"Continue......
"AHHHHHHHM?
ANAK NG........... KABAYO....?
tili ni venice ng makita niya na my naka silip na isang mukha sa salamin ng kotse niya naka ngiti ito na naka tingin sakanya pilit na sumisilip sa salamin ng kotse. Ng makita niya kung sino ito ay napa hinga na siya ng maluwag.."Baby bakit gising kana.
Panimula ni venice pero naka ngiting aso ang anak niyang lumapit sakanya..
Napa taas naman ang isang kilay ni venice dahil sa ngiti ng anak niya. Pataas taas din ang kilay ng anak niya habang naka tingin sakanya naka yakap parin siya kay kate at malapit ung mukha niya sa mukha ni kate.."Hahaha si "Daddeh mahal si "Mommeh...
Sigaw ng anak niya na nagpaikot ikot pa..
Nap kunot ng kilay si venice dahil sa narinig sa anak sasagot sana siya pero naunahan nanaman siya ng anak."Hehehe "Daddeh mahal mo si "Mommeh no hahalikan mo ehh ang haba ng nguso mo kanina..
Natawang sabi ng anak.. napa kunot lalo ang noo niya dahil hindi niya akalain na nakita ng anak niya ang lahat..Ah ehh hindi ahh my dumi kasi sa mukha ang "Mommeh mo kaya ayon hinipan ko.. para maalis..
Pagdedey ni venice sa anak.. naka ngiting aso naman na tinitigan siya ng anak niya.."Ok?😆
Tipid na sagot ng anak niya matapos siyang titigan agad ng kinuha ng anak niya ung bagnilang dalawa ni kate at naka ngiting umalis na ang anak papasok ng bahay naka tingin lang siya sa anak na papasok sa loob kaya ng mapansin ng anak na hindi pa nasunod si venice ay huminto ito at sumigaw nasa tapat na ito ng pinto."Daddeh lika na ipasok muna si "Mommeh dito baka ikiss mopa si "Mommeh ehh lika na po..
Naka ngiting sigaw ng anak bago pumasok sa loob. Napa ngisi naman si venice sa narinig sa anak pagkatapos niyang tignan ang anak agad siyang lumingon kay kate na tulog na tulog na tulo pa laway walang alam si kate sa nangyayari dahil sa sobrang nilalagnat na siya.. kaya ng buhatin na siya ni venice ay parang napapaso na ito sa init niya..Ay grabe ang init ng mahal ko..
Bulong ni venice habang papasok sila sinata niya ang pinto at domaretso na sa kwarto niya bukas ang pinto nakita niyang todo ayos ng kama ang anak niya nakita niya yung mga unan na inalis ng anak niya un ung nakita niya na naka takip ng kumot kanina..Daddeh ayos napo ung higaan ni "Mommeh ibaba mona po siya nakakakilig po kasi kayo ehhh..
Nakangiting sabi ng anak habang nala upo sa kama. Naka ngising binaba ni venice si kate sa kama.. at tumingin sa anak..Ahm baby alam moba ung ginagamit pag my lagna--------
Naputol ung sasabihin niya ng magsalita ang anak.Ahhh ung pangpunas po pag my lagnat. Ung " Bimpo "Planggana at malamig na tubig. Sige daddehh kokoha po ako non.
Bibong sabi ng anak niya kaya napa ngiti si binis dahil kahit bata pa ang anak ay alam na ito.. agad na tumakbo pababa ang anak niya. Siya naman ay naiwan at lumuhod sa tabi ni kate na naka higa sa kama. Nilapit niya ang mukha niya sa gilid ng mukha ni kate..Ang swerte kopala talaga no dahil ang ganda ng pagpapalaki mo sa anak ko kahit may sakit maganda ang magpapalaki mo sakanya. Bilib na talaga ako sayo kasi kahit ano gagawin mo para sa anak mo akala ko nagpapabigat kalang sa bahay nato pero hindi ko alam na nagtratrabaho kapala tuwing gabi para sa anak mo tapos pag uwi mo dito magtratrabaho kapa ng gawaing bahay. Kaya lalo mong pinapahanga ang puso ko ehh dahil sa ginagawa mo kahit na magka sakit ka mabigyan molang ang anak mo kahit na parang nilalayo kona siya sayo pero nah titiis ka. Kate sana mapadawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo. Dahil hindi ko maamin sayo na mahak kita dahil sa sh*tt na pagkatao kung to ehh sorry kate dapat kupang turoan ang isip ko na mahalin ka natatalo parin kasi ng pagka transformer ko ung puso ko ehh nalilito parin ako kate sana mahintay mo ako.. "Alliyah kate mahal kita.
