WARNING: SPG AHEAD. I don't need any reporting because you've been warned.
Bago mangyari ang kidnapping...
Malakas ang tunog na dumadagungdong sa loob ng club. Punong-puno ang harapan ng entablado ng mga kalalakihan na desperadong makaniig ang mga babaeng nagsasayaw ng nakakaakit sa taas ng entablado. Matamang lamang na sinusuri ni Andre ang kapaligiran niya habang sumisimsim ng alak mula sa baso niya. Naiinis siya. Bakit ba kasi ang hilig makipagbangayan ng ama ko sa mga Carbonnel? Alam naman niya sigurong gustong lumagay nina Mama sa tahimik sa kabila ng pinapatakbong negosyo ng pamilya namin. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Oh, pare? Ang lalim yata ng iniisip mo? Nandito ka para magsaya! Relaks ka lang!" Mayroong naglalarong ngiti sa mestisong mukha ni Miguel habang kinakausap si Andre. Kaarawan kasi ni Jai ngayon at nagtipon ang Haute de Gamme sa paborito nilang tambayan—ang La Esclava sa Makati. Hinayang na hinayang sila dahil hindi nakasama si Alejandro sa kanila dahil bantay sarado na ito ng asawang buntis sa una nilang anak. Ang balita ng grupo ay napikot lamang ang kabarkada nila at hindi naman talaga ito ang minamahal ng kaibigan nila. Napukaw ng isang babaeng ang atensyon ni Andre. Ilang na ilang ito sa suot niyang ganga-dangkal lamang ang haba na kaunting kibot lamang ay mahuhubaran na ito. Napangisi si Andre sa loob-loob niya. 'Ito ang mga gusto kong babae,' isip-isip niya. Tinitigasan siya sa mga babaeng inosente at mga painosente. Pakiramdam kasi niya ay mas nagiging dominante ang dating niya. Mas nagkakaroon siya ng kontrol sa mga babaeng ikinakama niya.
"Talagang magsasaya ako. Ibigay mo sa akin iyong babaeng 'yon," sabay turo ni Andre sa kanina pa niyang pinagmamasdang babae. Ngayong gabi, akin ka.
"Alright! Nagsisimula na ang gabi ni Andre! Cheers!" Alam na ng Haute de Gamme ang magiging takbo ng gabi ng isang Andre Maximilien Seraphinus Vauclain. Sa gabing iyon, mayroon na naman siyang maidadagdag sa kaniyang koleksyon.
Wala pang tatlumpong minuto ay nadala na ni Miguel ang babaeng hinihiling ni Andre. Habang hinihila ito ni Miguel ay napagmasdain niya ng mabuti ang babaeng hawak-hawak niya. Sa tantiya niya ay nasa 5'5 ang tangkad nito na binagayan ng mahaba at malambot nitong buhok na umabot sa baiwang ng babae. Hindi lamang niya mamukhaan ang babae dahil sa club niyang ito ay gusto niyang itago ang katauhan ng kaniyang mga performer sa pamamagitan ng maskarang umaabot hanggang ilong.
"S-Sir. Saan niyo po ba ako dadalhin? Sabi po kasi nila hanggang s-sayaw lang daw po ako," nahihintakutang tanong ng Trixy—pangalang ibinigay sa kaniya ng ahente niya. Nginitian lang niya ang babae at umiling-iling. Hindi niya talaga alam ang pinasok niya.
"Huwag ka mag-alala. Ipapakilala lang kita sa kaibigan ko."
Mabilis na nakarating sina Miguel at Trixy sa VIP Room na inuukopa ng iba pa niyang kasama. Kung gaano kabilis sila nakarating doon ay ganoon din kabilis ang pintig ng puso ni Trixy. May iba siyang kutob sa pwedeng mangyari sa kaniya. Hindi ito ang pinagkasunduan namin ng baklang si Bogart! Sabi niya ay sasayaw lamang ako! Gumala ang mga mata ni Trixy at napansin niya ang mga makikisig na binatang sa tantiya niya ay nasa pagitan ng edad dalawapu't-walo at tatlumpo. Bawat lalaki ay mayroong mga babae sa kanilang mga tagiliran maliban sa isa. Ramdam ni Trixy ang pares ng matang nanunuot sa kaloob-looban niya kaya pasimple siyang nagtago sa likuran ni Miguel.
"Oh, bakit ka nagtatago sa likod ko? Halika nga rito." Ayaw man niya ay nadala na rin siya ni Miguel sa harapan nito na tila parang hinuhubaran ng isa sa mga kalalakihan sa kwarto. Sa mga tinging iyon pa lamang ay nararamdaman na niya ang pagnanasa na tumatakbo sa sistema nito. Naiinis siya sa sarili. Kung hindi lang niya kasi kailangan ng pera ay hindi niya gagawin ito! 'Bakit ba kasi ako nagpadala sa alok ni Bogart!' Pagmumura niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Dangerous Love
Beletrie"Huwag kang magmarunong sa'kin Fia! Naanakan lang kita!" A woman is forced into something. Something that she does not want to be involved in. Neither she planned being affiliated with the type of people like him. Will she have the guts and dare t...