Chapter 2: Basta Pulis, Matulis!

7.7K 219 42
                                    

Chapter 2: Basta Pulis, Matulis!

KATATAPOS pa lamang mag-patrolya noon ng grupo ni Capt. Zach Tagle at pabalik na sana sila sa base nang may madaanan silang komosyon: isang bangko ang kasalukuyang hinoholdap! Afraid!

Mabilis silang rumesponde, at dahil dito ay nabulabog ang party-party ng mga goons na nasa loob ng bangko.

"Mga parekoy!" Umalingawngaw ang boses ng kapitan gamit ang megaphone. "Wala na kayong takas kaya tigilan nyo na yan at sumuko na kayo ng mahinahon. Kapag may inosenteng nasaktan sa mga kalokohan ninyo eh lalo pang titindi ang kaso ninyo."

Sumilip ang isa sa mga holdaper mula sa maliit na siwang ng pinto.

"Gago!" Sigaw nito. "Sino'ng niloko mo? Damay-damay na to!"

Nakarinig sila ng sunud-sunod na putok sa loob ng bangko at mga sigawan. Dito na tuluyang naalarma ang kapitan kaya pinasok na ng grupo niya ang bangko. Subalit laking gulat nila dahil nang makapasok sila sa loob ay wala ng malay ang mga holdaper, at ligtas na magkakasama sa isang sulok ang mga biktima.

Mabilis silang kumilos upang arestuhin ang mga holdaper, at ilabas sa crime scene ang mga victims. Pero nagtataka pa rin ang pulisya: sino ang tumalo sa mga tulisan?

Hanggang sa gumabi at nakauwi na si Capt. Tagle ay palaisipan pa rin sa kanya ang lahat. Ba naman ay walang maalala ang mga biktima, maging ang mga holdaper sa nangyari. Maging ang CCTV ay wala ring nairekord.

Nagyoyosi noon si Capt. Tagle sa terasa ng bachelor's pad niya nang walang anu-ano'y may tumapik sa likod niya kaya bigla siyang napapihit. Laking gulat niya nang sa pagpihit niya ay bumulaga sa kaniya ang isang nilalang na nakasuot ng black and spiked Lady Gaga outfit. May suot itong napakalaking sunglass kaya hindi na niya maaninag ang mukha nito (Wala nang magri-reak. Kuwento lang to, mga teh. Haha.)

"S-sino ka?" Tanong ng kapitan sa tao'ng nasa harapan niya.

"Ako si..."

"Saan ka dumaan?"

"Diyan sa..."

"Bakit hindi ko man lang namalayan ang pagdating mo?"

"Dahil anlalim ng iniisip..."

"SUMAGOT KA!!!" 

"PUTANG INA!!! Pano ako sasagot? Naka-unli ka?! 'Nyeta toh."

Natigilan ang kapitan dahil mas malaki pa sa boses niya ang tinig ng kaniyang misteryosong bisita. Kinuha nito ang yosing hawak niya. Humithit. Nasamid. Naibuga ang usok ng walang poise. Nang makahinga ng maluwag ay nagsalita itong muli.

"Tawagin mo akong Agent Bexxx 69" Wika ng lalaking naka Lady Gaga outfit. "At gusto kong makipagtulungan sa pulisya sa pagresolba ng mga krimen sa pamamagitan mo."

"Agent Bexxx 69? Kakaibang code name... Pero bakit ako ang napili mo?"

"Dahil yummy ka. Choz! ^_^v . Nakita ko ang kagitingan mo sa holdapan kanina at doon pa lang ay alam ko nang mapagkakatiwalaan ka."

"Ibig sabihin ay ikaw yung holdaper?"

***kuliglig sound effects***

"Capt Tagle, cute ka na eh. 'Wag mo nang subukang magpatawa -- awkward lang."

"Haha... pasensiya na." ^_^;

Pumasok ang kapitan sa loob ng kaniyang silid at dumampot ng tuwalya. Nagsimula itong maghubad ng suot niyang T-shirt, pantalon, at brief habang nakatalikod kay Agent Bexxx 69. Dugo tuloy ang ilong ng ating bida sa nasilayan niya -- ang muscles, nagwawala! At ang puwet -- joskoh! Parang pinagbiyak na bola ng basketball sa tambok at pagkabilog! Pakshet na pulis na to -- exhibitionist yata! At parang hindi pa nakuntento ay tumuwad ito upang abutin ang pinakamababang layer ng kaniyang drawer at kumuha doon ng pamalit na brief (Fire in the hole!) . Muli siyang nagsalita habang nagtatapis ng tuwalya -- nakatalikod pa rin kay Agent Bexxx 69:

Agent Bexxx 69 and the Missing VarsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon