Masyado bang maikli ang part na ito? Please tell me through the comment section below! Thank you!
5th Shot
FIA
Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang mabuhay sa kabila ng sinapit ko. Balitang-balita na din ang nangyari sa akin, ilang buwan na ang nakakaraan. Sa loob ng mga lumipas na buwan, hindi ko pa rin makalimutan ang bawat paglandas ng may kagaspangan niyang kamay. Ang sakit lang na parang iniwan na talaga ako ng Diyos dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng mga problema sa akin. Bakit ako na lang parati ang nahihirapan? Hind ba pwedeng iyong iba naman? Ako na lang ba parati ang nakikita ng DIyos?
Medyo may kirot pa din ang bahagi ng pang-upo ko na nilapatan ng mainit na metal ng hayop na 'yon. Hindi ko matingnan kung gaano kalala ang sugat kong iyon dahil una, alangan naman na maghubo ako sa publiko para gumamit ng salamin dahil wala kaming isa sa bahay, at pangalawa, hindi ko yata kakayanin na makita ang sugat na magpapaalala sa akin ng nakaraan. Sabi nila, maganda daw ang kutis ko, pang-mayaman. Sayang lang daw at mahirap ako. Para daw akong hindi dayukdok sa kinis ng balat ko. Tama sila. Maganda at makinis ang kayumanggi kong balat, pero maganda pa nga ba ito kung nababahiran na ng sugat at pambababoy ang pagkatao ko? Bigla akong nabalik sa realidad nang marinig ko ang pag-tawag sa akin ni Nanay Caring.
"Fia! Kanina pa kitang hinahanap! Pinag-alala mo naman ako! Halika na at maaga pa tayong magluluto ng pagkain sa karinderya. Tumayo ka na diyan at maligo," ani niya.
"Opo," ang siyang tangi kong naisagot. Tila napansin yata ni Nanay Caring ang panlulumbay ko.
"Hija, tulala ka na naman. Iniisip mo pa rin ba iyon? Hindi kita pinipigilang isipin ang nakaraan mo dahil hindi mo ito malalagpasan hangga't isinasantabi mo lang ito at hindi pinagtutuunan ng pansin. Pero hija, ipagpahinga mo din ang utak mo dahil saka ka makakahanap ng solusyon kapag ang utak ay nakapagpahinga." Hinila niya ako palapit at hinagod nang marahan ang buhok ko. Napaiyak na lang ako dahil matapos ang mahaba kong pag-iisa, may tao akong nasasandalan at naaasahan. Siya lang ang kaisa-isahang nagmalasakit sa akin noong mga panahong tila mawawala na ako sa aking katinuan. Kinupkop niya ako sa kabila ng hindi niya pagkakilala sa akin. Kahit pitumpong taong gulang na siya, napakahusay niyang tumindig sa sarili niyang mga paa na hindi kinakailangan ng tulong mula sa ibang tao.
Sinimulan ko nang ihawin ang talong para magawang torta. Mga lutong bahay lang ang inihahayin namin sa maliit naming karinderya dahil marami ang construction worker at estudyanteng naghahanap ng murang makakainan. Tiyempo naman at malapit lang ang karinderya namin sa isang pamantasan at construction site.
"Ate Ganda, lalo kang gumaganda ngayon ah! May BB Cream ka bang inilagay sa mukha mo? Doon sa school namin ay madaming babae na gumagamit noon." Saad ni Josh, isang disi-otso anyos na estudyante at suki namin dito.
"Hayan ka na naman sa mga paandar mo, Josh," napailing kong salita.
"Hayaan mo, Ate Ganda. Malapit na akong matapos sa pag-aaral ko. Papakasalan talaga kita. Pangako 'yan!" Malawak ang ngiti nito at parang napakataas ng kumpyansa sa sarili.
"Sige na, sige na! Malelate ka na sa sunod mong klase," kasabay noon ay kumaway na ako para magpaalam.
Iyong batang iyon talaga! Anim na taon ang tanda ko sa kaniya! Ano kayang nahithit n'on at napagusto sa'kin? Kung tutuusin ay napakalambing naman niyang bata. Pero hindi talaga kami bagay! Napatawa na lang ako sa mga iniisip ko. Napalis bigla ang ngiti ko nang maalala ko na naman iyon. Hindi pwede. Hindi ils dapat pagkatiwalaan. Mga lalaki ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay binabangungot ako ng nakaraan. Bakit si Miguel pa? Pinagkatiwalaan ko siya ng sobra. Nawala ako sa aking pagmumuni-muni nang mapansin ko ang bulto ng mga nakaitim na lalaki at para bang palinga-linga sa paligid na may hinahanap. Sila... Ang mga lalaking ito... Kilalang-kilala ko sila. Hindi puwedeng hindi ko sila makilala. May inilabas silang larawan at ipinakita ito sa mga kumakain. Parang tinatambol ang puso ko sa sobrang bilos ng tibok nito. Hindi puwede... Maayos na ang buhay ko! Bakit bumalik na naman sila! Pigil-pigil ko ang hininga ko at habang dumadaan ang bawat segundo ay lalo akong pinagpapawisan ng malagkit. Hindi ko namalayan na uling na pala ang hawak kong talong. Ano ba 'yan! Napakasamang timing!
BINABASA MO ANG
Dangerous Love
General Fiction"Huwag kang magmarunong sa'kin Fia! Naanakan lang kita!" A woman is forced into something. Something that she does not want to be involved in. Neither she planned being affiliated with the type of people like him. Will she have the guts and dare t...