7th Shot

185 5 7
                                    

Hi! There will be an SPG scene in this chapter. Warning you beforehand! Thank you for patiently waiting! Read on! And don't forget to vote and comment so I would be more inspired to write! xo



Chapter 7


FIA

Hindi ko mabilang kung ilang beses na kumalam ang sikmura at umikot ang paningin ko sa sobrang uhaw at gutom. Dagdag pa riyan, hindi ko alam kung ilang beses na sumikat at lumubog ang araw. Wala kasing ni isang bintana sa kinalalagyan ko. Tinotoo nga talaga ng hayop na 'yon ang banta niya sa akin. Hindi siya nagbalak na bigyan ako kahit isang patak man lang ng tubig.

Diring-diri na ako sa sarili ko. Pinaghalong amoy ng ihi at pawis ang kwartong ito. Napilitan na akong umihi sa tayo ko dahil sa pagkakakadena sa akin. Bukod sa ugaling ipinakita sa akin ni Danger, ano pa kayang mga bagay ang kaya niyang gawin sa akin na mas malala pa dito? Kinilabutan ako sa naisip. Naputol ang pag-iisip ko sa marahang pagbubukas ng pinto. Sino...?

Mula sa liwanag ay lumabas ang isang maliit na pigura na may daladalang tray. PInagmasdan ko ang bawat kilos nito. Binitawan niya ang tray na hawak at biglang tumalon. Tumalon muli ito ng ilan pang ulit habang nakataas ang kamay. Doon ko napagtantong binuksan niya ang ilaw nang lumiwanag ang paligid.

Isang batang lalaki.

His face was void of any emotions. Para itong hindi nakakaramdam. He seemed to be less than four feet tall. Ang buhok naman niya ay kulay dirty blonde na katugma ng mga abo niyang mata. Napakacute nito sa suot niyang pantulog na puti na may disenyong mga sasakyan.

Lumapit ang bata sa akin at inilapag ang tray na may pagkain at tubig. Hindi ganoong kayos ang presentasyon ng pagkain. Mahahalatang bata ang gumawa. Nagpanama ang mga mata naming. Wari ko'y pinalaki siyang ganito. Walang pagmamahal o kalinga ng isang tunay na magulang.

"Anong pangalan mo?"

"Karlos po," sagot ng bata. Hindi puwede...

"I-Ilang taon ka na?" I managed not to stutter.

Itinaas niya ang kamay niya at hirap na iginalaw ang mga daliri para magbilang. Nakakatuwang panuorin ang bata habang nag-iisip kung ilang daliri ba ang kanyang edad.

"Five po," ani niya kasabay nang pagpapakita ng apat na daliri sa akin.

No. Hindi ako puwedeng magconclude na lang basta-basta...

"Halika nga rito, Karlos," ngitian ko siya ng mainit at ikinumpas ang isa kong braso. Lumapit naman sa akin si Karlos at nagtatakang tumingin sa akin. Hindi ko napigilang yakapin ang bata. Bakit ganito ang pakiramdam? Siguro nangungulila lang ako sa pamilya ko. Sa kaniya...

"Ang baho niyo po," walang kagatol-gatol niyang sabi. Ay. Oo nga pala. Hindi pa nga pala ako naliligo kasama pang nagkalat ako dito sa kwartong 'to. Mabilis na kumalas ng yakap si karlos at tiningnan ako.

"Bakit po kayo umiiyak?"

Umiiyak ba ako? Kinapa ko ang mukha ko. Totoo nga... Bakit nga ba ako umiiyak?

May itatanong pa dapat ako sa kaniya nang makarinig kaming dalawa nang paghalakhak. Danger! Mabilis na nagtago sa likuran ko si Karlos, para bang takot siyang maramdaman man lang ang presensya ni Danger. Sa likuran ni Danger ay ang mga lalaking dumakip sa akin noong isang araw. Sa likuran naman ng imga ito ay mga babaeng naksuot ng pangkasambahay na uniporme.

Dangerous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon