DISCLAIMER: I AM NOT PUTTING THE NATIVES IN A BAD LIGHT. I AM JUST SHOWING HOW THE NATIVES ARE TAKEN ADVANTAGE OF BY THE SUPERPOWERS.
This will be short! Hehe! Read on!
Chapter 3
"This is a joint project of Vauclain International Corporation and W. B. International. The two corporations decided to forge an alliance in order to build a luxurious thirty story hotel and resort in an island in the province of Surigao del Norte. What is special with this project is the few number of competitors in the target location. The two corporations are also the pioneers in building such project in the said area. Moreover, the project aims to overhaul the whole island into a commercialized area with different services solely offered by the resort," panimula ni Danger upang ipakilala ang proyektong kasalukuyang pinagpaplanuhan ng dalawang partido.
Hindi niya alam sa sarili niya pero kumakabog ng malakas ang dibdib niya. Hindi naman siya ganito. Parating malakas ang kumpyansa niya sa sarili na mailalahad niya ng maayos ang sinasabing proyekto. Marahil ay dahil naririto ang kanyang ama kaya siya kinakabahan ng ganito. Pero hindi siya pwedeng pumalpak dahil hindi niya alam ang nag-aabang sa kanya.
"Wait. So, what you meant by overhauling the whole island is turning it into an urban-like area?" Sabat ng isang shareholder.
"Yes. Because what we—". Hindi na natapos ni Danger ang sasabihin nang sumabat muli ang isa pang major shareholder.
"That is completely absurd! You are defeating the purpose of this project! We want to provide a getaway for people who are fed up with their city lives!"
Patuloy ang pagpapalitan ng mga shareholders ng kanilang mga hindi pagsang-ayon sa inilalahad ni Danger. Nagngingitngit ang damdamin ni Danger sa nasasaksihan. Maling-mali ito sa nais niyang mangyari! At sa harap pa ng kaniyang ama nangyari!
Napansin niyang tila tahimik ang kaniyang ama sa kinauupuan nito at tila malikot ang mga mata habang nagmamasid sa nangyayari. Bigla niyang naramdaman ang tagaktak na pawis na naglalandas sa kaniyang mukha. Ginapang na siya ng takot sa hitsura pa lamang ng kaniyang ama.
"Pwede naman natin siguro itong pag-usapan ng maayos, hindi ba?" Malakas na pagsalungat ng kaniyang ama. Heto na.
_
Matapos ang ilang minuto ng payapang pag-uusap ay humantong din sila sa isang desisyon. Babaguhin lamang ang ilan sa mga aspeto ng proyekto at papalitan ito nang mas makagaganda sa nasabing resort. Papanatilihin nila ang kalikasan na taglay nito upang makapagbigay ng adventurous vibe para sa mga turistang mapaparoon sa resort.
"Papa," tawag ni Danger sa kaniyang ama na nagliligpit ng mga ginamit nito sa pagpupulong. Lumingon ang huli at binigyan siya ng isang malisik na tingin.
"Anong sinabi ko sa'yo, Danger? Hindi mo ako maaaring tawaging Papa." Walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha nito habang nakatingin sa sariling anak. Ni hindi mo makikitaan ng kahit katiting na pagmamahal para sa lalaking nasa harapan niya.
"Pasensya na po, Sir."
"Wala ka pa rin talagang kwenta. Akala ko pa naman ay kaya mo nang patakbuhin ang pagpupulong na ito ng wala ako. Akala ko rin ay tama ang desisyon ko na ipaubaya sa'yo ang proyektong ito," maanghang na sambit ng kaniyang ama bago siya iniwang mag-isa.
Napahilamos sa inis si Danger at walang pasintabing hinawi ang bawat madaanan ng kaniyang mga kamay. Putangina! Wala na akong nagawang tama sa paningin ng magaling kong ama!
_
Matapos ang ilang buwan ng masusing pagpaplano ay pormal nang sinimulan ang pagtatayo ng hotel sa isla. Malapit sa dalampasigan ay sinimulang itayo ang establisyimento upang accessible ang dagat para sa mga turista.
Nasa kalagitnaan ng pagsisiyasat si Danger nang makarinig siya ng malalakas na tinig sa hindi kalayuan. Ano kaya iyon? Ibinigay niya muna sa kaniyang assistant ang hawak na board upang puntahan ang pinagmumulan ng ingay.
Ano ito? Sa kaniyang harapan ay may mga taong may hawak ng mga sibat at pana. Galit na galit ang mga mukha ng mga ito na tila handing pumatay kahit anong oras.
"Hindi ka pa ba natuto, Vauclain?" Galit na sambit ng pinuno na si Apo Bagaoisan. "Hindi ka pa ba nadala sa mga nangyari sa pamilya mo noon?"
Napakawalanghiya! Sila! Sila ang walang awang lumapastangan sa ina at mga kapatid ko! Mga walang kaluluwa ang mga hayop na ito!
Umigting ang mga kamao ni Danger bago tinapunan ng nanlilisik na tingin ang nasabing pinuno. Napakakapal ng mukha nito para magpakita sa akin at nagdala pa ng mga kasama!
"Umalis na kayo sa islang ito dahil nabili na namin ito. Wala na kayong mapapala kahit lumaban pa kayo. Umalis na kayong mga hayop na walang pinag-aralan!"
"Walang aalis dahil wala akong pinayagan na ipagbili ang islang ito!"
"Hindi ka nga ba aalis kung sabihin ko sa'yong nasa akin ang anak mong babae? Ang anak mong matagal mo nang hinahanap?"
Nawala ang angas na ipinapakita nito kanina at napalitan ng takot at pag-aalala. Sino ngayon sa atin ang aalis? Hindi ba nito alam na kaya kong saktan ang anak niya sa kahit anong paraan na gustuhin ko? Kahit pa latiguhin ko ang makinis na kutis ng kaniyang anak ay wala akong pakialam. Binunot ni Dange mula sa kaniyang pitaka ang isang litratong kinuha niya habang walang malay na nakahandusay sa kama si Fia. Napangisi naman si Danger habang matamang tinititigan ang litratong hawak-hawak. Panghihinaan ka talaga sa makikita mong hayop ka. Iningat-ingatan niya ang ilang litrato sa kaniyang pitaka sakaling kailanganin niya. Dumating na nga ang oras na iyon.
Walang pasabing inihagis ni Danger ang mga litrato sa hangin at isa-isang nagsilaglagan ang mga ito sa harapan ng pinuno. Natatawa si Danger sa nakikitang gulantang sa mukha ng matanda. Kasalanan nila kung bakit ko 'to ginawa. Sila itong lumapastangan sa ina at mga kapatid ko tapos aasa silang walang mangyayari sa mga kasamahan nila?
"A-Ang anak ko," mabagal na napadausdos ang matanda habang nakatitig sa mga larawang nakakalat sa lupa. Nanigas ang mga kalmanan ng matanda at para bang hindi makapaniwala sa nakikita. At sa isang iglap ay sapo-sapo na nito ang dibdib kasabay ang hirap sa paghinga.
"APO!" Sigaw ng mga katribo ng matanda.
Wala akong pakialam sa inyo gaya ng kawalan ninyo ng pakialam habang dinudungisan niyo ang pagkatao ng pamilya ko.
TBC
BINABASA MO ANG
Dangerous Love
General Fiction"Huwag kang magmarunong sa'kin Fia! Naanakan lang kita!" A woman is forced into something. Something that she does not want to be involved in. Neither she planned being affiliated with the type of people like him. Will she have the guts and dare t...