9th Shot

186 5 2
                                    


A/N: Hello! Sorry sa super late na update! Ang dami ko kasing pinuntahang mga trips (ex. Tuguegarao, Nasugbu, Lian, etc.) and napagod talaga ako ng husto. Pasensya na ulit. Hope you like this chapter. Comment your thoughts down below and if you liked this chapter, don't forget to vote! xx

Dedicated to @Tagurojeng for voting streak! x



Fia

Ilang linggo na rin simula nang maging pormal akong tutor ni Karlos. Mula sa mga mabababang marka niyang nakukuha mula sa mga nagdaan niyang tutor, kapansin-pansin ang laki ng kaibahan sa mga marka niya ngayon. Mas matataas na ito kumpara sa dati. Ang kailangan lang pala niya ay katugmang tutor na makakahulihan niya ng loob. Kahit na hindi ako nakatungtong sa kolehiyo, maraming nagsasabi na napakatalino ko daw pero sayang daw dahil hikahos kami sa buhay. Kinailangan kong mamili sa pagitan ng kinabukasan ko at sa mga magulang ko. Palagi kong pipiliin sina Nanay at Tatay.

Bilang isang tutor ni Karlos, nabigyan ako ng mas higit na karapatan kaysa noong wala pa akong katungkulan kay Karlos. Nabigyan ako ng mas maayos na silid. Ayaw man ni Danger noong una, napakiusapan naman siya ng mayordomo na madalas mamalagi si Karlos sa piling ko at ayaw na ayaw ng nakatatanda na makaranas ng kahit anong kakulangan ang apo niya. Kung nais ni Karlos na pumunta sa akin, kailangang pasok sa panlasa ng isang mayaman ang silid ko. Napakadalang na rin kasing matulog ni Karlos sa sarili niyang silid. Parang ni isang segundo ay ayaw mawalay sa akin ng bata.

"Mama, dito lang ikaw ha? Iiyak ako kapag umalis ka," inosenteng nakatingin sa akin si Karlos.

"Dito lang si Mama. Matulog ka na Karlos," nginitian ko itong pabalik.

Awa talaga ang namamayani sa akin kapag nakikita ko ang batang ito. Salat na salat sa pagmamahal ng isang magulang. Kaya ginagawa ko ang lahat maiparamdam lang sa kaniya ang pagmamahal ng isang ina kahit na hindi ko siya anak. Lumaki ako na punong-puno ng pagmamahal mula kina Nanay at Tatay. Ni hindi ko mahinuha kung ako ang nasa kalagayan ni Karlos. Hindi ko yata kakayanin.

Marahang sumiksik sa dibdib ko ang paslit habang nakapulupot ang mga maliliit nitong braso sa akin. Sinisigurado siguro nito na hindi ako makakaalis sa yakap niya. Bakit hindi ito kayang mahalin ni Danger? Anak naman niya ito.

Pinaglalandas ko nang marahan ang palad ko sa buhok ng bata nang makarinig ako ng boses sa likuran ko.

"Ang galing mo din, ano? Mautak ka din. Para lang magkaroon ka magandang katayuan dito ay nagawa mong hulihin ang loob ng batang 'yan. Bilib din ako sayo."

Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Pero gayon na lamang ang takot ko nang malaman kung sino iyon.



Danger

Pinasadahan ko ng tingin ang mga papeles na nakatambak sa aking lamesa. Simula nang mailipat sa akin ang organisasyon ay ako na ang sumalo ng lahat ng trabaho ni Papa. Isa lang ito sa mga hakbang na gagawin ko maipakita lang kay Papa na mali siya. Mali siya nang mas piliin niya ang trabaho niya kaysa sa akin. Na pinili niyang iwanan ako sa mga katulong sa mga panahong kailangang-kailangan ko ang kalinga ng isang ama. Namatay sina Mama at mga kapatid ko pero hindi man lang ako dinamayan ni Papa sa pagdadalamhati ko. Kinailangan ko siya higit sa kanino man.

"Sir, maayos pong nakarating sa Morocco ang shipment natin ng cocaine at crystal methamphetamine. Nagawan na din po ng paraan ang mga awtoridad sa bansang iyon," saad ng sekretaryo kong si Kane.

Dangerous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon