6th Shot

192 6 7
                                    


I just wanna greet my new followers! Thank you for following me and having interest in my stories! Thank you, as well, to those who voted once in a while! This one is for you!

Chapter 6 - The Beginning


Fia

Isang linggo simula nang pumunta ang mga nakaitim na lalaki sa karinderya. Hindi maalis sa akin na maparanoid at kabahan sa tuwing may darating na tao sa karinderya. Para bang nararamdaman ko na mahahanap nila ako. Na kahit anong oras ay dadakipin nila ako dahil alam nila kung nasaan ako. Hindi na din ako pinapatulong ni Nanay Caring panandalian sa karinderya dahil madalas akong makasunog ng niluluto at makabasag ng mga plato at basong hinuhugasan. Hindi ko naman masabi sa kaniya na kahit anong oras ay pwede akong mawala sa kaniya lalo na't may kinuha akong mahalagang bagay sa hayop na 'yon. Mali yatang ginawa ko 'yon. Dapat siguro hinayaan ko na lang...

"Hija, pwede mo bang dal'hin ito kay Selya? Wala yatang makakain ang isang 'yon dahil nilayasan ng kasambahay," pagsilip sa akin ni Nanay. Nag-aalinlangan man ako ay pumayag na rin ako dahil naaawa ako sa kalagayan ng kumare ni Nanay.

"Bumalik ka kaagad, ha? Marami pa tayong gagawin," ngumiti siya ng mainit sa akin at kumaway. Hindi ko talaga makita ang sarili ko kung saan ako pupulutin kung wala siya. Si Nanay Caring tila ang naging bagong pag-asa na natagpuan ko.


Kakaalis ko lang sa bahay ni Nanay Selya. Saktong-sakto at hindi pa kumakain ang matanda. Awang-awa talaga ako sa kaniya. Bakit may mga anak na ganoon? Matapos makuha ang pakinabang sa mga magulang nila ay lalayasan na lang nila. Pasensyoso naman sila noong kabataan natin, pero bakit hindi nila ito maibalik sa kanilang mga magulang? Wala talaga silang pagrespeto at utang na loob sa mga magulang nila. Napabuntong hininga na lang ako at napagpasyahang dumaan sa Luneta para magpahangin. Hay. Kailan kaya matatapos ang mga pangamba ko? Para kasing wala nang katapusan ang lahat ng ito. Hindi naman ako pwedeng magpakamatay dahil isa itong kaduwagan at hindi ko din pwedeng iwanan si Nanay Caring. Lalabas pa na wala akong utang na loob sa kaniya. At saka isa pa, pinalaki ako ng mga magulang ko na malakas ang loob at hindi natatakot wa kahit anong pagsubok sa buhay.

Patayo na sana ako para bumalik sa karinderya nang may biglang humablot sa akin sa braso at dinala ako sa tagong bahagi ng Luneta. Ito na ba iyon? Simula na ba? Pinilit kong kumalas mula sa malabakal nilang hawak pero parang nangyayari. Naisakay nila agad ako sa itim na sasakyan ng walang kahirap-hirap. Pumapalag pa ako nang tamaan ako ng dalawang daliri sa aking leeg. Ilang sandali pa't pinanawan na ako ng ulirat.

Ang lamig. Bakit ganito? Parang napapaspas ng hangin ang katawan ko. Tsaka hindi ko maramdaman ang pagdampi ng damit sa balat ko. Ngalay na ngalay na din ang likod ko. Bakit ba madilim? Sinong nagpatay ng ilaw? Tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang malamig na bakal sa leeg ko, tila sinasakal ako sa bawat paggalaw ko. Hindi. Hindi ito maaari! Nakumpirma ko ang pagkakakadena ko nang hawakan ko ang bakal na nakapalibot sa leeg ko.

"Nagkita na naman tayo, Fia," nagsalita ang bultong nasa harapan ko. Hindi ko siya makita. Parang nauulit ang nangyari sa akin noon. Nag-unahang bumalik ang mga ala-ala ko ng gabing iyon na parang rumaragasang tubig. Nilulukob na din ng takot ang buong sistema ko habang namamanhid ang mga kalamnan ko. Sa gitna nito, biglang bumukas ang ilaw ng silid. Tila tumigil ang pagpintig ng puso ko. Tanging mukha niya lang ang nakikita at sentro ng mundo ko.

"Danger..."

Pigil-hininga kong saad nang makilala ko ang mukha niya. Nakakabingi ang mabilis na pagpintig ng puso ko na parang gustong kumawala sa dibdib ko.

Dangerous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon