2nd Shot

294 6 0
                                    



Chapter 2

Naalimpungatan si Fia sa malamig na samyo ng hangin na humahaplos sa kaniyang mukha. Bagaman malamig, napansin niya na tila napakadilim ng silid na kinalalagyan niya. Abot-abot ang malalakas na pagpintig ng puso niyang parang gusto nang kumawala sa kaniyang dibdib sa sobrang kaba.

'Nasaan ba ako?' dismayado pagtataka ni Fia habang hindi makawala sa kinahihigaan. Kahit anong pilit niyang hilahin ang mga kamay ay tila hindi ito makawala sa pagkakagapos. Sinubukan namang niyang igalaw ang mga paa niya; ngunit, katulad kanina'y hindi pa rin niya ito maigalaw. Putangina! Palagi na lang bang ganito ang mangyayari sa akin? Masyado napalalim sa pag-iisip si Fia kaya hindi niya namalayan ang sunod-sunod at malalakas na yabag ng paparating na tao.

Dagliang nanginig ang katawan ni Fia nang bumukas ang pinto sa dakong kaliwa ng silid. Lalo namang lumakas ang pintig ng puso niya nang makita ang malaking bulto na nakatayo sa kabubukas lamang na pintuan. Magsasalita sana siya ngunit walang mamutawing tinig mula sa kaniyang bibig. Mabilis namang kumilos ang mga mata niya nang makaramdam siya ng pagkilos mula sa pigurang nakapagpapakabog ng dibdib niya.

Unti-unti itong lumapit sa kaniya at marahang hinahaplos ang pisngi niya. Hindi niya inaasahan na sunod-sunod ang dagok na darating sa kaniya sa loob lamang ng isang linggo. Una'y napalayas siya sa kaniyang tinitirahan ng wala sa oras tapos ngayon naman ay wala siyang kaide-ideya kung nasaan siya at marahil ay may masama na namang mangyayari sa kaniya. Bumalik siya sa katotohanan nang biglaang tanggalin ng lalaki ang duct tape mula sa pagkakadikit sa kaniyang bibig. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ng lalaki nang paghinangin nito ang kanilang mga labi.

Hindi maipikit ni Fia ang kaniyang mga mata habang pinakikiramdaman ang mga labing ekspertong rumoromansa sa kaniyang mga labi. Wala siyang maramdamang pagtutol sa sarili kahit alam niya sa sarili niyang minomolestya na siya ng taong kadaupang labi niya. Kung kanina ay nilalamig siya, ngayon ay parang init na init siya nang ilapat ng lalaki ang kamay nito sa kaniyang dibdib. Ramdam niya ang milyon-milyong boltaheng dumadaloy sa katawan niya bunsod ng eksperto nitong kamay na naglalakbay sa kaniyang katawan.

"Maawa ka sa'kin, please! A-Ayoko ng ginagawa mo!" Pagmamakaawa niya ngunit ang tanging narinig lamang sa binata ay ang mabilis na pagpapalabas nito ng hininga na ani mo'y nanguuyam. Sa kaniyang pakikiusap ay kabaliktaran ang ginawa nito. Mas lalo itong naging marahas sa ginagawa sa dalaga. Mabilis na kumubabaw ang lalaki sa kaniya at pinigil ang lalo niyang pagpipiglas. 'Diyos ko. Sa inyo ko na po isinasangguni ang buhay ko,' isip niya bago kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigil na kumawala.

Marahas na pinaglandas ng lalaki ang mga kamay nito sa kabuuan ng katawan ni Fia at tumigil sa ibabaw ng kaselanan niya. Sa kaparehong paraan ay pinaikot nito ang hintuturo at gitnang daliri nito sa bahaging iyon. Nanaig kay Fia ang takot na anim na taon na ang nakakalipas noong huli niyang maramdaman. Ang mga gabing hindi siya pinapatulog ng kaniyang mga bangungot ay tila muling naging isang katotohanan sa tagpong ito.

"Nagmamakaawa ako! Itigil mo 'to! Parang awa mo na!" Naghuhumiyaw na si Fia dahil sa halo-halong emosyon na ipinaparanas sa kaniya ng pagkakataon. Natigil sa pag-iyak si Fia nang maramdaman niyang tumigil ang lalaki sa ginagawa. Sa ilang sandali ay parang nabunutan ng tinik si Fia; ngunit, nagsisimula pa lamang pala ang lalaki. May kung anong kinalabit ang lalaki sa gilid nito na naging dahilan upang bumuka ang kaniyang mga hitang kanina lamang ay magkadikit na nakatali. Bumalatay sa mukha ni Fia ang kakaibang takot na siyang ikinangisi ng lapastangan. Ayaw niya nito! Kahit kalian ay hindi niya pinangarap na muling mangyari ito sa kaniya! Ang tagpong ito ay mas malala pa sa kamatayan! Para itong bangungot na patuloy na sumusunod kahit sa paggising.

Dangerous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon