Chapter 6: Haba ng Hair!
***Sa secret hideout ni Capt. Tagle***
"HINDI PUWEDE!" Obvious ang pagkapikon sa tinig ng yummy policeman na si Capt. Zach Tagle. "Kahit ano'ng sabihin mo, hindi mo pwedeng isali sa misyon ang bounty hunter na yan!"
"Ah, excuse me, your hotness," paningit ni Agent Bexxx 69. "mission ko to kaya may karapatan akong pumili ng kung sino ang isasama ko dito."
"Ah ganon?" Tanong ng kapitan sabay tanggal ng cellphone wristwatch, "Puwes, count me out." Nilapag nito ang gadget sa mesa at mabilis na humakbang palayo.
Nagmamadali namang humabol si Agent Bexxx 69, at nang maabutan ang kapitan ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.
"Kap," ani ng secret agent, "give him a chance. Makakatulong siya sa misyong ito."
"Wala akong tiwala sa kaniya." Sagot ng kapitan. "Ano'ng malay natin kung padala ng kaaway iyan?" Pasimple niyang sinipat ang bounty hunter na tahimik lamang na nakaupo sa isang sulok, tapos ay pabulong na nagsalita kay Agent Bexxx 69. "At isa pa, mukha siyang malibog."
Marahang natawa ang secret agent sa tinuran na iyon ng kapitan. Lakas maka-haba ng hair ng statement na iyon, in ferr!!!
"Hmmm... Selos ka noh?" Sabay kurot ng marahan sa tagiliran ni Capt. Tagle.
Bahagyang namula ang kapitan, pero mabilis din itong nakasagot, "Hindi ako nagseselos! Di hamak namang lamang ako ng limang paligo sa lalakeng yan. Wala lang talaga akong tiwala sa kaniya. Baka madiskaril lang ang misyon kapag nilandi-landi ka niyan!"
"Capt. Tagle, by my standard, yummy ang bounty hunter na yan. Pero hindi ko isusugal ang tagumpay ng misyon na to. Don't worry about me. Ako nga ang dapat mag worry sa'yo dahil inaatake ka na naman ng pagiging exhibitionist mo."
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Capt. Tagle.
"Bukas ang zipper ng pantalon mo. Gusto mo isara ko? :) "
"Naku, huwag na. Ako na lang!"
"So paano? OK na ba tayo sa kaniya?" Tinapunan ni Agent Bexxx 69 ng tingin ang bounty hunter.
Hindi sumagot ang kapitan. Sa halip, tinitigan niya ang bounty hunter at gamit ang dalawang daliri ay itinuro niya ang sarili niyang mga mata, sabay turo sa bounty hunter. Bumalik ito sa mesa upang damputin at muling isuot ang wristwatch cellphone.
"Mukhang OK na nga kami..." nakangiting bulong ni Agent Bexxx 69 sa sarili. Binalingan naman niya ang bounty hunter: "Let's call it a day, bounty hunter. Magkita tayo dito after two days para ipagpatuloy ang investigation."
"Lantis." Wika ng bounty hunter. "Lantis Jakobsen ang tunay kong pangalan." Naglapag ito ng calling card sa mesa at lumabas.
~~~
"SERIOUSLY, boys?" Bulalas ni Agent Bexxx 69 kina Capt. Tagle at Lantis. "Hindi ba kayo titigil? Hindi kasi ako makapag-concentrate sa ginagawa nyo eh!" Sabay pagpag sa kapa ng kaniyang Elsa (Frozen) outfit. And as usual, may suot siyang maskara para hindi ma reveal ang tunay niyang mukha.
Ba naman ay simula nang magkita-kita sila sa secret hideout ng kapitan noong sumunod na araw ay wala ng ginawa ang dalawa kung hindi ang mag-girian kung sino ang tatabi sa secret agent. Inalok na nga sila na pumuwesto sa magkabilang tabi niya pero pareho silang desidido na isa lang ang dapat na katabi ng ating bida. Sa takot na tuluyang mapikon ang secret agent ay pumayag na rin silang umupo sa magkabilang tabi nito. Si Xian naman ay tahimik lamang na nakaupo katabi ng kaniyang mga bodyguards.
Kasalukuyan nilang pinapanuod ang CCTV footage ng kidnapping incident ng dalawang school buses. Medyo natagalan silang ipa-retrieve ang mga ito dahil takot na madamay ang mga may ari ng cameras, hanggang sa wakas ay nakumbinse rin nilang makipag tulungan ang mga ito.
Gaya nga ng nabanggit ni Xian, mukhang OGG nga talaga ang gumawa ng krimen base sa mga nakikita nila sa videos. Subalit napatunayan na ni Agent Bexxx 69 na frame up lamang ito. May ibang puwersa ang kumikilos sa likod ng kasong ito.
"What the???" Sambit ni Agent Bexxx 69. Mabilis niyang dinampot ang remote at ini-rewind ang video footage ng kalabang school nila Xian. "May bumaba rin ng school bus nila bago tuluyang pumasok ang mga kidnappers!" Bumaling siya kay Xian,"Kilala mo ba yan?" Tanong nito habang naka-freeze ang video. Lumapit si Xian sa screen upang makita ng mabuti ang larawan. Pero sa huli, umiling lang ang binata. Sunod na binalingan ng secret agent si Capt. Tagle. "Nasaan ang batang iyan?"
Hindi makapagsalita si Capt. Tagle. Wala siyang idea na may isa pa palang witness. Pero kung sino man ang witness na ito ay hindi na nagpakita sa kanila. Natakot na nga ba ito? Ibig bang sabihin ay mas matapang si Xian dahil nagpasiya itong tumestigo?
"G.U.R.L." Binasag ni Agent Bexxx 69 ang katahimikan sa secret hideout ng kapitan "G.U.R.L., come in!"
[Yes, teh?] tugon ni GURL mula sa cellphone wristwatch ng secret agent.
"May isi-send akong image sayo. I need you to conduct a face search sa data ng university na pinapasukan niya! Alamin mo kung sino siya."
[Keri, teh. Push mo nah!]
Matapos ma capture ang still image ng bata sa kabilang university ay ipinadala agad ito ni Agent Bexxx 69 kay G.U.R.L. Matapos ang ilang minutong paghihintay, muli nang nagsalita ang smart car ng secret agent.
[Teh, patawarin mo ko.] Ani G.U.R.L. [Pero walang ka-match ang picture na pinadala mo.]
"What?" Gulat na tanong ni Agent Bexxx 69. "Imposible yon. Kung estudyante siya, dapat may record siya ng school nila..."
[Maliban na lang kung hindi siya talaga taga doon sa school na iyon.]
"My gosh, GURL!" Sambit ng secret agent. "Smart car ka nga. Puwes, proceed with national search -- at kung wala pa rin, do a worldwide search!"
[Aabutin ng ilang araw iyon.]
"Ayos lang. Ang mahalaga ay mahanap natin iyan. Malaki ang maitutulong niya sa paglutas ng kasong ito." Bumaling naman siya kina Capt Tagle at Lantis. "Let's take a break. Be back after 30 minutes. Na kay GURL lang ako. Don't you dare fight while I'm away."
~~~
HABANG wala si Agent Bexxx 69 ay nagpanagpo naman sa men's toilet sina Capt. Tagle at Lantis. Kasalukuyang umiihi sa urinal ang pulis nang dumating ang bounty hunter. Nagpasiya itong umihi sa katabing urinal.
Sinipat ng kapitan ang junjun ni Lantis habang umiihi ito at di nito maitago ang pag-ngisi. Napansin naman ito ni Lantis kaya sinipat niya rin ang junjun ni Capt Tagle. Palibhasa'y exhibitionist nga ang pulis ay pumihit pa ito upang mas makita ni Lantis ang kaniyang alaga. Medyo nanlumo si Lantis sa kaniyang nakita.
"Sinasabi ko sa'yo," panimula ni Capt. Tagle. "huwag na huwag kang magkakamali ng galaw mo. Kung tanggap ka ni Agent Bexxx 69, puwes hindi ako. Wala akong tiwala sa iyo, Lantis."
"Then, it's a tie!" Sagot naman ni Lantis. "Mas lalo akong walang tiwala sa iyo. Sigurado naman akong ginagamit mo lang si Agent Bexxx 69 para mas mabilis kang umangat sa puwesto."
"And look who's talking?" Banat naman ng pulis. "Last time I checked, ikaw ang gumagamit kay Agent Bexxx 69 para makuha mo ang reward money mo. Huwag mo akong pag-isipan ng masama dahil wagas ang pakikipagtulungan ko sa secret agent."
"Puwes, huwag mo rin akong pag-isipan ng masama. Dahil totoo man na kailangan ko si Agent Bexxx 69 para makuha ang reward money ko, at least hindi ako nagti-take advantage sa kahinaan niya!"
"Bawiin mong sinabi mo!"
"Totoo naman diba? Sa ilang araw na magkakasama tayo, hindi ako bulag para hindi ko mapansin na iba ang pagtrato mo sa kaniya. Para kang selosong boyfriend kung maka-asta! Bakit? Nobyo ka ba ni Agent Bexxx 69?"
"Ano naman sa'yo yun?"
"Big deal iyon dahil kahit ano pa si Agent Bexxx 69, wala kang karapatang paglaruan ang nararamdaman niya para sa'yo!"
Dito na nagpanting ang pandinig ni Capt. Tagle. Dali-dali niyang inayos ang kaniyang pantalon at aktong susugurin na si Lantis, nang bigla namang pumasok si Xian sa eksena.
"Capt. Tagle, hinahanap na po kayo ni Agent Bexxx 69." Wika ng binata.
"Susunod na ako."
Lumabas ang pulis na hindi inaalis ang paningin sa bounty hunter. Si Xian naman ang pumuwesto sa katabing urinal upang umihi. Sinipat ni Lantis ang junjun ng binata at siya naman ang napa-ngisi sa kaniyang nakita.XXXXXXX
The Mummy Returns lang ang peg ko dibah? I'm so sorry kung matagal akong hindi nakapag-update. Ba naman, ang laptop ko, nabakla na -- in other words, bumigay na... TT_TT. Buti na lang bumili ng netbook si jowa... eto muna ang ginagamit ko ngayon. Sana nga mabilhan na siya ng mommy niya ng Macbook para maipana na niya sakin tong netbook na to... haha... Happy reading everyone. Vote naman jan : )
BINABASA MO ANG
Agent Bexxx 69 and the Missing Varsities
AdventureChampionship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan ay bumibiyahe patungo sa sports venue, misteryosong nawala ang mga ito, sakay ang kanilang mga manlalaro. Sa mga ganitong uri ng kaso ay hu...