10th Shot

224 6 15
                                    

A/N: Humihingi ako ng paumanhin dahil sa napakaraming buwan na natengga ang istoryang ito. Graduating na kasi ako at medyo hectic na ang workload. Thesis at practicum ko na sa darating na semester. Pagpasensiyahan niyo na ako. Ito ang nakayanan ko ngayon. Sana maenjoy niyo! Salamat sa patuloy na pagtangkilik!


Fia

Nabagabag ako sa nangyari kagabi. Higit pa sa panibagong takot na naramdaman ko kay Danger ang pag-aalala kay Karlos. Bakit ito nananaginip ng ganoon? Madalas ba siyang makapanaginip ng ganoong klaseng bangungot? Atsaka, bakit nagpupumilit si Karlos na ilayo ko siya sa papa niya? Naulinigan ko noong isang araw na ampon lang ni Danger si Karlos. Pero lalo pa nitong pinagulo ang isipan ko. Bakit napakabagsik ni Danger sa batang inampon niya? Eh 'di sana ay hindi na lamang niya inampon ang bata.

Napakalupit ni Danger sa lahat ng aspeto. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang napunta sa sitwasyong ito. Pero hindi ko naman hinihiling na mayroong isang babae na mapunta sa katayuan ko kung hindi ako ang naririto ngayon. Bakit ako ang napagsamantalahan niya? Bakit ang dali lamang para sa kaniya na pasakitan ako ng ganito?

Nahagip ng matako ang mumunting paggalaw ni Karlos. Gising na pala siya. Unti-unting bumukas ang mga talukap ng mata niya at inilabas nito ang kaniyang mga kulay-abong mata. Napakagwapong bata. Sino kaya ang mga magulang ng batang ito? Nakakapanghinayang na ipinamigay lang ang batang ito. Binigyan ko siya ng isang mainit na ngiti at binati,

"Magandang umaga, Karlos!"

Agad namang bumalahid sa mukha ng bata ang isang ngiting mas maliwanag pa sa sikat ng araw, "Good morning, Mama!"

Tumakbo ng mabilis palapit sa akin ang bata at agarang kumandong sa aking mga hita. Dagliang nawala ang ngiti sa mukha ni Karlos at napalitan ito ng pagtataka. Agad kong hinaplos ang mapusaw at namumulang mga pisngi ni Karlos. Ano kayang nabuong tanong sa isipan niya?

"Mama, ito po ba love? Kasi po, Mama, ang sarap po ng pakiramdam dito," sabay turo niya sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib. Ang batang ito... Hindi ko mapigilan at mabilis na umagos ang masagang luha mula sa aking mga mata. Iisipin ko pa lamang na lumaki ang batang ito na walang kumakalinga ay parang may nagtatanim ng punyal sa akig dibdib ng paulit-ulit. Napakabata pa niya!

"Bakit po ikaw nagkacry? Ako po nung dumating ka dito, naramdam ko po 'yon! Tsaka naging ganito na po ang face ko!" Gamit ang kaniyang mga hintuturo, hinila niya pataas ang kaniyang pisngi. Bago pa ako makapagsalita ay umimik na naman si Karlos, "Tsaka po kahit sinesave ako ni Lolo minsan kay Papa, hindi po siya nagsasmile sa'kin," bumusangot ang mukha niya at parang nasa malalim na pag-iisip.

Pinalis ko ang mga luhang nagdaan sa aking mga pisngi. Ang tagal ko na gusto malaman ang sagot sa katanungan ko.

"Kailan ka napunta dito? Nasaan ang Mama mo?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako muli at bumuntong-hininga. Napakabata pa niya pero nagagawa na niyang bumuntong-hininga ng ganoon.

"Basta one daw po ako nung dinala ni Papa dito. Bakit niyo po inaask kung saan Mama ko? 'Di po ba ikaw na Mama ko?" Biglang parang naumid ang dila ko. Pero alam naman niyang hindi niya ako ina.

"Oo nga po pala! Hindi nga pala kita Mama, Mama! Pero sabi po ng mga bata noong isang beses na nagwalk po ako sa park kasama ni yaya, wala daw po akong Mama at hindi daw po ako love ng Mama ko kasi iniwan niya ko sa tae ng kalabaw! Hindi naman 'yon totoo, diba Mama? Kung 'yong love po ay parang 'yong ginagawa niyo sa akin, 'di ba po love din ako ng tunay kong Mama? 'Di ba po hindi ako tinapon ni Mama sa tae ng kalabaw?" Nagsimula na siyang pumalahaw ng iyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dangerous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon