Chapter 13: Agent Bexxx 69: Ang Tunay na Kuwento
xxx ABOUT 10 YEARS AGO xxx
"Geron Haschwald!"
Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa kilalang imbentor na si Geron Haschwald habang papaakyat siya ng entablado. Excited na ang lahat sa kaniyang ipi-presenta: ang kaniyang mga bagong imbensiyon!
Tinapik-tapik ni Geron ang mikropono para siguradong maayos ito, tapos nag clear siya ng throat bago tuluyang nagsalita:
"Magandang gabi!" Panimula ng imbentor. "Ngayong gabi ay ipapakita namin sa inyo ang dalawa sa mga latest inventions namin. Salamat sa pagpopondo ng Rockefeller foundation na pinangungunahan ng aking butihing asawa na si Juliana, nakumpleto na rin namin sa wakas ang mga inventions na ito after six years!"
Muling nagpalakpakan ang mga espesyal na panauhin na nasa bulwagan. Nang mapawi ang ingay ay muling nagsalita si Geron Haschwald:
"Una, ang super police car na tinawag naming UMAK, which is short for..."
"University of Makati?" Sabat ng isang panauhin.
"No, pang emergency siya..." Si Geron.
"Ahhh," banat naman ng isa pa, "Uspital ng Makati!"
"Ah, excuse me," pagsasaway ni Geron. "kotse nga diba? So hindi siya university at lalong hindi uspital! Mali pa pronunciation nyo, maay gaaad!!! Hindi siya Tagalog!"
"Ahhh, alam ko na!" Ani ng isa pang panauhin, "Utumubel ng Makate?"
Facepalm si Geron dun. Hindi nya na-isip na magkakaroon ng battle of the brainless sa gabing ito. Well, anyway, gora tayiz: deadz na ang lolo nyo sa pagka-bubley ng mga chosen na utao detengcor sa boyz avenue na itetchiwang cheena! (translation: well, anyway, moving on: di na pinansin ni Geron ang pagkabobo ng ilang mga tao dito sa venue na to.)
"Ang UMAK," ani Geron, "or ang Uber Motor Anti Kriminalita:t, ay ang crime fighting super car. Fully equipped at ginamitan ng state of the art technology ang system nito. To demonstrate, roll VTR!"
(sign flashing on the big screen: 3D Glasses ON!)
[voice over: "Ang programang ito ay rated SPG: Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lenguahe, Karahasan, Sekswal, Horror, o Droga na hindi angkop sa mga bata.]
Nagsimula nang mag-play ang video sa mala-Fast and the Furious na eksena: hip-hop music playing in the background, camera slowly sweeping on girls in sexy and skimpy outfit. Change scene to show two hunky men getting inside their cars. Change scene to show the cars with their engines starting -- may sexy girl sa harapan nila para magbigay ng go signal. In slow mo, sexy girl waves the flag. Simula na ng drag race!
Mabilis ang pagpapalit ng eksena to show kung gaano kabilis ang takbo ng mga racing cars, hanggang sa mapapadaan sila sa isang kalye na may nakatagong patrol car. Hahabulin sila ng patrol car at tatawag pa ito ng back-up. In a flash, habul-habol na ng limang police cars ang dalawang drag racers. Pero dahil fully equipped at designed to run fast ang mga racing cars, maiiwanan lang nila ang mga police cars.
Ipapakitang magsasabay ang takbo ng dalawang race cars at magkakatinginan ang mga drivers nito at mag-ngingitian dahil natakasan nila ang mga pulis. Pero bigla rin silang mapapahinto dahil may nakaharang sa daraanan nila: ang UMAK!
Madali namang makakabawi ang dalawang drag racers at haharurot sil upang lampasan ang UMAK, subalit sasabayan ng super car ang mga kotse nila kahit na paatras ang andar nito! Mabilis namang pipihit ang dalawang race cars upang bumalik sa pinangalingan nila. At para tuluyang maiwan ang UMAK ay gagamit sila ng boosters. Nagbuga ng apoy ang mga tambutso nila at madali silang nawala sa eksena. Lamang ay hindi magpapakabog ang super car dahil hindi lang isa kung hindi apat ang tambutso nito na nagbuga ng apoy! Ano pa nga at mabilis nitong inabutan at nalampasan ang dalawang race cars! Still motion then may lalabas na caption sa screen: UMAK - speed is unmatched!
BINABASA MO ANG
Agent Bexxx 69 and the Missing Varsities
AdventureChampionship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan ay bumibiyahe patungo sa sports venue, misteryosong nawala ang mga ito, sakay ang kanilang mga manlalaro. Sa mga ganitong uri ng kaso ay hu...