8th Shot

186 4 7
                                    

A/N: Hello! I'm super inspired to write so here you go! And please don't forget to comment on the pace and style of the story! Should I include more English or should it remain in pure Filipino? It would mean a lot, so I can adjust what I can :) Vote and comment! x

PS: I just thought this song's emotion properly fit this story!  

PSS: I dedicate this chapter to her for giving me a huge amount of encouragement! Thanks!

Chapter 8: First

FIA

Tell me how to recover? I've been staring at the white wall in front of me for the nth time. Wala akong maintindihan sa paligid ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga nakakabinging paghalinghing at pagdaing ni Danger. Ang mga binitawan niyang salita na nagpapadala ng kilabot sa buong katawan ko. Paulit-ulit kong naririnig ang mga ito na sanhi ng hirap ko sa pagtulog. Para bang sa bawat pagsara ng mga mata ko ay nakikita ko ang mga walang buhay kong mga mata na nakatitig sa akin pabalik habang inaangkin ako ni Danger. It's as if I was asking myself to be saved from the misery I was experiencing during that time.

Hindi rin ako talaban ng antok dahil sa pakiramdam na tila nasusunog ang balat ko, ang buong katawan ko. Nararamdaman ko pa rin kung paano ako malaswang hinahaplos ng mga kamay ni Danger. I can't seem to discard this feeling lalo na't nagsisimula nang pumasa ang ilang bahagi ng katawan ko. Dagdag pa riyan ay ang tumitibok na sakit ng ulo dahil sa kawalan ng tulog.

"Ate, si Gertrude ito," sambit ng isang malamyos na boses. Ah, Gertrude...

Si Gertrude ang isang kasambahay na palihim na nagmamalasakit sa akin. Nang panawana ko ng ulirat dahil sa ginawa ni Danger, siya ang mabilis na umayuda sa akin. Nilinisan at binihisan niya ako. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito, ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil nariyan siya para hindi ako tuluyang kainin ng mga bangungot ko.

Hindi ko siya nilingon. Gaya nang sinabi ko kanina, nahihirapan ang utak kong prosesuhin ang mga nangyayari sa kapaligiran ko. Everything seemed off to me.

Napakabait kong tao, anak. Ni minsan ay hindi ko sinuway ang mga kagustuhan ng aking mga magulang. Wala akong kinakanting tao. Bakit kung sino pa silang masasama ay sila pa itong nakakaranas ng mga magagandang bagay sa buhay?

"Umiiyak ka na naman," saad niya. Ah. Umiiyak ba ako?

Para akong napaso nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa balikat ko. Tears started coming out of my eyes like a fountain. Palakas nang palakas ang boses ni Danger sa isipan ko. 'Ikaw na ang puta ko sa bahay na 'to...' Hindi. Hindi ako iyon. Hindi ako magiging puta lang ng isang Danger.

"Kumain ka na, Fia. Ilang araw ka na hindi kumakain at natutulog. Maawa ka naman sa sarili mo!" May halong awa at hinagpis ang boses niya.

Ibinaling ko sa kaniya ang mga blangko kong mata. Ano pa ang dahilan ko para magpatuloy? Dapat masaya ako kasi unti-unti nang kinakain ng gutom at pagod ang katawan ko. Makakaalis na din ako dito. Napabuntong-hininga naman si Gertrude sa paraan ng pagtrato ko sa kaniya. Ilang araw na din siyang nagpapabalik-balik sa kwartong inihanda para sa akin. Katamtaman ang hitsura ng silid na ito. Tamang may kama, upuan, aparador, at banyo. Simple lang ito kumpara sa silid ni Danger na naghuhumiyaw ng karangyaan, pero sa kasimplihang ito, kuntento na ako.

"Inumin mo na lang ito at hahayaan na kita dito," sabi niya at ngumiti ng kaunti.

Hindi ko alam kung ano ang inihalo niya sa inumin ko. Ang alam ko lang ay mabilis na bumigat ang mga mata ko, ni hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.



Dangerous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon