Chapter 10: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 1)
MATAPOS ang ma-dramang moment ay naghiwa-hiwalay na nga ang tatlong grupo na pinangungunahan nina Capt. Zach Tagle, Lantis Jakobsen, at Agent Bexxx 69. May mahigit tatlumpung minuto na lamang ang nalalabi para mapigilan nila ang pag-alis ng unang private plane.
Sang-ayon sa napag-usapan, ang grupo ni Capt. Tagle ang naka-toka upang harangin ang unang private plane. Samantalang ang pangkat nina Lantis at Agent Bexxx 69 naman ay humayo upang hanapin ang lokasyon ng dalawa pang private planes.
Mabilis na narating ng grupo ni Capt. Tagle ang hangar ng unang private plane (sabi ni Kuya Kim, hangar ang tawag sa garahean ng mga eroplano). Nasa gitna ito ng malawak na lupain na malapit lang sa headquarters nila. Anyway, tahimik ito at halos wala kang makitang aktibidad gayong malapit nang lumipad ang eroplano sa loob nito. Inutusan ng kapitan ang back-up police force na palibutan ang lugar. Si Donovan at si Anne C. naman ay naghanda upang samahan si Capt. Tagle na pasukin ito.
Maingat ang tatlo. Tahimik silang naglakad hanggang sa makalapit na sila sa bukana ng hangar. Matamang nakinig si Donovan sa anumang senyales ng mga nagaganap sa loob subalit napakatahimik nito. Walang anu-ano ay marahang bumukas ang isang pintuan ng hangar at lumabas mula rito ang isang baklitang naka Chinese Opera outfit. Siya ay walang iba kung hindi si Parodia Gosiengfao, level up version!
"Mag-iingat kayo." babala ng kapitan kina Donovan at Anne C. "Iyan ang naka knock-out sa akin nung sugurin niya ang hideout ko!"
"Hoy fafa fulis!" Tinawag ni Parodia si Capt. Tagle. "Hindi ka pa ba nadadala? Matapos kitang jombagin eh rumereturn of the comeback ka pa rin?"
"Pasensiya na," sagot ng kapitan. "hinanap-hanap ko ang carino brutal mo eh!"
"Ganon ba? Ok, faaayn, gagawin ulit natin iyon. Ready ka na ba?"
Humanda na sa pagsalakay si Parodia Gosiengfao subalit mabilis na hinarangan nina Donovan at Anne C. ang kapitan.
"Kami ang harapin mo!" Ani Donovan. "Capt. Tagle, kami na'ng bahala sa baklang siomai na ito. Kailangan mo'ng pakilusin ang police force, at masabihan sina Agent Bexxx 69 at Lantis na puntahan tayo dito. Mukhang natumbok natin ang jakcpot."
"Pero malakas iyan. Kailangan nating magtulong-tulong!"
"Capt. Tagle," sumingit si Anne C. "kung tulong-tulong talaga ang gusto mo, kontakin mo ang iba. Mas lalakas ang pwersa natin."
Tuluyan na ngang nakumbinsi ang kapitan. Gamit ang kaniyang wristwatch cellphone ay sinubukan niyang tawagan si Agent Bexxx 69. Lamang ay may ilang ulit na rin itong hindi sumasagot. At hindi lang iyon. mukhang natunton na nga talaga ng grupo ng kapitan ang hideout ng mga kalaban dahil bukod kay parodia ay may naglabasan ding mga goons sa paligid.
"Ok, boys," ani Parodia sa mga goons. "kayo nang bahala sa mga alipores nila. Nagkalat sila sa paligid so make sure na uubusin niyo sila, malinaw?"
"YES, BOSS PARODIA!" Sabay-sabay na sagot ng mga goons, at nagsimula na rin silang kumalat upang puksain ang police force na back-up nina Capt. Tagle. Ilang saglit pa ay umaalingawngaw na nga ang palitan ng putok sa pagitan ng pulisya at ng mga goons!
Samantala ay nagsimula na si Parodia sa kaniyang pagsalakay. Una niyang tinarget si Donovan. Minsan pa ay ginamit niya ang kaniyang EXO punch. Mabuti na lamang at mabilis si Donovan kaya hindi full force ang tinanggap niya. Gayon pa man ay sapat ang daplis ng suntok ni Parodia upang ma-distract siya kaya naman hindi na siya nakailag nang sundan ni Parodia ng KathNiel kick ang kaniyang pag-atake.
Talsik si Donovan sa lakas ng sipa ni Parodia. Habang pinipilit niyang bumangon ay mabilis naman si Anne C. sa pagsugod sa kalaban. Isang flying kick ang ipinantapat ni Anne C. sa KathNiel kick ni Parodia at in ferr --- magkasinglakas ang sipa nila. Ontoroooy! Napa-atras si Parodia, poise naman si Anne C. nang maglanding siya.
"Ano teh?" Tanong ni Anne C. kay Parodia. "Windang ka ba sa beauty ko?"
"Che!" Sagot ni Parodia. "Huwag kang feeling ah. Hindi pa tapos ang laban. Tingnan natin kung kaya mong tapatan ito: EXO PUNCH!"
Malakas ang suntok na pinakawalan ni Parodia, subalit tinapatan ito ni Anne C. ng isa ring malakas na suntok. Nagsalubong ang kanilang mga kamao at sa lakas ng impact ay gumawa ito ng shockwave at pareho silang tumilapon.
Si Donovan, na ngayon ay naka-recover na, ay mabilis na sinamantala ang pagkakataong ito na mahilu-hilo pa si Parodia. Gamit ang kaniyang kakayahan bilang isang champion UFC fighter ay pinilayan ni Donovan ang kalaban sa pamamagitan ng kaniyang arm-breaker.
Napasigaw sa sobrang sakit si Parodia Gosiengfao. Subalit kahit na hindi na nito maigalaw ang isang braso ay mabilis pa rin itong nakabangon at gamit ang kaniyang werewolf jump ay sinubukan niyang lumayo kay Donovan. Lamang ay nahablot pa rin siya nito at sunod namang pinilay ang kaniyang binti.Desperado nang tumakas si Parodia nang ma-realise niya na malakas si Donovan. Ginamit niya ang kaniyang vampire run para lumayo. Ang pagkakamali niya lamang ay huminto siya malapit kay Anne C. na nakabangon na rin. Huli na upang makaiwas dahil nang humarap siya dito ay isang one-two punch combination ang dumapo sa mukha niya
Ang masakit pa nito, ang one-two punch combination ay ang stage 1 sa special attack ni Anne C --- meaning may kasunod pa: so habang nahihilo si Parodia Gosiengfao sa lakas ng suntok ay nagsimula nang kumanta si Anne C:
"I hear the ticking of the clock; I'm lying here the room's pitch dark..."
Ito ang stage 2 ng special attack ni Anne C. Dito ay mapaparalisa ang kalaban sa oras na marinig ang kaniyang singing-voice. Kung naalala ninyo, si Parodia ay muntik na ring matalo nang gamitan siya ni Diyosa ng slow-clap attack. Mukhang weakness talaga ni Parodia ang mga soundwaves. Pero di tulad ng atake ni Diyosa, mas malakas ang stage 2 attack ni Anne C. kaya hindi makawala si Parodia sa paralysis na dulot ng singing voice nito.
Maya-maya pa ay lumapit na si Anne C. kay Parodia para sa stage 3 --- ang final stage ng special attack niya. Dahil hindi na nga makagalaw ang kalaban ay itinapat na ni Anne C. ang kaniyang bibig sa tenga ni Parodia at bumunghalit:
"TILL NOW, I ALWAYS GOT BY ON MY OWN! I NEVER REALLY CARED UNTIL I MET YOU! AND NOW IT CHILLS ME TO THE BONE! HOW DO I GET YOU ALONE? ALOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOONNNNNNNNNNNNNNNNEEEE!!!!"
Sa lakas ng boses ni Anne C. ay pumutok ang eardrums ni Parodia Gosiengfao, nagdilim ang kaniyang paningin, at tuluyan na ngang nawalan ng malay. Knock-out ang hitad! Winner ang mga lola natin! Bongga!!!
Samantala, si Capt. Tagle na nawala sa eksena habang nakikipaglaban sina Donovan at Anne C. ay kasalukuyan na rin palang nagpapaputok (juice colored! ako na lang ang putukan mo, kap!). Charot lang. Siyempre, nakikipagbarilan na pala ang hotness policeman natin. Ilang saglit pa ay natalo na rin nila ang mga goons. Iyong mga nabuhay, inaresto. Iyong mga na-dedz, ipapakuha na lang nila sa ambulansiya.
Ipinaubaya na ni Capt. Tagle sa lieutenant ang pag-aresto sa mga goons. Siya naman, kasama sina Donovan at Anne C. ay pumasok na sa hangar. Lamang ay laking gulat nila dahil walang eroplano sa loob nito. Ang totoo nyan ay bakante ito. Isang malaking TV screen lamang ang makikita dito. Nang makarating ang tatlo malapit sa TV screen ay biglang sumara ang pintuan ng hangar at bumukas naman ang TV screen. Sumulpot ang anino ng isang lalake.
"Kamusta, Agent Bexxx 69?" Wika ng anino sa TV screen. "I'm sorry to say na wala dito ang mga hinahanap mo. May tatlong private planes na paalis ngayong linggo at lahat iyon ay sa akin. Isa sa kanila ang totoong eroplanong magdadala sa mga missing varsities. At kung inaakala mong ang dalawa ay hindi pa aalis ngayong araw na ito ay nagkakamali ka. Binago namin ang permit at ang totoong eroplano ay lumilipad na sa mga oras na ito! Sorry na lang pero finally ay nabigo ka sa iyong misyon! Dapat nga ay pasalamatan mo pa ako dahil kung hindi nagbigay ng clue ang mga tauhan ko ay hindi mo pa mabubuking ang plano namin. Naging mahina ka Agent Bexxx 69. This time, I win!"
Iyon lang at namatay na ang TV screen. Nagkatinginan sina Capt. Tagle, Donovan, at Anne C.
"Pre-recorded na ang video." Wika ni Donovan. "Dahil kung live iyon, hindi niya tayo tatawaging Agent Bexxx 69. Ibig sabihin ay inaasahan ng kalaban na si Agent Bexxx 69 ang darating dito dahil ang mensaheng iyon ay para sa kaniya."
"Mabuti na lamang pala ay hindi ko sila na-contact." Ani Capt. Tagle. "Dahil kung nagkataon ay pupunta sila rito para sa wala."
"Hindi kaya napapalaban na rin sila ngayon?" Tanong ni Anne C. "Hindi kaya nahanap na nila ang iba pang private planes?"
"Baka ganon na nga." Ani Donovan. "Pero may isang gumugulo sa isip ko: bakit sinabi ng kalaban na 'this time, I win'? Dati na ba niyang nakalaban ang mastermind sa kidnapping incident na to?"
"Pero marami na ang masasamang loob na tinalo ni Agent Bexxx 69." Sagot ni Capt. Tagle. "Sino sa kanila ang nagbabalik ngayon para maghiganti?"
Natahimik silang tatlo. Bigla naman ay nag-ring ang telepono ni Donovan. Tumatawag si Lantis.
"Boss!" ani Lantis. "Boss, madali kayo! Nandito kami sa hangar ng isa pang private plane. May mga kalaban na nagkakampo dito. Mukhang nandito ang mga nakidnap na varsities!"
"Pupunta na kami diyan!" Sagot ni Donovan.
Ibinigay ni Lantis ang kaniyang lokasyon at dali-daling humanap ng daan palabas ang tatlo upang puntahan sila. Nang mga oras na iyon, si Lantis kasama sina Marian R. at Cristine R. ay kasalukuyan na palang nakikipaglaban kay Atcheng the Assassin. At gaya ng nangyari sa grupo nina Capt. Tagle, may back-up ding goons si Atcheng the Assassin upang sugurin ang back-up police ng grupo ni Lantis.
xxxx
A/N: Next chapter si Lantis naman ang lalaban. Kung sa chapter na ito ay nagpakitang gilas si Anne C. gamit ang kaniyang special attack, hintayin ninyo ang kasunod dahil sina Marian R. at Cristine C. naman ang magpapakita ng kakaiba nilang talent para tulungan si Lantis.
Nga pala, salamat sa patuloy ninyong pagbabasa. Gumanda ang ranking ni Agent Bexxx 69 sa Adventure category: from #305, naging #162 siya as of this writing. Di ba ang laking improvement non? Dahil po iyan sa iyong mga Votes or comments! Thank you po : )
BINABASA MO ANG
Agent Bexxx 69 and the Missing Varsities
AventuraChampionship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan ay bumibiyahe patungo sa sports venue, misteryosong nawala ang mga ito, sakay ang kanilang mga manlalaro. Sa mga ganitong uri ng kaso ay hu...