Bulong niya na naiiyak na naka tungo siya sa kama ng marinig niya ang yabag ng anak ay agad niyang inangat ang ulo niya at pinunasan ang luha at tumayo na parang walang nangyari. Naka tingin lang ang anak niya habang palapit sakanya napa ngiti siya ng makita miyang kompleto ang dala ng anak kaya agad nita itong tinulongan. Nilapag na niya ang planggana sa mini table.. at piniga na niya ang bimpong basa.. tapos kumuha siya ng upoan at umupo doon para punasan si kate naka ngiti parin ang anak niya habang naka tingin sa ginagawa niyang pag pupunas kay kate. Hinahawi pa miya ang buhok niya sa tenga pero ng nainis siya ay agad niya itong tinali para hindi maka sagabal sa ginagawa niya. Ng makita niya na ok na si kate ay napa ngiti siya kung ano ano kasing ginawa niyang pag pupunas dahil naka dress naman ay nagawa niya ng ayos. Ang pag punas sa katawan ni kate sa "Ulo "Leeg " Braso "Hita at " paa paulit ulit niyang ginawa un pero ng alam niya na mainit pa ang katawan ni kate ay walang alinlangan niya itong hinubad ang suot na dress ni kate naka tingin lang ang anak niya sa ginagawa niya.Nakita kona ito ehh kaya ok na sa paningin ko..
Bulong ni venice habang kunokomutan niya si kate. Ng matapos niya itong komutan ay pinag patuloy parin niya ang pagpupunas. Naka upo na siya sa tabi ni kate habang naka tingin siya sa mukha ni kate ay naka ngiti siya na parang kinikilig hawak niya ang kamay nito habang pinupunasan niya ng bimpo. Napa tigil lang ang kilig niya sa ginagawa niya ng bigla ng bumagsak ang anak niya sa kama tulog na pala ito na naka upo.. napa ngiti siya sa nakita niyang pag higa ng anak..Ay ang anak ko manang mana sa ina niya..
Bulong ni venice habang palapit sa anak binitiwan muna niya ang kamay ni kate at pinuhat ang anak niya para maiayos ng higa nilayo niya ang anak kay kate nilagay niya sa dulo dahil ayaw niya na magka sakit din ang anak. Ng maiayos na niya ang anak niya ay bumalik siya sa ginagawa niya.Ayan mahal ok kana ha.
Bulong ni venice hindi niya akalain na nasasabi niya sa isip niya un pero hindi niya masabi ng totoo sa maluwag sa isip niya hindi niya malabas ung totoo.. dahil pagod ay humiga siya sa gitna ng dalawa naka ayos siya ng higa na tila nag iisip."Subokan kuna kaya siyang tanggapin sa isip ko tanggap naman siya ng puso ko ehh. Siguro naman kaya kong turoan ang isip kong mahalin siya. Sana magawa kong mahalin siya ng isip ko.. tatalonin ko tong kalituhan ko tanggap naman niya kung ano ang pagkatao ko ehhh kaya sana matanggap ko rin siya sa buhay ko. Siya lang naman ung taong nagmahal saakin hindi ko alam kung mahal ba talaga ako ng taong pinipilit ko ang sarili ko sakanya tatawag lang naman siya pag my kaylangan siya hindi katulad ng nagmamahal saakin na tong babaeng to hindi ako iniiwan kahit gaano ako kasama sakanya kahit sabihin niya na my kaylangan din siya saakin ginagawa lang naman niya un para sa anak namin ee pero mahal parin niya.. sana magawa ko talaga ito ng tama. Sana hindi na ako magkamali.. sa gagawin kong to..
Bulong ni venice habang naka yakap kay kate na nagawa pang isiksik ang ulo sa leeg ni kate wala talagang alam si kate sa lahat ng nangyayari dahim tulog na tulog siya. Kung ano ano ng pumapasok sa isip ni "Venice.. naka tulog siya na pasikat na ang araw.Itutuloy......
Pa vote at comment nalang po..
Hahaha matanggap na kaya ng isip niya ang lihim na pagmamahal niya kay kate...😄

BINABASA MO ANG
"The LadyBoy "DADDEHHH?
Aléatoire*Vk* Love story Comedy Drama Pano kung hindi mo alam na my anak ka na pala. pero isa kanang Transgender matanggap mo kaya ung bata at ina sa buhay mo..