECHNIQUE!"
Ito ang special attak ni Solenn H. Sa simula ay aakalain mo na minimake-up an nya ang kalaban dahil sa bawat pagsapak niya kay Xian Li ay may dumidikit na pulbos sa mukha nito. Pero ang bawat pulbos na ginamit niya ay hindi pala basta pulbos:
"Say goodbye to your cute face, chinito! KOLGEYT OPTIC WHITE LEVEL UP!"
Sa muling pag-ngiti ni Solenn H ay nagliwanag muli ang paligid. Maya-maya ay nag concentrate ang liwanag sa kalaban. Nagsimulang lumiyab ang mga pulbos sa mukha ni Xian Li. Pulbura pala ang mga ito at nag react ito sa concentrated heat na nangagaling sa liwanag ng ngipin ni Solenn H.
Nagwala si Xian Li dahil sa sakit ng nasusunog niyang mukha. Pero hindi pa tapos ang atake ni Solenn H.
"LIPBOMB!" Hinagisan ni Solenn H ng tatlong lipbalm sticks ang nagliliyab na mukha ni Xian Li at sumabog ang mga ito.
[Show Solenn in slowmo, walking away habang may sumasabog sa likod niya]
"Taray mo dun, friend!" Masayang sinalubong ni Angel L si Solenn H. "Nasa basement lang tayo pero kailangan talaga may explosion scene ka."
"Of course, sabi ko kay author hindi ako lalabas dito pag wala akong pasabog."
"Bakla, literal na pasabog naman iyong binigay sa'yo."
"Keri na, teh. Di maka move-on!"
Nagsimula na ulit maglakad sina Solenn H at Angel L upang hanapin ang mga varsities. Walang anu-ano'y may humablot sa binti ni Solenn H kaya naman nadapa ito.
"Shet, isa ka pa! Di ka maka move-on!" Pinagsisipa ni Solenn ang humablot sa kaniya: si Xian Li. Wala nang ulo pero gumagana pa rin. Makikita pa ang sparks ng kuryente sa mga wires na nakalawit sa leeg nito.
"Robot siya!" Bulalas ni Angel L.
"Oo, at wala pa siyang balak na ma lowbatt! Gumawa ka ng paraan, teh! Hindi ko pwedeng pasabugin to habang nakakapit sakin!"
"Pahingi ng Lipbomb mo!"
"Bakit?"
"Basta! Akin na yan!" Kinuha ni Angel L ang isang Lipbomb sabay sigaw, "Battle Suit, activate: DARNAAA!!!"
Nagliwanag ang paligid ni Angel L at mabilis niyang hinubad ang kaniyang mga suot. Nang mapawi ang usok ay tumambad nga ang outfit nito na Darna costume. Palakpak naman si Solenn H.
"In fairness, may pa-sabog ka rin!" Pagpupuri nito kay Angel L.
"Ay siyempre, friend. Dapat feel ko rin ang appearance ko dito!"
Mabilis na kumilos si Angel L na ngayon ay naka-Darna outfit na. Hinablot niya si Xian Li at winasiwas saka inihagis sa pader. Sa lakas ng impact ay nagkalasog-lasog na rin sa wakas ang robot na kalaban,
"Apir tayo diyan, friend!"
Nang masigurado na nga nina Angel L at Solenn H na hindi na makakapalag pa ang kalaban ay nagpatuloy sila sa paghahanap sa mga missing varsities. Medyo malawak ang basement kaya may ilang minuto na silang naglalakad at nawawalan na sila ng pag-asa. Nang walang anu-ano'y may tumawag sa kanila.
"Pssst!"
Boses ito ng isang lalake. At hindi lang isa, marami sila.
"Mga sexy, iligtas nyo kami please!"
Nagtitili sa tuwa sina Angel L at Solenn H. Sa wakas ay natagpuan na rin nila ang mga nawawalang estudyante.
"O mga pogi, kalma lang kayo. Ililigtas namin kayo." Ani Angel L.
"At kung gusto nyo kaming pasalamatan," Dagdag ni Solenn H. "ibigay nyo na lang samin ang mga numbers nyo, haha!"
"Bakla ka, umayos ka nga!"
"Charot lang, teh!"
xxxxxx Balikan ulit natin si Agent Bexxx 69 xxxxxx
[Play Basang-Basa sa Ulan by Aegis]
Pinilit na bumangon ni Agent Bexxx 69 kahit na durog na durog ang puso niya ngayon. Kailangan niyang mag focus dahil kung hindi ay mababalewala ang lahat ng pinaghirapan nila kapag naitakas ng mga kidnappers ang mga estudyante. May pinindot siyang buton sa kaniyang Chameleon Armour Suit at nagliwanag ito upang ma-boost ulit ang lakas niya.
"Well, well! What a glitering outfit, Agent Bexxx 69!"
Napukaw ang atensiyon ni Agent Bexxx 69 nang may magsalita mula sa likuran niya. Kahit na madilim sa kinatatayuan nito ay naaninag niya na matangkad ito at may sungay pa. Pinilit niya itong silipin saka siya nagsalita:
Agent Bexxx 69: I know you're there. Don't be afraid.
Mystery Boss: I'm not afraid.
Agent Bexxx 69: Then come out.
Mystery Boss: Then you'll be afraid.
Agent Bexxx 69: I know who you are.
Mystery Boss: Do you?
Agent Bexxx 69: You're my Fairy-Godmother!
Mystery Boss: What?
Tuluyan na ngang iniluwa ng dilim ang nagtatagong kalaban at bumungad kay Agent Bexxx 69 ang isang nilalang na nakasuot ng Maleficent costume.
"IKAW?!" Bulalas ni Agent Bexxx 69 nang makilala ang kalaban.
"Sorry to burst your bubble, Agent Bexxx 69. But I'm not your Fairy-Godmother!"
xxxxxxxxxxxxxx
A/N: Oh diba? Maleficent lang ang peg ng boss. Sa next chapter, mari-reveal na finally kung sino siya. May idea ka? Comment mo kung sino'ng hula mo.
P.S. Vote kayo kung natuwa kayo sa special attacks nina Solenn H at Angel L. Salamat!
BINABASA MO ANG
Agent Bexxx 69 and the Missing Varsities
AdventureChampionship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan ay bumibiyahe patungo sa sports venue, misteryosong nawala ang mga ito, sakay ang kanilang mga manlalaro. Sa mga ganitong uri ng kaso ay hu...